CHAPTER 4

26.8K 871 59
                                    

CHAPTER 4: Dare Game

--


"Wala ako sa bahay dahil nasa sementeryo ako ampotek" muli kong binagsak ang mukha sa Bermuda grass at napangiwi ng tumama ito sa matalim at makating dahon nito.


Talagang dito pa ako nakatulog sa puntod nina mama at papa. Bad trip!


Suot ko pa rin ang itim na dress at nasa akin parin naman ang maliit ko na bag pero sa oras na ito nafe-featured out ko na ang pagmumukha ko. Gulo-gulo ang buhok at bangag na bangag ang mukha. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at nasapo ang ulo ng makaramdam ng parang mabibiyak roon.


Paano ako napunta rito?


Kumuha ako ng tali sa bag at binugkos ang buhok. Halos matumba akong muli ng makatayo dahil sa pagka lango sa alak. Inayos ko ang sarili at naglakad na palabas ng sementeryo. Sumakay ng dyip at tinungo ang bahay.



NALIGO MUNA AKO dahil sa pangangati ng katawan at nagtimpla ng kape. Umupo ako sa harap ng tasa at itinungtong ang siko sa lamesa. Minasahe ko naman ang kamay sa noo at pinasada iyon sa buhok. Palaisipan pa rin sa akin kung paano ako napunta sa puntod nina mama.


Huling naalala ko, may pinainom sa akin ang mapanlinlang na lalaking iyon na nagdulot ng sobrang enerhiya ko sa gabi. Hindi ko naramdaman ang lungkot at basta na lang pumunta sa dance floor. Sumayaw, sayaw...


Diniinan ko ang pagpikit sa mata at sinusubukang alalahanin lahat ng nangyari kagabi.


Okay sumayaw ako tapos may humila sa akin at may pinainom na naman hanggang sa naramdaman ko ang pagkatumba at hinila niya ako, hila ... hila papuntang CR tapos... tapos may dumating!


Kinakabahan kong sinilip ang gitna ko at pinakiramdaman kung may masakit ba doon. Pinalakpak ko ang dalawang hita at nakahinga ng maluwag ng walang naramdaman na anumang pagkirot.


Shit di ko na talaga maalala. Blackout na ko after nun.


*toot toot*


Napalingon ako sa cellphone kong nasa ibabaw ng mesa. Kinuha ko iyon at nakita ang message galing kay Jepsen.


From: Jepsen

HOY BUBWITA! ASAN KA NGAYON? PINUNTAHAN KITA KANINANG UMAGA SA APRTMNT MO WALA KA. Mag reply ka nga! Di mo sinasagot tawag ko.



Napahikab ako at pinukpok ang ulo gamit ang kamay. Papagalitan talaga ako ng isang iyon pag nalaman niya ang nangyari kagabi.


Dinampot ko ulit ang phone at nagtipa ng message.


To: Jepsen

Ok lang ako at lalong hindi ako natulog sa ibang bahay, hotel o kung anumang nasa isip mo. Hang over pa me, matutulog muna ulit ako. Huwag ka ng pumunta rito, ilo lock ko ang bahay kaya huwag mo akong istorbohin.

Hiding From Montreal's SonWhere stories live. Discover now