"Ito na ang pinaka hinihintay ng lahat, ang dalawang malakas na distrikto ng Arcavia. Ano pa ba ang hinihintay natin? Kundi simulan na ang laban"pagkasabi nun ay umayos agad ng formation ang mga kawal ng dalawang distrikto.

Nagsimula ang dalawang panig sa attack formation makikita ang pundasyon ng mga ginawa nila.

Makikita ang lakas ng pagkakaayos ng formation nila, walang makikita kahit isang maliit na butas para masira ang formation ng distrikto 2.

Mas lumakas pa lalo ang hawak ni Tita Jade, noon magpunta ako sa kanila ay nakikita ko kung gaano kahirap ang tindi ng pagsasanay na ginagawa sa kanila.

Unang sumugod ang kampo ni Tito James nagkaroon ng mga bolang apoy sa ibabaw ng stadium.

Tila pinagsasama ang mga ito kaya halos matakpan na ang stadium dahil sa lakas at laki ng nagawa nila.

Hindi ko inaasahan na gagawin nila agad ang isa sa mga specialty nila. Ito ay ang Giant Dark Flame.

Nakita ko ang gulat sa mata ni Tita Jade ng makita ang nagawa ng kalaban.

Nakita ko na nag utos agad ito ng pag depensa na gagawin nila sa kalaban. Nabuo ang isang malaking square na barrier.

Ang gumawa ay ang defense warrior ni Tita Reign. Makikita ang aura nito na balot na balot ng mana.

Kung pagbabasehan ay mas malaki pa rin ang Giant Dark Flame ng distrikto 1 pero hindi ko sinasabi na matatalo ang defense ng distrikto 2.

Dahil mas nagfocus sila sa pagpaatibay at pagpapalak ng mana nila sa barrier kahit gaano kalakas ang ibato sa kanila ay mapipigilan nila ito.

Ngunit napangiti ako ng makita ko na sumugod ang attack formation ni Toto James.

------

Thirdperson's POV

"Yurian habang hindi pa nakokompleto ang Giant Dark Flame sumugod na agad para mabawasan ang depensa sa kanila"nakikinig ang mga kawal sa Kapitan nila.

Mas nag focus sila sa attack dahil sa naging dating laban noon ng makita na kulang sila sa attack pero yung defense nila ay hindi gaano natitibag dahil sa ikalawang bise kapitan na asawa ni Kapitan James na si Jillian.

Sumunod agad sa utos ang isang bise kapitan nito na si Yurian habang si Jillian naman ay mas pinapatibay pa nito ang defense ng kanilang grupo.

"Triple Earth Wall"nagkaroon ng malalaking wall ang paligid at mararamdaman ang aura nito dahil sa lakas na ginamit na magic.

Habang sa kabila naman ay nakangiting pinagmamasdan sila ng kapitan ng distrikto 2.

"Lira, hayaan mo muna si Mira na mas pagtibayin ang barrier na ginagawa ng defense natin. Harapin mo na ang mortal mong kalaban"

Yumuko ito para magbigay galang at sundin ang utos ng Kapitan, tinipon agad nito ang attack force na hawak niya.

Mabilis na sumugod ito sa kalaban na bise kapitan, nag teleport ito agad sa harapan ni Yurian at mabilis na sinalag ang espada na sasaksak sa kanya.

"Wala pa rin pagbabago lagi mo ako sinusupresa"natatawang sabi ni Yurian sa kalaban na si Lira.

"Alam mo ikaw ang pinaka paborito ko sa lahat ng kalaban ko Yurian"sumugod agad ito at halos hindi na makikita ang galaw nila dahil sa bilis na kilos ng dalawa.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now