Chapter 03

46.7K 2.2K 922
                                    

"PIRMAHAN mo, hijo."

Mula sa puting papel na inilapag ng ama ni Sovereign sa kanyang lamesa ay umangat ang tingin niya rito. Pagkuwan ay dinampot din ang papel at binasa ang nakasulat. Leave form iyon. Muli niya iyong inilapag sa kanyang lamesa at iniisod palapit sa amang si Don Antonio.

"Dad, hindi ko naman kailangan 'yan."

"Nagplano ang Tita Marion mo papuntang Baguio. At least, one week vacation. Sumama ka sa amin para naman maiba ang nasa paligid mo. Hindi ka ba nagsasawa dito sa apat na sulok ng opisina mo?"

Bumuntong-hininga si Sovereign at muling sinulyapan ang ama. "Mag-enjoy na lang ho kayo. Ikaw itong kailangan ng bakasyon. Ayaw kong maging chaperone ninyo ni Tita Marion."

"Reign, anak, ako itong nag-aalala sa'yo. Tatlong taon, natitiis mong dito lang sa building na 'to mamalagi. Ni hindi ka na rin nakikipag-socialize. Hanggang kailan kang ganito?"

Nagbawi siya ng tingin. Ngayon lang nagsalita ang kanyang ama sa kanya ng ganoon.

"You're still young. Bakit hindi ka mag-enjoy katulad ng dati? 'Wag mong bulukin ang sarili mo rito sa kumpanya natin. May bahay tayo pero ni minsan hindi mo tapakan. Kahit 'yong pinagawa mong bahay sa Phase III, hindi mo na tinirhan. Ano'ng balak mo roon?"

"Dad—"

"Take a break. Hindi ako natutuwa na nagpapakasubsob ka sa trabaho rito. Hindi malulugi ang kumpanya kahit mawala ka ng isang taon dito o higit pa. Kung hindi ka sasama sa Baguio. Pagbalik namin, ikaw naman ang magbakasyon. 'Wag mong hintayin na ipakaladkad pa kita sa mga security paalis sa building na ito."

"You're kidding, Dad."

"Try me, Son," iyon lang at naglakad na ito palabas ng kanyang opisina.

Nahilot ni Sovereign ang sentido pagkuwan ay niluwagan ang necktie sa kanyang leeg. Base sa sinabi ng kanyang ama ay mukhang tototohanin nga nito ang banta sa kanya. Marahas siyang huminga.

Isang sulyap pa sa monitor ng kanyang laptop bago tumayo at naglakad palapit sa glass wall ng kanyang opisina. Tumanaw siya sa malayo. Ilang sandali rin siyang nasa ganoon lang na posisyon.

For the past three years, ang penthouse sa pinakahuling palapag ng naturang building ang naging tahanan niya. Tama ang kanyang ama, tatlong taon na siyang hindi nakikipag-socialite. Siya rin naman ang pumili na i-isolate ang sarili sa lugar na iyon. Bagay na hindi niya na-imagine noon na posibleng gawin niya.

Tumiim ang labi niya nang ipaalala lang ng kanyang isipan ang dahilan ng lahat ng iyon. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Pumihit siya paharap sa kanyang mahogany table at muling binalikan ang ginagawa kanina nang puntahan siya roon ng kanyang ama. Kailangan niya ng distraction. At ang trabaho lang sa kumpanya ang alam niyang mabisang gawin para maiwasan ang dahilan ng sakit na tila hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanya.



"WALA KA bang balak umalis?" sita ni Sovereign sa kaibigang si Liam na prente pa ring nakaupo sa sofa, sa may mini sala, na nasa silid niyang gamit sa kanyang penthouse.

"Wala," tipid na wika ni Liam na patuloy lang sa pagdutdot sa screen ng cellphone nito.

Pabagsak siyang nahiga sa kama at sandaling tumitig lang sa kisame.

"Reign."

"Hmmm?"

"Painumin kaya kita ng may halong aphrodisiac?" Inilapag ni Liam ang cellphone nito sa may center table. "Tapos dadalhan kita rito ng mga limang babae agad," ngumisi si Liam. "Para naman madiligan ka na."

The Billionaire's Secret | Book 2Where stories live. Discover now