He tapped my cheek before giving me an assuring smile. "Sorry for not thinking about you. Alam ko kung gaano ka iniingatan ng magulang mo kaya napakagago ko para..." he sighed. Ginulo niya ang magulo naman niyang buhok. "I didn't hold myself back and this is exactly fault. I'm fucking willing to take all the responsibility... But I could assure you that you won't get pregnant."

Gumaan man ang loob ay naguluhan ako. "How can you say? Hindi natin alam ang pwedeng kalabasan ng ginawa natin, Samuel. Paano kung mabuntis ako? Natatakot ako, Samuel..." halos umiyak na ako sa harapan niya. Maisip ko palang ay hindi ko na kaya.

Ngayon ko naintindihan kung gaano kahalaga ang payo ng mga magulang. At ngayon ko rin naramdaman kung gaano kahalaga ang pakikinig natin at pagsunod sa kanila.

At the end of the day, mapapagtanto mo na tama sila. Nagpayo sila... Nasa atin nakasalalay ang pagsunod.

"Wala kang dapat na ikatakot, okay?" ani Samuel at niyakap ako.

"Paano ka nakakasigurado? Nakakainis ka naman. Bakit sobrang kalmado mo samantalang ako ay halos maiyak na?"

Hinarap niya ako. "I pulled out. Okay? At tsaka..."

"At tsaka?" I impatiently made a face. Kung bakit ba naman kasi sobrang pabitin niya!

Huminga siya ng malalim na tila nahihirapan siya sa sasabihin. Nagbuga siya ng hangin at tipid na nginitian ako. "We won't do it again, okay? Sobrang nadala lang tayo kagabi pero hindi na natin uulitin," ani niya na tila sarili niya ang kinukumbinsi. "Right. Hindi na natin uulitin. Hindi na mauulit," tumango-tango pa siya.

Natigilan ako. "Hindi na natin uulitin?" tanong ko, wala namang gustong ipakahulugan ngunit na-misinterpret niya yata dahil bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.

"Bakit parang disappointed ka?" he teased.

Napailing ako. Namamangha kung gaano siya kabilis na magpalit ng mood.

*:..。o○ ○o。..:*

After the Boracay trip, hindi na kami muling nagkita ni Samuel. Palagi ay thru messages nalang ang pag-uusap namin. Minsan pa ay talagang hindi kami nakakapag-usap dahil abala siya sa kaniyang trabaho na hanggang ngayon ay ayaw niya sa aking ipaalam.

Ewan ko ba sa kaniya. It's not like as if macho dancer ang trabaho niya kaya ayaw niyang ipaalam. Ewan ko ba sa mga trip niya sa buhay.

It was evening nang mag-message ako kay Jhimwell para itanong kung nasaan ang Kuya niya. Till now ay hindi pa rin ako sigurado kung alam na ba nila Jhimwell ang tungkol sa amin ni Samuel, hindi na lang ako nagtatanong dahil natatakot ako.

At tsaka sinabi naman ni Samuel na kakausapin niya ang dalawang kapatid. I'll just hold onto that.

Jhimwell replied to me saying na nagluluto daw si Samuel kaya natawa ako. Na-imagine ko ang hitsura niya sa kusina habang naghahalo ng kung ano mang ulam ang niluluto niya.

May apron ba siya kapag nagluluto?

Or baka naman topless?

Masarap kaya siya magluto?

Kasing sarap ba niya ang luto niya?

Oh baka naman mas masarap siya?

Damn.

Ganito ba talaga 'pag nami-miss mo na ang isang tao? Kung ano ano na ang nasasabi mo tungkol sa kaniya?

It's been week mula ng huli kaming magkita. Alam ko namang hindi necessary na magkita kami but I don't know. Gusto ko siyang makasama. But also, naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko na may trabaho siya. Naiintindihan ko na busy siya. Naiintindihan ko na pamilya niya ang priority niya.

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now