Stare XXXX

1.6K 43 45
                                    

The LORD is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The LORD is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit.
~Psalms 34:18

. ⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅ .

Ika-Apatnapung Kabanata

IT'S been a week since Milk told me that I should keep distance with Nash. Hanggang ngayon ay wala pa ring akong ideya kung bakit niya ito nasabi.

Madalas kaming magkita ngayon ni Nash dahil lagi siyang bumibisita sa kaniyang bahay. Patapos na kasi ito at nais daw niyang masubaybayan kung ano ang magiging kakalabasan nito.

Sumabay na lamang ako sa daloy ng buhay at hindi ko na sinubukang iwasan si Nash. Paano ko gagawin iyon? Eh siya ang may-ari ng ginagawa naming bahay. Tsaka hindi na kargo ni Milk kung masasaktan ako sa paglapit ko kay Nash.

Sa tingin ko naman ay walang balak si Nash na masama sa akin—or not? Well, kung ano man ang mangyari ay sasabay na lamang ako sa agos nito.

"Yuhoo! Nabawasan na rin tayo ng isang pasakit sa buhay!" pagpupunyagi ni Wenfree.

Nandito kami sa site ng bahay ni Nash. Ngayong araw ay natapos na rin ito sa wakas matapos ang ilang buwang construction.

Lumabas si Zeah sa bahay at pumunta sa gawi namin. Mayroon siyang dala-dalang mga pagkain. Inilapag niya ito sa lamesa ng backyard ni Nash kung saan kami naroroon.

"Architect and Engineer, invited kayo sa house blessing sa linggo ah. Pumunta kayo," anyaya sa amin ni Zeah.

Lumapad lalo ang ngiti ni Wenfree. "Sure! I'm so excited for that!"

"Don't worry Zeah, pupunta kami," tugon ko rin sa kaniya.

Wala ngayong araw si Nash dahil mayroon daw silang biglaang meeting sa school. I missed him--- Ah! Crap that!

"Aasahan ko 'yan ah. Nash will have important announcement to make. So, kailangan niyo talagang pumunta," pamisteryosong wika niya sa amin.

Napataas ang aking kilay sa kuryosidad. Ano kayang pakulo ang gagawin ni Nash sa linggo? Nais ko itong malaman.

"What's it?" tanong ni Wenfree at gaya ko ay gusto rin niya ng impormasyon tungkol sa announcement ni Nash.

Nginitian lang kami ni Zeah ng nakakaloko. "I don't want to spoil the event."

Zeah shifted the topic and we enjoy our snack. After that, Wenfree and I bid goodbye to her. We have a meeting with the school admins and heads of West Wood. Sike was there already.

✦༝══˚♕ ♡ ♔˚══༝✦

"HAY buhay!" I said to release my exhaustion.

Kakatapos lang kasi ng meeting. We discuss some random things about the renovation and designs of the project. Nakaka-stress!

Mag-isa kong tinatahak ang daan papuntang parking lot. Nauna sa aking umalis sina Sike at Wenfree, mayroon pa kasi silang ibang meeting bukod dito.

His Woeful Stare | Sixth of Ace: Xeidrine ✓Where stories live. Discover now