Kabanata 2: Muling Pagkikita

0 0 0
                                    

"Bibi ano ba yan bang itim ng ilalim ng mata mo!" angal ni Jolay habang mine-make-up-an ako.

"Mauubos na concealer ko! Kalurki! Akala ko ba magtutulog ka kahapon! Anyare?"

"Hindi ako nakapagkatulog ih" walang gana kong tugon sabay hikab.

"Beks gisingin mo nalang ako pagtapos mo na ako make-up-an, pleaseeee!"

"O sya! O sya! Keri ko na itey!"

Magdamag akong binagabag ng napanaginipan ko. Hindi ko maintindihan, pero sigurado akong isang tao lang yung lagi kong nakikita sa panaginip ko. Ang pinagtataka ko pa, hindi ko man makita ang mukha nya, pero napakalakas na ng epekto nya sakin.

Katulad ng laging ginagawa ay maghapon muli kaming nag-taping.

"Pack-up na! Good job for today guys!" deklara ni direk habang pinapanood sa monitor ang scene namin ngayon.

"Maia, hatid na kita!" anyaya ni Dean.

Pagkarinig ay kinurot ako ni Jolay sa beywang at pinandilatan.

"Bibi una na kami nila Tita! Bye!" nagmamadaling paalam nito.

Bago pa ako makapag-react ay wala na ito sa harapan ko.

"Uhmm.. Sige!" pagpayag ko.

Wala nadin naman akong magagawa, wala na akong masasakyan pauwi. Hindi ko din dala ang kotse ko dahil tamad na tamad akong magdrive pag may taping kaya sa service nalang ako umaasa.

Siguradong issue na naman ito kinabukasan kapag may nakakitang sakay ako ng kotse ni Dean.

"Talaga!?" masaya nitong tugon. "Uhmm.. Akina na gamit mo"

"Salamat"

Iniabot ko ang mga dala ko sa kanya at sumakay nadin ng pagbuksan nya ng pintuan.

"Ano.. Kain muna tayo, nakakapagod kasi ang eksena ko ngayong araw kaya ginutom ako" aniya.

"Baka may makakita satin? Issue na naman yun"

"Hmm.. May magagalit ba?"

"Ano, wala naman. Yung mga fans mo!"

"Tss.. Good!" may ningning ang mga mata nito. "May alam akong secluded resto near this area. Its one of my fave, you can eat there in peace"

"Wow? Talaga, may ganun pa bang resto"

"Yeah meron, you'll love it there!" preskong pahayag nito sabay kindat.

Ito ang isa sa mga nagugustuhan ng mga babae kay Dean. Killer smile at kindat. Everytime na ginagawa nya yan sa mall show, grabi ang tilian ng mga fans.

Habang nagdadrive ay panay lamang ang kwentuhan namin. Masaya syang kasama. Sa una lang maiilang ka dahil sa looks at pormahan.

"Seriously!!!?" ani ko na hindi makapaniwala.

"Oo nga promise! I thought lesbian ka. I've never seen you with a guy"

"Excuse me? Girl na girl kaya ako!"

"Who knows? Bat naman kaya si Mocha, hot and sexy, but then lesbian. Im not against lesbian huh? Im just stating a fact" paliwanag pa nito.

"Hindi nga nu ka ba? 100.1% babae to!" natatawa kong kontra.

"Really?" pangungulit pa nya habang natatawa.

"Really!!!" pabiro kong sigaw. "Wow!!!" ani ko pagtigil namin sa harap ng restau.

"Bangganda! Parang paradise sa gitna ng forest!"

"See? I told ya magugustuhan mo dito!"

May mga bato ka pang aakyatan bago makarating sa mismong restaurant. Pag-akyat ay may over looking sya kung saan kitang kita mo ang kabayanan maging ang mga bundok sa paligid nito.

Yesterday's PromiseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang