Ang Panibagong Simula

0 0 0
                                    

"Kahit anong panahon man, hahanapin kita mahal ko. Kahit gaano katagal. Abutin man tayo ng isang siglo. Aalalahanin ka pa din ng puso ko. Hindi ako susuko, pangako yan..."

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

"Panaginip lang pala"

Ihihilamos ko sana ang kamay ko sa mukha ko ng may mahawakan akong luha.

"...pero bakit ang sakit-sakit" hinawakan ko ang tapat ng puso ko at bumuntong hininga.

"Hayyy... Maia! Kakapanood mo yan ng drama! Kung ano-ano tuloy pumapasok sa kokote mo" ani ko sa sarili na kalaunan ay tinawan ko nalang din.

"Maia, retouch na! Malapit na scene mo!" tawag ni Tita Amelia, manager ko.

"Okay po!" tugon ako at nagmamadaling bumangon para maghilamos at mag-ayos.

Twenty-four hours on shoot kami ngayon dahil napakalayo ang location mula sa city. Stand by lamang kaming mga artist sa tent at wala halos mga tulog. Makakapahinga lang kami kapag kapag iba na ang nakasalang para umarte.

"Bibi girl, upo ka na ditey!" ani ni Jolay ang make up artist ko.

Agad ko naman itong sinunod at umupo na sa harap ng vanity mirror.

"Kamusta? Nakatulog ka ba?" aniya habang nilalagyan ako ng make-up.

"Mejo. Pero ayos nadin. Makabawi nalang pag-uwi natin"

"True! Feeling ko buong araw lamang akong magtutulog. Beauty rest keme! Kahit walang beauty! Malay mo naman diba"

"Grabe ka naman! Maganda ka kaya!" ani ko na natatawa.

"Babe coffee?" si Dean, ka love team ko sa ginagawa naming pelikula ngayon.

"Thanks" ani ko at kinuha ang mug.

Agad naman itong umupo sa tabi ko para magpa-ayos nadin sa make-up artist ng set.

Siniko ako ng palihim ni Jolay at halatang kinikilig. Inirapan ko lamang ito at ininom na ang kape ko.

"By the way, wanna go out once we're done with this" si Dean na nakatingin sa repleksyon ko.

"Pasensya na Dean, gusto ko kasi sanang magpahinga nalang muna. Pakiramdam ko bibigay na katawan ko eh" hinging paumanhin ko.

Hindi sa ayaw ko, pero ramdam ko na kasi talaga ang pagod. Yung gusto nalang bumagsak ng katawan ko. Kung hindi dahil sa kape, malamang kusa nalang pipikit ang mga mata ko.

Siniko muli ako ni Jolay. Kamuntik nang matapon ang iniinom kong kape.

"Tsk" anito.

Muli ko itong tiningnan ng masama. Makakatikim na talaga itong baklang ito sakin.

"Its okay, I understand. Maybe some other time" si Dean.

Mag-iisang buwan na mula ng magparamdam si Dean ng pagkagusto. Hindi man nito sabihin ay pansin ko at ng mga tao sa paligid namin.

May time nga na nagtrending na kami na daw dahil sa sobrang sweet nito. Pinabulaanan ko naman ang issue at nilinaw na magkaibigan lamang kami.

"Dean! Tawag ka na ni Direk!" tawag ng crew. "Maia! Ready ka na!"

"Thank you kuya!" ani ko.

Agad namang tumayo si Dean at nagmamadaling lumabas sa tent.

Mahigpit si Direk Mario lalo na sa mga artist. Ayaw nito ng paimportante at pagong magkikilos. Kung anong gustong ipagawa nito ay syang masusunod, kundi matatawag kang maatittude.

Ayos lang naman dahil alam kong ginagawa nya ito para sa ikagaganda ng pelikula. Hindi na nakakapagtakang nag-uwi na ito ng iba't-ibang award mapa-Famas o Gawad Urian pa yan. Meron ding mga international awards tulad ng sa Oscar.

"Ikaw! Namumuro ka na!" ani ko kay Jolay sabay kurot sa tagiliran nito.

"Erey he! Aba girl si Dean na yun! Haler! As in Dean the yummy! Ikaw pa tumanggi sa grasya!" bulyaw nito na parang hindi makapaniwala.

"E di ikaw makipag-date!" kunot noo kong tugon.

"Ano ba yung masterpiece ko! Ayusin mo nga mukha mo!"

Inikutan ko lamang ito ng mata.

"Alam mo kung hindi lang kita kaibigan, matagal na kitang tinanggal"

"Alam mo kung hindi lang din kita kaibigan, matagal ko nang ibinunyag ang baho ng ugali mo!" aniya na natatawa.

"Hayup ka talaga!" bulyaw ko na natatawa nadin.

"And I, thank you!" maarteng tugon nito.

"Maia!" tawag sakin. Hudyat na malapit na akong lumabas.

"Okay po!" ani ko at inisang inom ang natirang kape bago kinuha ang script at dumiretso na sa labas.

"MAIA! I LOVE YOU!" sabay-sabay na tili ng mga fans ko na nanunuod ng shooting.

Masaya kong kinawayan ang mga ito at nag-flying kiss.

"AHHHHHH!" tilian ng mga ito.

"JAYSON!" tawag ni Direk Mario sa isang crew. "Patahimikin mo ang mga fans at hindi makaere ng maayos" bulong nito.

Mabilis naman itong sumunod at pinakiusapan ang mga lokal na nanonood.

Agad din akong ipinasok ni Direk sa eksensa. Buong puso kong ibinato ang aking mga linya.

Ang eksena ay aalis si Dean na fiance ko para sumabak sa gyera.

"Pagbalik ko, papakasalan kita" madamdaming pahayag niya.

"Aasahan ko yan. Kahit anong mangyari, hihintayin... kita... Pangako" tugon kong wala sa sarili habang walang tigil sa pag-agos ang luha.

"CUUUUUUT!"

Yesterday's PromiseWhere stories live. Discover now