Kabanata 5: Contest

0 0 0
                                    

Nagising akong dumadaing dahil sa sakit ng ulo.

"Ang nalasing sa dalawang bote ng beer!" bungad ni Jolay.

Hinilot ko ang aking sentidong panay ang pag kirot.

"Oh iha! Inumin mo tong honey. Makakatulong to sa hang over mo" si Tita Amelia.

"Salamat po" nanlalambot akong bumangon at tinungga ang binigay ni Tita at nahiga muli.

Si Jolay naman ay busy pagcecellphone. Kachat yung mga nakilala nyang efem kagabi.

"Bibi keri mo na ba? Lafang na tayo?" kapagkuwan ay yaya nya sakin.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Nang hindi na gaanong kalala ang sakit ng ulo ko ay nagshower na muna ako dahil amoy suka na ko.

"Beks, paano ako nakabalik sa kwarto? Wala na kasi akong maalala pag ka cr eh" tanong ko habang papunta kaming restaurant.

"Sinundan ka ni Tita Amelia sa CR, tapos ichinat nalang kami na nauna na kayong bumalik sa room gawa wala ka na daw buhay" natatawang kwento nito.

"Maghanda handa ka na. Paniguradong kantyaw ka buong araw!" natatawang pananakot nito.

Sakto ngang pag apak ko palang sa entrance ng Restaurant ay kanya-kanyang halakhakan ang mga kasama ko habang nakaturo sakin.

Naagaw non ang atensyon ng mga guest na kumakain at napatingin lahat sakin.

Dahil sa kahihiyan ay tinakpan ko ang mukha ko gamit ang buhok at nagmamadaling pumunta sa table ng mga kasama ko.

"Pagtatawanan pala kami ha!?" tudyo ni Lester.

"Mga nyoyop! Hiyang hiya ako!"

"Hashtag! Feeling Strong!" tudyo ni Kuya Dan ang writer/ director namin.

"Whoo! Si Maia lang malakas!" patuloy na panunukso ng mga kasama ko.

"Yan! Dyan kayo magagaling! Dapat ang tawag sa inyo Team Bully!" ganti ko pa at kumain na.

At nagtawanan pa ng nakakaloko ang mga mang-aasar kong kasama. Matagal na kaming magkakasama kaya wala na samin ang napipikon kapag napagkakatuwaan.

Napalakas ang kain ko dahil nailabas ko na ata kagabi ang kinain ko buong linggo kaya gutom na gutom ang pakiramdam ko.

"Awat iha! May nakabikini ka lang mamaya!" paalala ni Tita Amelia.

Tinanguan ko ito at nginitian.

Matapos ang agahan ay nagsimula na kaming magsipaghanda para sa gagawin namin.

Magkakaroon kami ng 3 sets of video endorsement and 10 sets of photos.

Ang unang setting namin ay sa beach kaya naman inihanda na ng team ang mga props na gagamitin.

Ako naman ay inayusan na ni Jolay. Kinulot ang aking mahabang buhok at ni-pony tail. Pinagsuot lamang ako ng stylish namin ng white pair of bikini para hindi ko daw masapawan ang background ko.

Ang eksena ay mula sa pagkakahiga sa buhangin na may latag ay babangon upang maglagay ng sun block at magtatampisaw sa dagat.

Habang nag eemote ako ay syang pag anggulo ng camera para mabigyang focus ang kabuuan ng Beach. Basta ako mag iinarte lang ipapakitang enjoy na enjoy ako.

Dahil dito ay naagaw namin ang atensyon ng ibang nagsiswimming. Ang iba naman ay nakikikuha ng picture.

Inabot kami ng tanghali bago nakuntento si Kuya Dan. Ang nakunang video naman ay ipapasa na sa editing team para lagyan ng sound at kung ano ano pang kaartehan.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Sep 07, 2020 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Yesterday's PromiseWo Geschichten leben. Entdecke jetzt