Si Jasmine Villegas ay isang designer ng isang sikat na clothing line. Si Kurt Villegas naman ay isang engineer.
Mag-aapat taon na silang nagsasama bilang mag-asawa. May problemang mang dumating, pinansyal man o sa pamilya nila ay nagagawan naman ito ng solusyon.
Walong taon din silang magkarelasyon bago sila ikasal.
Schoolmate sila nung highschool pero nung college ay magkaiba na. Kahit ganun they make sure na keep in touch pa rin sila. Kahit salungat ang mga schedule nila ay may nakalaan pa ring time para sa isa't-isa.
Noong grumaduate si Jas at Kurt sa kolehiyo ay nagpropose agad si Kurt.
Isinagawa niya ito sa kalagitnaan ng graduation party nilang dalawa, sabay kasi silang grumaduate. Nandoon lahat ng pamilya nila ang ilang malalapit na kaibigan. Sa garden ito ginanap sa likod ng clubhouse ng village nila.
~Flashback~
Ngayong araw na isasagawa ni Kurt ang pagpopropose niya kay Jas ang araw na pareho nilang inaasam at espisyal sa kanila, ang kanilang patatapos.
"Moon?"
"Bakit Sun?"
Sun at Moon ang tawagan nila sa isa't-isa. Sun si Kurt at Moon naman si Jas.
"Moon mag-c-cr lang ako huh!? wait lang."
"Haha!! Akala ko naman kong ano na magc-cr ka lang pala. Haha!! Sige Sun."
Agad na umalis si Kurt para simulan na ang proposal niya.
Kabado si Kurt although alam niya na ang isasagot ni Jas pero dahil gagawin niya ito sa harap ng mga magulang nila kaya ganun na lang ang kaba niya.
Pumunta agad siya sa mini stage na sadyang pinagawa para lang sa pagpopropose niya. Sabay patay na rin ng ilaw na ikinataranta ng lahat.
Bigla namang may nagsalita na ikinagulat ni Jas.
"Hello! Mic test one two."
"Sino kaya yun?" sabi sa isip ni Jas. Bigla niyang naalala na hindi pa bumabalik si Kurt.
"Janine nakita mo ba si Kurt?" tanong niya sa kaibigan na katabi niya lang.
"Hindi eh!. Di pa ba bumabalik?" tanong naman ni Janine.
"Hindi pa nga eh. Kanina pa yun don sa restroom eh!."
"Hayaan mo lang nandyan lang sa tabi. Babalik din yun." pagpapakalma niya kay Jas.
"Siguro nga."
"Hello! Good evening everyone!. Ahm I am here infront of you para mangharana sa aking love of my life! na walang iba kundi si Jasmine dela Cruz. Para sayo to Moon."
"Ayyyyiiiiiieeeee!!!" sigaw ng mga bisita.
"Ano na naman kaya ang trip nito?"
natatawang tanong ni Jas.
Habang kinakanta ni Kurt ang Destiny by Jim Brickman bigla nalang naiyak si Jas.
Nung patapos na ang kanta ay bumaba na si Kurt ng mini stage at lumapit kay Jas na naluluha at di na alam kung anong gagawin. Lumuhod siya sa harap nito at sinabing.....
"Jas, now na nakagraduate na tayo natupad na ang isa sa mga pangarap natin. I know na marami ka pang, tayong pangarap. Kaya ngayon, from this day onwards I want to be with you habang tinutupad mo ang mga pangarap mo at ganun din ako kaya Jas may itatanong sana ako..."
Huminto muna siya at huminga ng malalim. Pinunasan na rin niya ang luhang pumapatak mula sa mata ni Jas.
"I want you to answer a question..."
Sabay bukas ng ilaw. At may mga lantern na may nakasabit na letters kada isa na nagsasabing:
"WILL YOU MARRY ME?"
"Jasmine dela Cruz I want you to be my forever. WILL YOU MARRY ME?"
"Say YES!!!" sigiwan ng mga kapamilya nila. Sa kabila nito ay kabado si Kurt dahil sa tahimik na si Jas. Nung magasasalita na sana siya ay nagsalita na rin si Jas.
"YES!! Kurt Villegas I will marry you!"
maluhaluhang sambit ni Jas na ikinatulala ni Kurt.
Maya maya pa ay lumiwanag na din ang mukha nito.
"Really!? Yessssss!!! I love you Moon!?" sabay buhat kay Jas.
Matapos ang proposal ni Kurt ay bumalik na sila sa pagkain habang tinutukso pa rin sila.
~End of Flashback~
Makalipas ang dalawang buwang preperasyon sa wakas naikasal na rin sila.
Simpleng kasalan lang kung tutuusin pero very special naman para sa kanila dahil nandoon lahat ng family and friends nila.
******
Ngayon ay nasa veranda si Kurt habang nagrereminisce na naman ng mga nangyari sa kanila.
"Sun?" sabay akap kay Kurt.
"Hmm?"
"Ang lalim ata ng iniisip mo may maitutulong ba ako? Sabihin mo lang."
"Wala naman Moon. Naisip ko lang na malapit na pala yung 4th anniversary natin no?" sagot naman nito habang hinahaplos ang buhok nito.
"Oo nga eh ang bilis ng araw no? Akalain mag-aapat na taon na tayo bilang mag-asawa no?"
"Isang linggo na lang noh!?. Ano kayang pwede nating gawin para maging memorable yung anniversary natin?"
Umaktong nag-iisip si Jas. Pero ang totoo ay may naisip na talaga siya.
"Alam ko na!?" biglang sabi ni Jas
"Ano yun Moon?"
"Secret~~"
"Ano ba yan (_ _")"
"Sa mismong anniversary na natin.."
"Please??"
"Hayaan mo munang ako ang may gawin. For the last three anniversary natin ikaw lang ang nageffort. Kaya this time ako naman?! Hmm?.."
"Oo na po~"
"*smile*"
******
Busing busy si Jas sa paghahanda ng surprise niya para kay Kurt. Sa buong linggo ay pusposan ang kanyang ginawang paghahanda.
Pagkatapos ng trabaho ay agad dumiretso sa kaibigan niyang tumutulong sa kanyang paghahanda. Madaling araw siyang aalis at hatinggabi na rin kung umuwi.
******
08.20.2020
❤️SY
YOU ARE READING
Basta't Kasama Kita (Completed)
Short Story"Namimiss ko na yung luto mo. N-namimiss ko na yung boses mo. Lalo na kapag tinatawag mo ako sa endearment natin. Namimiss ko na rin yung... yung mga p-pangungulit mo. Yung....yung pagpisil mo sa ilong ko kapag... kapag naglalambing ka. Kaya please...
