I don't want to think to much but I believe he likes Alyssa. Hindi siya lalabas ng kaharian niya para lang manuod ng walang kwentang sportfest na 'to. At ipagpapalit ang ilang schedule meetings para mag-aksaya ng oras.

I averted my eyes on the ongoing game. Nasa ikatlong laro na sila at malapit nang matapos ang laro.

Alyssa will definitely win this game. Para naman akong naaawa sa kalagayan ni Carmy. Parang ilang sandali na lang ay matutumba na siya.

Alyssa throw the ball in the air, positioned her hand and take a shot.

Hinabol iyon ni Carmy ngunit hindi niya naabutan at lumagpas sa raketa niya.

Napaluhod siya sa pagod. She look weary.

Malapit sa net si Alyssa at akmang tatalikod nang may sabihin dito si Carmy na hindi namin narinig. Natigilan si Alyssa pero ngumisi na siya sa babae. Tumayo sa pagkakaluhod si Carmy, masama amg loob.

Talo na siya. Pero kailangan nilang tapusin ang laro kahit malapit na ang oras. Si Alyssa ang nag-serve ng bola. Iba ang kaseryosohan niya ngayon. Nagpasahan sila ng bola.

"What is she trying to do?" Zeus muttered.

Huh?

Alyssa changed her position. Pumosisyon ang braso niya, like she was about to do something.

Ibinalik dito ni Carmy ang bola.

Dumilim ang mukha ni Alyssa at humigpit ang hawak grip ng raketa. Umatras siya ng dalawang hakbang at inihawak ang dalawang kamay sa grip.

She finally aim the ball to the other side of the court.

Napatayo kaming lahat.

Sumigaw si Carmy sa sakit hawak ang siko niya. Nabitiwan niya ang hawak na raketa.

Was it intended?

Si Alyssa ay walang pakialam na naglakad sa pwesto niya sa bench. Agad dinaluhan ng iba si Carmy na naiiyak na sa sakit.

---

LAHAT kami ay nakatingin kay Ysa.

Naka - upo kami ngayon sa pinagdugtong - dugtong naming mesa.

Sunod - sunod ang subo niya sa pagkain. Halos mapuno ang tray ng pagkain. Pagkatapos kasi ng laro ay walang paalam na umalis si Alyssa. Alam kong dito naman talaga siya pupunta.

Kinamay pa niya ang pizza. Si Achylles naman ay parang diring - diri pa sa kinakain ng kaibigan ko.

"Do you need a drink?" Achylles asks. Nag-iba yata ang ihip ng hangin.

"Alyssa, do you want a drink?!" singit naman ni Regal. May nangyayaring pa yatang kompetisyon.

Sabay pa nga silang tumayo mula sa kinauupuan.

"Kukuha ako ng tubig!"

"Ako na!" sabay pang sabi nila.

"Ako ang nauna'ng nagsabi!"

"Ako!"

"Ano'ng ikaw! Ako!" Balik na sigaw ni Achylles kay Regal.

"Ako nga sabi!"

"Sabi'ng ako!"

Kung madalas ay para kaming aso't pusa ni Zeus. Gano'n naman sila Achylles at Regal.

Nagtutulakan at naghihilahan pa sila. Napahawak ako sa noo dahil pinagtitinginan na sila. Napatigil lang nang makita nilang may hawak na bottled water si Hades. Pareho silang nilagpasan.

"Hades ang bilis mo naman."

"Kanina lang nakaupo ka pa."

Maging ako nga hindi rin napansin na nawala siya sa tabi ni Zeus. Tumigil na rin ang dalawa at bumalik sa pagkakaupo. Ngayon ay pareho ng nakapaskil sa mukha ng dalawa ang panunudyo habang nakatingin kay Hades. Kakaiba talaga ang trip nila sa buhay.

"Alyssa. Hindi naman sa nanglalait ah. Pero ano bang kinakain mo sa inyo bakal? lata? tsinelas? Patay gutom ka kase eh," ani Zeus na punong puno naman ang bibig ng pagkain.

Pareho lang naman sila!

Nakarinig kami ng tunog ng isang Nokia tone. Bumaling kami lahat kay Alyssa. Para namang wala siyang pakialam na may nakatingin at inilabas ang keypad na cellphone niya.

Nawala na naman siguro niya ang cellphone kaya iba na naman ang gamit niya. She has the habit of loosing her phone.

"Yes," sagot ni Alyssa sa kabilang linya, sumangayon sa sinabi ng kausap. Nakasandal na siya sa monoblock chair.

"I'm busy, Poseidon. Not today," ani niya sa kabilang linya. Natigilan ako.

  "Sure, you can come here anytime, Levian." Tumango - tango at tinignan si Zeus na may panunuya.

Si Poseidon Levian ba ang kausap niya?

"Hell! Alyssa" Zeus shouted. Nasa mukha ang pagtutol. Akma pang aagawin ang cellphone mula kay Alyssa pero tinapik iyon ng pinsan niya.

Magkakilala pala si Alyssa at Poseidon. Sabagay, Business Mngmt. nga pala ang tinapos ni Poseidon malamang ay magkaklase sila sa ilang units.

Matagal na rin simula nang magkita kami ni Poseidon. Nagkikita naman kami sa ilang social gathering na dinadaluhan ng mga pinsan ko 'pag sinasama nila ako bilang date.

Kumusta na kaya siya? Malamang na mas tumikas na siya ngayon.

"Hindi ba't nanliligaw sa'yo ang Poseidon na 'yon dati, Athena?" tanong bigla ni Achylles. Paano naman kaya niya nalaman na ang kausap ni Alyssa na Poseidon at si Poseidon Levian ay iisa?

"Of course not!. Magkaibigan lang sila," tanggi ni Zeus na parang siya ang tinatanong at hindi ako. Automatic naman na umikot ang mata ko.

"Oo nga. Tinakot lang ng isa riyan," pagpaparinig ni Regall.

"I didn't." Humalukipkip pa si Zeus para itanggi ang akusasyon ng dalawa.

Liar!

"Sa Italy siya naka-base hindi ba?" Achylles asks.

"Uhuh. Nagkita kami last month sa isang business conference na dinaluhan ko sa Italy," sagot naman ni Regal.

Her Dauntless Eyes √Where stories live. Discover now