"Biro lang, uto uto ka," natatawang sagot ko.

Bumalik siya sa kinauupuan bago magtanong ulit. "Ano nga munang trabaho mo, ate?"

Nilagok ko muna ang tubig na nasa baso.

"Agent, noon," sagot ko.

"Noon? Bakit noon, ate? At saka ano 'yung agent?" nakakunot noong tanong niya.

"May mga ginagawa akong misyon, kapalit ng malaking halaga ng pera. Kailangan kong isakrapisyo ang buhay ko para mapagtagumpayan ang gusto ng kompanya namin. Kaya nga ako umalis na sa trabahong 'yon, pagod na akong makipaghabulan kay kamatayan," diretsyong sagot ko.

"Ngayon ba ate, wala kang pinagkakaabalahan?"

"May nagtangkang umaya sa akin, Pow Pow," saad ko.

"Po?" kunot noong tanong niya.

"May isang makapangyarihang grupo na gusto akong maging myembro nila, pero nagdadalawang isip ako. Dahil sobrang panganib ng buhay na puwede kong mapasok," sagot ko.

Napatango naman siya.

"Magaling ka talagang makipaglaban ate, base na rin sa sinabi mo," nakangiting turan niya.

"Magaling talaga ako, cute pa," pagmamayabang ko.

Napatango naman siya. "Kaya pala ang astig mo, ate. Pero anong trabaho mo ngayon?"

Parang matanda na talaga 'to kung magtanong. Napakachismoso pa, kaonti na lang ibibitin ko na 'tong batang 'to.

"Wala akong trabaho ngayon, rumaraket lang ako. Nakikipaglaban sa underground, illegal na arena," diretsyong sagot ko.

Hindi ko alam kung bakit komportable akong sabihin sa kaniya 'to. Hindi naman siya mukhang spy, dahil bukod sa mabait siya, wala ring alam ang batang 'to tungkol sa mga ganitong bagay.

At kahit spy siya, kung magsumbong man siya, what's the sense? I am no longer an agent, at saklaw ng gobyerno ang ahenteng pinamumunuan ko.

Illegal man ang underground, hindi na rin naman ako nakikipaglaban doon.

"Nakikipaglaban ka pa rin ate? Akala ko ba ayaw mo nang malagay sa panganib ang buhay mo? Bakit nakikipaglaban ka pa rin?" Natahimik ako sandali sa tinanong niya.

"Iba ang agency sa underground, maliit na negosyo lang naman ang underground ka--"

"Pero mapanganib pa rin 'yon, ate. Kahit anong sabihin mo, sa huli, puwede kang malagay sa alanganing sitwasyon kahit gaano man kaliit ang underground na 'yon. Kaya bakit mo tinatanggihan ang pag-aya ng isang malakas na grupo sa 'yo?" tanong niya.

"They're a big and a powerful group, mas malaki, mas mapanganib."

"Pero mas malaki, mas safe at komportable ka sa sitwasyon kung nasaan ka, hindi ba ate?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Ilang taon na nga ulit 'to? Bakit ang daming nalalaman nito?

"Sa 'yo na rin mismo nanggaling na malakas ang grupong papasukan mo, kaya mas kaonti lang ang magtatangka sa kanila dahil maraming takot." Ngumiti siya nang malapad sa akin.

Ang talino nitong batang 'to. Daig pa ako.

"Kitang-kita ko kasi na gusto mong sumali, ate. Kaya gusto kong sundin mo ang gusto mong mangyari. Huwag mo sanang limitahan ang sarili mo dahil kita ko naman sa 'yo na desidido kang sumali, pinangungunahan ka lang ng takot."

Napapikit ako nang mariin at saka sumandal sa upuan. Bumuntong hininga ako habang malalim ang iniisip.

Matagal ko nang tinitingala ang grupong Delta, simula pa lang noong malaman ko kung gaano kalakas ang grupo nila.

Gustong gusto ko rin na sumali sa kanila, pero mahina pa ako noong mga panahon na 'yon kaya hindi ko na sinubukan pa ang sumali.

Tama naman si Pow Pow, matagal ko nang pangarap na mapasali sa Delta.

Nagdadalawang isip lang ako dahil ayokong malagay sa panganib ang buhay ko, lalo na ang buhay ni Pow Pow.

Pero makakaya ko lang siyang buhayin at palakihin kung may pera ako, kung may trabaho ako.

Inis na napatayo ako sa kinauupuan.

Walanghiya ka talaga, Delta. Bahala na! Sasali na kung sasali!

KNIGHTS I-3: Nine Cards of Delta (Third Knights)Where stories live. Discover now