Chapter One

138 4 0
                                    

Abalang-abala ang buong pamilya Montemayor para sa gaganaping birthday celebration mamayang hapon. First birthday ng unang kambal sa pamilya na sina Kathleen Claire at Christine Kaye. Ang mommy nilang si Heide, ang daddy Larry nila, Lola Kristina at Lolo Carlos (mga magulang ng Daddy nila), mga kapatid ng mommy at daddy nila at mga pinsan nila. Lahat sila ay may ginagawa. Isang malaking handaan ang magaganap. At maraming bisita ang imbitado.

Masaya ang party. Masaya ang lahat. Matagumpay na naidaos ang pagtitipon.

Nasa yate ang buong mag-anak. Sina Heide at Larry, ang kanilang kambal, isang yaya at isang piloto. Pagkatapos ng party ay doon sila dumiretso. Yon ang gift nila sa kambal, ang yate. At maglilibot sila sa pacific ocean. Yon ang naisip nilang mag-asawa dahil pareho silang mahilig sa dagat. At malamang ganon din ang mga anak nila dahil sa murang edad ng mga ito ay gustung gusto nito sa tubig at tinuturuan na rin nila itong lumangoy.

"Masayang masaya ako hon. After ten years nabiyayaan din tayo ng diyos ng anak at dalawa agad. Sulit na sulit ang paghihintay natin. At pati sina Mommy at Daddy ay tuwang tuwa sa mga apo nila." Natutuwang sabi ni Larry kay Heide. Habang nakatanaw sila sa malawak na karagatan.

"Tama ka Hon, araw-araw akong magpapasalamat sa biyayang binigay niya sa atin. Higit sa anumang kayamanan ang halaga ng mga anak natin. Magiging mabuting ina ako sa kanila. Lahat ibibigay ko sa kanila. At isa pa dahil sa kanila kahit paano ay natuwa sa akin ang iyong mama. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang panahon nating pagsasama."

Twin hearts [Completed]Where stories live. Discover now