48

462 19 29
                                    


Talagang mabilis ang paglipas ng araw kung hindi mo talaga inaabangan ang paglipas nito. Tatlong taon pala akong nawala sa Pinas. Parang hindi ko man lang nahalata.

"Bitch!"

Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses. Napangiti na lang ako sabay irap sa tumawag sakin.

"Wag ganon, mars. Mamaya may ibang lumingon sa tawag mo", sinalubong ko ng yakap si Kylie.

"Kamusta ang byahe? Hindi ka ba natakot?" sinukbit niya ang braso sa braso ko.

"Natakot ako! Gagi sa may bintana pa talaga ako".

"Wala kang jet lag?" umiling ako sa tanong niya. "Bigwasan kita gusto mo?"

"Gusto mo kalbuhin kita?" umirap ako.

"To naman, hindi mabiro. Tara na nga! Hinihintay na tayo ng barkada sa restaurant ni Lianna. Ibang klase talaga kapag ikaw! May panangan!"

[ Trans: May pagkain! ]

"Syempre! Mahal na mahal niyo ako e", humalakhak ako. "Day off mo?"

"Um-absent ako para sunduin ka", Aniya.

"Aysus! Sweet ka na nyan?" biro ko.

"Heh!"

Humalakhak na lang ako. Dumiretso muna kami sa PGH para makapagreport ako at kailangan ko rin kasing magsubmit ng kung ano-ano. Mabuti maagang nakalapag ang eroplanong sinakyan ko at hindi ako ginahol ng oras. Sakin ang oras ko ngayon.

Sobrang ingay ng barkada pagkarating namin sa main branch ng restaurant ni Lianna. Kumpleto kami. Kasama rin sila Ryleigh pati sila Jared at sila Kaira. Nandito rin ang F4, 'yung apat na boy bestfriend ni Shantal.

"Uy andito na 'yung naging MIA ng three years!"

Sinalubong nila ako ng kantyaw. Napairap na lang ako at tinabihan si Mia. Siniko ko siya.

"Yan ba 'yung engineer?" sumulyap ako sa katabi niyang lalaki.

"Oo bhie", napakagat siya sa labi.

Harot! Napuno ng halakhakan ang restaurant ni Lianna. Ako na nga ang nahihiya kasi may iba ring costumers pero makaasta 'tong barkada parang wala. Jusko! Napakapauso nila.

"Napapalibutan si Soleil ng mga taken!"

"Sabi sa'yo may ibang MD pa siyang makukuha!" nag-apir sila Cianyx at Czarlotte.

"Che! Atleast sarili ko ang oras at sweldo ko!" umirap ako.

"Ay grabeng praktikalan 'yan ah!" tukso ni Kylie.

"Sobrang advance kong mag-isip", nagkibit balikat ako.

"Pero atleast hindi kami dry season!" naghalakhakan na naman sila.

"Shuta kayo", umirap ako ulit. "Hay ang init dito sa Pinas!" napapaypay ako sa sarili kahit nakacentralized naman ang AC sa loob ng restaurant.

"Ay sorry alam kong hot ako", pagmamayabang ni Shayne.

"Duh mas hot ako", naghair flip si Kylie.

"Ew! Nahiya naman ako", si Czarlotte.

"Mga gaga! Demonyo lang kayo kaya ako naiinitan", ngumisi ako.

"Ay aba aba!" mahinang pumapalakpak si Amethyst.

"Attitude pa rin", umiling si Mariah.

"Hindi ako si Soleil kung hindi ako ma-attitude at sarcastic", sagot ko.

Beautiful Mess (Second to None Series # 1)Where stories live. Discover now