"PAHABOL!" sigaw niya at ramdam ang pagbalikwas nito. Dahil sa biglaang pagsigaw, napalundag ang katawan ko sa gulat.

"TANGNA JEPSEN!" sigaw ko at muli siyang hinampas. Inismiran ko ang mukha nitong nagpipigil ng tawa sa reaksyon ko.

"Huwag kang sasagot sa anumang paparazzi ah. Malay mo bigla kang bisitahin tapos interview-hin. Kahit anong mangyari wala kang sasagutin sa mga tanong nila" kumunot ang noo ko at masama siyang tiningnan. Bakit naman ako kakausaping ng paparazzi?

"Malay natin sumikat ka ng dahil sa Seymour na iyon" kibit-balikat niyang paliwanag "Kahit na gustong-gusto kitang makita sa TV, huwag mo pa ring sagutin mga tanong nila. Deal?"

"Deal mo mukha mo, Jepsen" muli ko siyang tinalikuran at pinikit ang mga mata.

"Hoy, magsabi ka muna ng deal" lumapit siya sa pwesto ko at agad niyugyog ang aking balikat.

"Tumigil ka Jepsen!" pasigaw kong banta.

"Deal kasi muna"

"Deal mo mukha m–SYET" reklamo ko ng mas lakasan niya ang pagyugyog "Okay payn, DEAL"

"Good" halos bumaon na sa bunbunan nito ang pagkatalim ng tingin ko. Muli siyang tumawa at bumalik sa sariling higaan.


"CLASS DISMISSED" anunsyo ng guro dahilan para magsimula sa kabog ang dibdib ko. Hindi kami magka kaklase ni Jepsen ngayon, hinatid niya lamang ako kanina at hindi umalis sa tabi ko hangga't hindi dumarating si Miss Hernandez.

Napabuga ako ng hangin bago iligpit ang mga gamit. Maingat ang bawat galaw at sinisiguradong gagawin ang mga pahabilin ng Tatay ng Bayan, Jepsen.

"Ang landi mo ah" angas ng kaklase ko pagkatapos sipain ang upuan ko mula sa likod.

Marahas akong napabuntong-hininga at pinagpatuloy ang ginagawa. Hangga't maari pipigilan kong lumingon sa kanila at pipigilin ko ang manlaban. Hindi man sila nililingon, nasakop ng paningin ko ang posisyon nila. Kita ko ang kaklase kong nakahalukipkip at nakaupo sa armrest ng armchair sa likod ng upuan ko. May dalawa siyang alipores na nakapameywang pa at parehong masama ang tingin sa'kin.

"Lakas ng loob mo porket may tagapagtanggol ka"

"Oo nga!"

"Eh mukhang nakuha mo na lang naman si Jepsen sa paglalandi"

"Oo nga!"

"Agree"

"Ano, ilabas mo ang tapang mo. Sarap ng buhay mong sirain ang relasyon nina ZS pero wala ka naman palang mukha na ihaharap sa akin"

"Oo nga!"

"Agree"

"Tumpak" napaangat ang tingin ko ng marinig ang papalapit na boses ni Erica. Saglit ko siyang sinamaan ng tingin bago tumayo. Mabilis akong naglakad papuntang pinto hanggang sa umalboruto sa inis ang Jollibee.

"Saan ka pupunta ha?!" napaurong ako ng bigla niyang hilahin ang aking buhok. Napangiwi ako sa sakit ng kanyang pagsabunot, yung tipong matatanggal ang lahat ng buhok na hawak nito. Hindi nakapagtimpi kaya inikot ko ang sarili at agaran siyang sinipa. Napabitaw ito at tumalsik ng hindi kalayuan.

"Sige lumapit ka, sikmura mo na ang susuntukin ko"

"Aba!" pinanlisikan ko siya ng mata nang umamba itong sasampalin ako, ngunit siya na rin mismo ang pumigil sa sarili dahil sa takot.

Hiding From Montreal's SonWhere stories live. Discover now