The Wedding Singer

4.6K 269 78
                                    

Author's Note: Paki-play po yung song na nasa media section habang nagbabasa. Para mas may feels. HEHEHEHE kbye. Enjoy reading!

                “Oh, thinkin' about our younger years...”

                Okay lang. Maghihintay ako.

                ‘Yan ang mga salitang sinabi mo sa akin nang sabihin ko sayo na hindi pa ako handang pumasok sa panibagong relasyon. Tinanong mo sa akin 'non kung may pag-asa ka ba sa akin kung sakaling manliligaw ka.

                Nginitian lang kita ng pilit 'non. Sa totoo lang, 'nong mga panahon na 'yon ay hindi ko alam kung may hihintayin ka pa ba. Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo 'non. Walang labis, walang kulang. Hanggang doon lang. Kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo na maliit na lang ang pag-asa mo sa akin.

                “There was only you and me

                We were young and wild and free”

                Lumipas ang ilang linggo, akala ko magbabago ka ng pakikitungo sa akin. Akala ko, dahil sa mga sinabi ko sa'yo ay susuko ka na kaagad sa akin. Hindi pala. Mas lalo mo pang pinaramdam sa akin ang halaga ko sayo. Mas lalo kang nag-effort. 

                Gusto sana kitang patigilin na 'non dahil wala pa namang kasiguraduhan ang mangyayari sa ating dalawa. Natatakot ako na baka mauwi lang sa wala ang lahat ng effort mo. Pero hindi kita nagawang pigilan dahil kahit ako ay aminado na natutuwa sa mga ginagawa mo. Bawat sinasabi mo at bawat kinikilos mo ay ikinatutuwa ko. Napapasaya mo ako.

                “Now nothing can take you away from me...”

                Naging close tayo lalo. Palagi na tayong magkasama. Palagi akong masaya sa tuwing kasama kita dahil magkasundo tayo sa maraming bagay. Araw-araw na tayong magka-chat. Mula umaga hanggang madaling-araw, magkausap tayo. At alam mo ba kung ano ang nakakatuwa? Dahil kahit na 24/7 na tayong magkausap, hindi pa rin tayo nauubusan ng mga bagay na sasabihin sa isa't-isa.

                At habang tumatagal, mas lalo kang nagiging sweet sa akin. Mas lalo ka nagiging maaalahanin. Mas lalo mong sinasabi sa akin kung gaano mo ako kamahal at hindi ka magsasawang maghintay sa akin kahit na abutin pa ito ng limang taon.

                Sinabi ko sayo 'non na bibigyan kita ng pag-asa pagkatapos ng limang taon. Limang taon, kapag nakapagtapos na ako...kapag nakapagtapos na tayo. Gusto ko muna kasi na mag-focus sa pag-aaral, at gusto ko na ganon rin ang gawin mo.

                Masyadong matagal ang limang taon, alam kong susuko ka rin. Palagi ko 'yang sinasabi sayo. Pero palagi mo namang pinapaalala sa akin na wala kang pakialam kung gaano pa katagal 'yan dahil sabi mo ay magiging worth naman ang lahat.

                “We've been down that road before,

The Wedding Singer (One-Shot)Kde žijí příběhy. Začni objevovat