Oxygen 04 | Walk with him

167 16 0
                                    

...

Hapon na nang matapos ang meeting sa club namin. Biglaan kasi ang nangyari. Half day lang ang pasok ko pero parang naging whole day na sa sobrang tagal nang pagpupulong.

Parte ako ng school publication sa university. Kami ‘tong gumagawa at nagpa-publish ng newspaper para sa buong school year.

Ang napagkasunduan, dahil malapit na ang foundation day namin, as usual, marami na namang activity. Maraming activity is equal to marami ring paper works. May natitira pa naman kaming isang buwan para maghanda.

I yawned.

Puyat na puyat na talaga ako. I deserve to have a better sleep tonight, hindi ba self?

I tapped my left shoulder, literally talking to myself in my mind.

Someone laugh behind my back. Halos lumuwa na ang mata ko sa gulat nang makita si Russel na nakatayo sa likuran ko. Hindi ko lubos-maisip kung gaano na siya katagal na nakatayo roon.

“Hindi ka pa rin umuuwi?” He asked, before he walks through my direction.

Kasaluyang naghihintay ako ng masasakyang jeep sa labas ng main gate ng university. Pero mukhang sinuswerte ako ngayon, paano ba naman dahil halos kalahating oras na akong naghihintay ng jeep ngunit wala pa ring dumadaan, kaasar.

“Hindi, umuwi na talaga ako. Hologram lang itong nasa harapan mo,” pabara kong sagot sa kaniya, na agad namang ikinahalakhak niya ng tawa.

“Loko ka talaga,” saad niya habang tumatawa. Halos umiyak na nga siya katatawa, eh. “Nga pala, may sundo ka? Nag-aabang ng jeep? May hinihintay?” Dagdag pa niya.

“Oo,” tanging sagot ko na lang. Paano ko kaya siyang masasagot no’n, eh sunod-sunod ang mga tanong niya.

“Oo? Sinasagot mo na ako?”

Aba, may kagaguhan din pala ang isang ‘to. Sarap i-ngudngod sa pader. Saka nakikita ko nang bagay na maging magjowa ‘tong Russel na ‘to saka si Kyla, mga mukhang kubeta.

Hinayaan ko na lang siyang tumawa nang tumawa na akala mo nababaliw na. Dagdag customer din ‘to kapag naging Psychologist na ako. Sayang kaya ang kita.

“Hoy,” kinalabit niya ako. “May sasabihin ako.”

“Ano?”

“Pwedeng pakiss?”

“Ito?” banat ko, sabay pakita ng nakayukom kong kamao. “Gusto mo?”

“Nuks, how to be you po, kuya? Sana all pinaglalaban,” then he burst into laugh, again. Ang tinutukoy niya ay ‘yong biglaan kong pagsugod sa loob ng court. A side sa pagtatanggol ko sa kaniya, napahiya rin ako do’n, my God.

Mabuti na lang at may humintong jeep sa harapan namin, kaso lumakad rin agad. Wala na raw mauupuan.

Siguro, may balat sa puwet ‘tong Russel na ‘to. Ngayon lang ako inabot nang ganitong oras kakahintay ng masasakyan.

Kakaunti ang ulap sa kalangitan nang tignan ko. Kulay kahel naman ang papalubog na araw.

Napasinghot ako ng hangin. Amoy popcorn, isaw, at usok mula sa mga sasakyan. Ang sarap ding titigan ng mga nakikita ko. Pakiramdam ko, kaya ko itong titigan kahit na gabihin pa ako rito sa kinatatayuan ko.

“Sa tingin ko... wala nang dadaan na jeep. Maglakad na tayo?”

Nilingon ko siya. Doon ko lang napansin na nakatingin din pala siya sa papalubog na araw.

“Saan ka ba umuuwi? Saan ‘yong daan mo?” tanong ko sa kaniya, habang nakatingin pa rin sa akin at nakapamewang.

Tumingin din siya sa akin saka ngumiti ng malapad. “Sa dadaanan mo,” he smirk.

Minutes passes by, mukhang sa dadaan ko nga rin siya dadaan. Paano ba naman, kanina pa siya nakasunod sa akin, nagmumukha na tuloy siyang butot ko.

Nilingon ko siya, baka kasi lumihis na siya nang dinadaanan, saka ko siya nakitang nakayuko.

Totoo nga ang sinasabi nila, ‘no? Na kung sino pa itong pinakamasayahin ay siya pa ‘tong may mas mabigat na dinadala.

“Malayo ka pa ba?” tanong ko, saka huminto para hintayin siya.

Agad namang sumilay ang nagniningning niyang mga mata nang humarap siya sa akin. Isama mo pa ang matamis niyang ngiti.

“Medyo?” Sagot niya nang makalapit sa akin. Gaano naman kaya kalayo ‘tong ‘medyo’ niya? One kilometer? Two, three?

Napatango na lang ako.

“Nandito na ako, Pre. Ingat, ha,” sagot ko nang matunton ang inuuwian kong apartment.

Hindi naman malayo ang apartment ko mula sa university, pero pinipili ko pa ring magjeep. Pero kung araw-araw ba naman akong sasamahan nitong ni Russel maglakad, eh bakit hindi?

Sa tingin ko, hindi pa kami ganoong ka-close, pero mukhang malapit na rin doon. If ever man na maging kaibigan ko siya, siya ang kauna-unahang lalaking kaibigan ko. Except kay Kyla, ‘yong bruha na ‘yon.

“Sige, ingat ka, Pre,” wika niya, saka kumaway sa akin habang naglalakad.

“Teka... ayos ka lang ba? Bakit namumutla ka...?”

Napahinto siya.

“A-ayos lang ako,” he smile bitterly, and wave his hands again.

Nagsimula na siyang maglakad ulit. Hindi ko alam, pero mayroong parte sa utak ko na huwag muna siyang paalisin. Para kasing may masamang mangyayari kung hahayaan ko lang siyang maglakad sa labas nang mag-isa.

Hindi pa naman siya nakalalayo kaya minabuti kong habulin siya, at paghintayin na lang sa apartment ko hanggang sa may sumundo sa kaniya.

“Hindi na... maglalakad na lang ako. Kaya ko pa naman,” ngumiti ulit siya sa akin, pero alam ko sa kaloob-looban kong may mali sa mga ngiti niya na ‘yon. Para bang... nanghihina?

“Tara na kasi!”

Sapilitan ko siyang hinitak sa second floor nang gusaling nasa harapan namin, hanggang sa makapasok na kami sa loob ng apartment ko.

“Pasensiya ka na, ha. Medyo madumi sa apartment ko,” nahihiya kong sabi, saka kumamot sa ulo.

Nagkalat ang papel sa paligid. Maging ang ilang mga damit ko at uniform. Mabuti na lang at hindi ako naglaba ng mga brief, mas nakakahiya kung pati iyon ay makita niya.

Iginaya ko siya sa isang monoblock para makaupo. Sa sobrang putla niya ngayon, maikukumpara mo talaga sa isang hilaw na pakwan.

“Ano ka ba, ako nga ‘tong dapat mahiya sa’yo. Sabi ko kasi okay lang ako.”

I look at him with a plain look.

“Sabi ko nga, hindi ako okay,” he chuckles.

Nginitian ko siya. Mabuti naman pala’t tumatalab pa rin ang nakakatakot kong itsura kapag nakapoker face ako.

Pumunta ako sa kusina para kumuha nang tubig. Nang makabalik ako, nakatingin lang sa akin si Russel. Syempre, hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa mga labi.

“May bike ako sa baba, gusto mong ihatid kita?” Umiling-iling ako. “Mali-mali. Ihahatid pala kita!” I said, loud and proud.

Umiling din siya. “Ayoko nga. Maglalakad na nga lang ako,” then he pout.

Itong lalaki talaga na ‘to, kahit may sakit na, sobrang independent pa rin. Kapag may nangyari pang masama sa kaniya, kasalanan ko pa.

Tinitigan ko siya sa mga mata saka seryosong tumingin.

“Fine,” he rolled his eyes, with his both hands in the air. A defeated look from him is the only thing I’ve seen. And I found it cute.

...

Oxygen (BL, BxB) (COMPLETED) (UNDER EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang