Oxygen 18 | Double date

79 14 0
                                    

...

Last 2 days before his surgery...

Six in the evening is the call time, but Russel, argh! That damn boy, he’s always not in time.

Nakatunganga lang ako sa harapan ng salas ko habang nakasalung-baba. Malapit na kasing mag-six thirty pero wala pa rin siya. Wala namang traffic sa lugar na dadaanan niya. Nakaaasar!

Inabot ko ang switch ng electric fan sa tabi ko saka in-i-number three. Ang init kasi nang suot-suot ko ngayon. Daig ko pa ang dadalo sa kasalan.

Black shoe, black pants, white long sleeve, black vest and lastly, the red ribbon around my neck. Hindi kaya mapagkamalan akong waiter sa pupuntahan namin?

Halos malaglag na ang puso ko sa sobrang gulat nang makarinig ako nang malakas na katok sa pintuan ko. Patakbo akong nagtungo sa pintuan para pagbuksan.

Bumungad sa akin ang isang halik sa pisngi na nanggaling kay Russel. Alam ko kung bakit niya iyon ginawa... dahil late na naman siya.

Bago ako humakbang pabalik sa loob, tinitigan ko muna siya mula paa hanggang ulo. Magkamukha kami nang suot. Akala mo tuloy kaming mga istudyanteng magpa-part time job.

“Bilisan mo. Ikaw na lang ang palaging hinihintay,” sabay padyak ni Russel sa harapan ko. Aba, ako pa talaga ang palaging huli, ha. At bakit ba ako na lang palagi ang sinisisi niyong dalawa ni Kyla. Kalbuhin ko kayo isa-isa, eh.

Umakto akong kunwari ay huhubarin ko ang sapatos ko, dahilan para magtatakbo siya papalayo sa akin. Isip-bata talaga ang isang ‘to.

Bumalik ako sa loob ng bahay ko saka pinatay ang ilang ilaw, pati na rin ang ibang ang electric fan kanina. Dinampot ko naman ang wallet at cell phone ko na nakapatong sa ibabaw ng sofa.

Bago ako bumaba mula sa unang palapag, sinigurado ko munang naisarado ko ang pintuan sa harap ng bahay para iwas nakaw. Nang masigurado ko nang nakalock, bumaba na ako.

Doon sa baba naghihintay si Russel, habang nakasandal sa gilid ng itim na kotse niya. Nakangiti sa akin habang nakahalukipkip pa ang mga kamay.

...

Isang nakasasawang halakhak na naman mula kay Kyla ang narinig ko. Grabe naman kasi siya kung makatawa siya, akala mong sinapian na ng walong nababaliw na multo.

Sumubo ako ng isang tinidor na cake mula sa plato ko, sabay sandal muli sa kinauupuan habang nakahalukipkip ang mga kamay. Kanina pa ako na a-out-of-place sa kanila. Hindi ako makarelate sa usapan nila, eh.

“Mga ma’am, mga sir, double date po kayo?” tanong nang isang lalaki na sa tingin ko’y nagtatrabaho rito.

Tumango ako, pati  na si Kyla.

“Oo, kuya... Bakit?” sagot ni Kyla.

“Ikaw po, sir,” turo niya sa akin, “saka si ma’am...” turo naman niya kay Kyla. “Tapos si, sir,” turo naman niya kay Russel, “ka-date si—”

Napahinto si kuya sa pagsasalita nang biglang humiyaw sa Kyla. Miski ako, nagulat sa ginawa niya, eh.

“Mali ka naman kuya, eh!” sagot ni Kyla habang kumakamot sa ulo. “Iyang dalawang lalaki na ‘yan, sila ang magka-date. Habang kami nitong katabi ko, kami naman ang magka-date,” paliwanag niya.

Halos mapakamot na lang si kuya sa kaniyang batok. Sino ba naman kasi ang hindi malilito, eh kung saan-saan nakatingin si Kyla habang nagpapaliwanag.

“Ah, basta, double date kayo ngayon... May libre pong isang bote ng red wine ang restaurant namin ngayon para sa mga double-daters, kukuhanin ninyo po ba?”

Napalingon sa akin si Russel, habang itinataas-baba ang kilay niya. Unti-unti ring sumilay ang ngiti niya sa mga labi.

“Yes, kuya,” Russel’s answer, staring at my eyes still.

All I can do is to rolled my eyes before I took a deep breath. He know that I hate him seeing drunk. Tsk.

“Iinom ‘di ba tayo, Sheena, my loves,”

I almost cringed to Kyla when she says the word “my loves” to Sheena. Parang dati lang, pinag-aagawan nila si Russel tapos ngayon silang dalawa na ang nagde-date. Parang tanga lang.

Yes, Kyla and Sheena is now dating a few days before. Ano bang malay ko na biglang umamin ‘tong si Kyla kay Sheena. Kaya sigurong marami siyang alam tungkol sa mga gender, ‘no. Ang tagal siguro niyang tinago sa akin iyon.

Bumalik si kuya na may bitbit nang isang bote ng wine. Grabe naman pala ang ang restaurant dito, pati wine ipinamimigay. Baka naman malapit nang mag-expire? Pabayaan na nga.

Isa-isa nang inihanda ni Russel wine glass nilang tatlo, at noong baso ko na ang ihahanda niya ay agad ko itong inagaw sa kaniya sabay tingin ng masama. Nagkibit-balikat na lang siya at sinimulang magsalin sa mga baso nila.

Moment passes by, bukod-tanging si Russel lang ang pipikit-pikit ang mga mata. Hindi ko lang alam, ha, pero nakalalasing ba itong wine na ‘to? Kahit na si Sheena at Kyla ay buhay na buhay pa rin sa harapan ko?

Napahinga na lang ako nang malalim sabay sapo sa sariling nuo. Hindi ko tuloy alam kung paano kong iuuwi ang isang ‘to sa bahay ko.

...

Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang nang pintuan sa apartment ko’y agad nang humiga si Russel sa kalapit na sofa. Salamat na lang kay Sheena dahil marunong siyang magdrive ng kotse at siya ang naghatid sa aming dalawa.

Sa kusina ang diretso ko. Agad akong kumuha ng mainit na tubig mula sa thermos at inilagay sa maliit na palanggana. Kumuha rin ako ng malinis na bimpo para pangpunas kay Russel.

Nang makabalik ako sa salas dala-dala ang gamit, ayon na ang loko, naghihilik na. Sinabi kasing huwag nang uminom, ang kulit-kulit pa rin. Anong akala niya, bata pa rin siya?

Napairap na lang talaga ako sa sobrang inis, saka isa-isang hinubad ang mga damit nitong lalaki na ‘to. Sanay na rin naman akong palaging nakikita ang katawan niya kaya ayos lang sa akin ‘tong ginagawa ko.

Isinawsaw ko ang bimpo sa mainit na tubig saka idinampi sa balat niya. Akala mo tuloy akong nag-aalaga ng isang sanggol, nakaaasar!

“I love you, Paris,” he says under his breath. His eyes are still close, I know he’s only dreaming.

“I love you, too, Russel,” I answered.

Dahan-dahan kong inabot ang mga labi niya saka hinalikan.

“I will love you, now and forever,” the I smile, while watching him asleep.

...

Oxygen (BL, BxB) (COMPLETED) (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon