Dream 12

0 0 0
                                    

Dream 12

"May bagong kanta ang The Crudes?"

Tanong ni Ronnie nang pumunta na kaming agency para mag practice. May nakalagay kasing malaking banner ng The Crudes sa labas para i promote ang kanilang bagong kanta.

"That should be me? Title pa lang ang ganda na." Saad naman ni Ryan.

Kagabi ko pa talaga iniisip ang title ng kanta. Para siyang familiar na parang hindi din. Ah basta!

Pagpasok namin sa loob ay agaw pansin pa din ang malaking poster ng The Crudes sa gitna. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay.

"Hey there Rian!" napalingon ako ng may tumawag sakin.

"El?" nagtatakang tanong ng dalawa. Pina una ko nalang silang dalawa sa practice room.

Tiningnan ko si El na papalapit na sakin ngayon. Mukha siyang pormal ngayon ah. Black leather shoes, black pants and white long sleeves, plus naka tie pa siya! Kulang nalang ng coat ay magmumukha na talaga siyang business man, so far from the singer El.

"Samahan mo ko mamaya." Bulong niya nang nakalapit na siya sakin.

I glared at him. "May gagawin ako mamaya."

"Okay." Sagot niya sabay ngiti na may halong pang aasar. "That is, if you don't want my group to find out about what's between you and Em."

What the!? Is he blackmailing me?

"By the way, they are staring at us."

Napalingon ako agad ng sinabi niya iyon. Akala ko nagbibiro lang siya pero hindi. The Crudes are really there, wearing the same outfit as El, maybe waiting for their member who is with me.

Tiningnan ko sila isa isa at nahanap ng tingin ko si JB. He is staring at me darkly. He clenched his jaw and then looked away when he realized I was staring at him also. O-kay. What was that supposed to mean?

"I'm waiting, Lil sis." Muntik ko nang nalimutan na andito nga pala si El sa gilid ko kung di lang siya nag salita.

Hindi ko pa rin nililingon si El. I am still staring to the band who is now walking towards us.

"Do I have a choice? Tss.." sagot ko nalang sa kanya.

"Good. Later, then." Sabay kindat sakin. Napangiti ako sa ginawa niya. El maybe is an ass, but he is still my idol. No matter how he behaves in front of me, he still makes me smile.

Tinalikuran ko na siya para pumunta ng practice room pero nagulat naman ako ng pagtalikod ko ay nakita ko si JB na nakatitig sa kin.

Damn those eyes!

"Tss.." sabay iling iling niya at nilampasan na ako.

Ano ba ang problema niya? His stare looks like I just did something wrong! And damn him, why am I getting guilty just because of his stare!

Hindi na ako nagtagal dahil nakaka agaw na ako ng atensyon sa paligid ko. Pumunta na akong practice room dahil late na talaga ako, sobra.

Bago ako pumasok ay nagvibrate ang phone ko notifying me for a message.

"Please, don't." - Jin.

Huh? Hindi ko naman alam kung para saan yun o kung ano ang ibig sabihin niya kaya hindi ko nalang pinansin. Baka wrong send lang.

"No questions, please!" Sigaw ko agad pagpasok ng practice room dahil akala ko sina Ronnie at Ryan lang ang nandun.

Tiningnan ko ang nasa loob ng kwartong iyon. President Jung is talking to the both of them. I wonder what they are talking behind my back looking this serious.

"Think about it, it's for the good." Huling sabi ni President bago lumabas.

"Anong ginagawa niya dito?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Wala." Sagot ni Ryan. "Practice nalang tayo."

Hanggang sa natapos ang practice ay yun pa din ang laman ng isip ko. Ronnie looks interrupted by something while Ryan looks bothered.

"Ano ba oy! Kinakabahan na ako sa inyo ah.." sabi ko, breaking the silence between us.

"Wala nga. Wag ka nga mag overthink." Sagot ni Ryan. "May pupuntahan kami ni Ronnie ngayon ha! Kaya aalis agad kami."

"Ah oo. May gagawin kami." Sagot din ni Ronnie, hindi siya makatingin sa akin.

I know they are hiding something, pero hindi na ako nagtanong pa.

Nagbihis nalang ako ng black hoodie tutal uuwi na rin lang naman. Kinuha ko na rin pack bag ko at nilagay na sa likod. I put my hands inside my hoodie while walking my way out. Iniisip ko pa din ang pwedeng dahilan kung bakit ganun ang dalawa ngayon.

"Hey hey, not so fast lil sis!"

Oh, I forgot! Sasamahan ko nga pala si El ngayon!

Tiningnan ko siya ng tinawag niya ako. He is also wearing gray hoodie plus the cap. Right, para hindi siya makikilala. His outfit reminds me of someone.

"Ano ba gagawin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kakain sa Mcdo. Bilis na, samahan ko." Sabay hatak sa kamay ko.

Mcdo, seriously? Magpapasama siyang kumain sa Mcdo?

"Pila ka na dun. Order moko ng chicken, float, burger tapos yung fries. Bilis na." Utos niya sakin sabay bigay ng credit card niya ng nasa loob na kami.

"Ikaw nalang kaya, ano?" sabi ko sa kanya.

"Eh di sana, hindi na ako nagpasama diba?" Sagot niya sakin.

Labag man sa loob ko, pumila na din ako at nag order ng pagkain namin. Dinamihan ko na dahil pera niya naman eh.

Nang dumating ang order namin ay nagulat siya dahil andami talaga.

"Wag ka nang magtanong. Kumain ka nalang." sabi ko sabay balik ng card niya.

Nagsimula na akong kumain dahil nakakagutom pala talaga ang pag practice. Kumain na rin naman siya kaya napatingin ako sa kanya.

Napangiti ako. Di ko inaasahan na ang main dancer ng The Crudes ay nagpasama para kumain sa Mcdo! Just wow!

Napatigil siya sa pagkain ng sigurong naramdaman niya na nakatitig ako sa kanya.

"What?"

"Wala, ang cute mo pala."

Napaubo siya sa sinabi ko kaya mas lalo akong natawa.

"Kumain ka nalang jan. Pag sumikat ka na, minsan ka nalang makakatikim niyan kaya mag enjoy ka na habang wala pa. Nakakamiss ang lasa nyan, swear." Sabi niya sakin, sabay tuloy sa pagkain.

Oo nga, halata naman. Hindi ko nalang sinabi  dahil baka mawalan siya ng gana.

"Uy, tumaba ka bigla." asar ko sa kanya ng pauwi na kami.

"Malabo yan." Confident na sabi niya sakin.

"Tss, yabang.." bulong ko.

Ihahatid niya pa sana ako kaso tinawagan na siya ng manager nila na may practice daw sila.

"I guess next time na kita mahahatid." sabi niya sabay sakay sa kanyang sasakyan.

He started the engine, but before he left, he opened the window of his car.

"Salamat sa pagsama. Next time ulit." He said then winked at me. Hindi ata talaga mawawala ang wink niya eh.

Naglakad na ako papuntang sakayan pabalik nang naalala ko si Jin. Pumunta kaya siya sa park? Hindi naman siguro. I searched for my phone only to find that it already died. Hindi ko nga pala na charge!

Dumiretso agad ako sa kwarto para icharge ang cellphone ko pagdating sa bahay.

"You're not coming today?" -Jin.

"Hey!"- Jin.

"I guess you're not." -Jin.

Nanlumo ako ng nabasa ang mga mensahe na galing sa kanya. Binasa ko lang ang nasa huli and it was sent 26 minutes ago!

Oh shoot!

_____________________________________________________

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dreamers Where stories live. Discover now