Role Play

9 0 0
                                    

My name is Castalia sa Real World, pero sa role play ako si Abigail. Sosyalerang babaeng nag-aaral sa isang kilalang university, kayang magsalita ng tatlong lenggwahe. Japanese, Maori and Italian. Nag-iisang anak na babae ng isang mayamang negosyante. Medyo bully, pero di nagpapakanti. Sheltered. Ganda no?

Well classic spoiled rotten rich brat na umiiyak sa magulang kapag nagkagulo at kapag hindi nakuha ang gusto. Ganoon ang karakter ko, sobrang malayo sa realidad ko.

Kung si Abigail masaya ang buhay buo ang pamilya and all that. Ako hindi. My parents are annulled and I was so affected by it. Pero sino nga ba naman kasi ang kakausapin ko? Masaya sila Mom and Dad sa mga bagong buhay nila. I am the casualty.

Nag-iisang anak. Pinalaki sa 'maayos' na pamilya.

A friend of mine actually introduce me to this world. Ang sabi niya sa akin, masaya dito. Marami akong makikilala na kapareho ko ng mga hilig, common ground ganoon. So I signed myself in, I said yes to the offer.

I mean harmless fun lang naman iyon. Maguusap-usap lang kami while portraying a certain individual in a given setting. In my case, I was that spoiled rich brat na patitinuin ng isang lalaki. Noong una ayoko pa nga sana e, pero nandito na ito. Might as well enjoy it.

Everything was going smoothly. Lahat kami nagkakasundo. I even got cozy with a guy from that troop. Si Sebastian, Iñigo ang pangalan niya when it's role play. Masaya silang kausap, every night maingay kaming lahat sa chat room namin. As in sobrang saya.

Until one day, nagkaalaman na may girlfriend pala iyong guy na madalas kong kausap at nagulantang ang lahat na may ganoon kaming ganap. That we're talking even after our time, role playing. That dawned to me, the one rule they got in that world.

Never get carried away. Which I did, I got carried away with Sebastian's caring and soft spoken nature. I came to love Iñigo.

No, certainly not Iñigo. I fell in love with Sebastian. I fell to a guy I never met, because of his upbringing. I mean is that even possible? Upbringing, totoo ba talaga iyan, Calista? Ang rupok ko lang.

I told him how I felt about him, only to find out that it was his girlfriend holding the account that time. She told me to back off Sebastian na ginawa ko naman.

I deleted my account, removed myself off the chat room. Tapos di ko na muling kinausap si Sebastian. O kahit na sino sa kanila.

Now it had been months, may mga naririnig ako but I chose not to be bothered by it. Basta ang akin, kung saan masaya si Sebastian doon ako.

Kahit pa wala ako sa totoong mundo niya. Kahit na si Abigail at Iñigo ay nabubuhay lang sa imahinasyon ng isang manunulat. Ayos na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gearrscéalta (Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon