Halos ayokong lumabas sa CR kanina do'n sa mall, kung 'di lang ako pinilit ni boss. Mabuti na lang, hindi siya tumawa o kung ano man. Tama 'yong sinabi ni Chase, mahirap ang trabaho, pero 'di naman hahayaan ni boss na maging ka-awa awa ang mga employee niya.

Nakita ko 'yon ngayong araw. Yung binigay niya sa akin, na lacy underwear at saktong saktong black pencil cut skirt, sobrang hiya ko pa bago ko sinuot lahat ng 'yon. Lalo n 'yong panty. Sana lang, hindi siya ang pumili no'n, dahil nakakahiya.

Nakaupo ako ngayon sa labas ng opisina ni boss, bilang secretary niya pa rin, kahit may secretary siya rito na naghihintay sa pagbalik niya. 'Di ko makita yung dahilan no'ng nalaman ko kay Cybrine, yung secretary niya dito, na lahat naman daw ng branch niya may nakatalaga na secretary. Bakit kinailangan niya akong isama? Magsasayang lang siya ng gastos sa akin sa pagpunta rito, hindi ko maintindihan.

"Gertrude." Lumabas si boss mula sa office niya na magulo ang buhok at suit. Nakalas 'yong necktie niya, pati suit niya maraming kusot, halatang pagod na pagod sa trabaho.

"Sir?" Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Get your things, and let's go," sambit niya at dumertso ulit sa left elevator. Binuksan ulit niya 'yon gamit yung card, talagang lahat ng mga lock dito card swipe, at tanging yong card ko at card niya lang ang makakabukas sa lahat.

"Yes, sir." Hinablot ko yung black na bag ko at pumasok sa elevator papunta sa likod niya. Pero napakunot noo ako, no'ng umatras siya aa tabi ko para magkalebel na lang kami. 'Di na ako nagsalita, walang kahit anong ingay ang maririnig habang pababa kami sa parking lot.

"Sir," ani ng bodyguard/driver ni boss na si Ssixt sabay bow pagkalabas ni boss. "Ma'am." Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti ako pabalik. Guwapo at maskulado si Ssixt lalao na't nakasuit siya, dagdag pa yung brown niyang buhok.

"Don't call me, ma'am. It's Gertrude," tanggi ko at sumunod kay boss papunta sa sasakiyan. Puno ang parking lot ng mga magagara at mamahaling sasakiyan, pero nakaka-agaw pansin parin 'yong black Chevrolet ni boss na kumikinang-kinang pa.

Pumasok si boss sa backseat na dati nang nakabukas ang pinto, akmang papasok naman ako sa harap pero nagsalita siya.

"Not there, Gertrude. Here," sabad ni boss at umusog sa may bandang kanan, para makapasok ako. Dapat sa harap ang secretary, ba't ako nasa harap? Hasyt. "Let's go, Ssixt." Isang sambit lang ni boss, ini-start ni Ssixt ang sasakiyang at lumabas na papunta sa kung saan, sa hotel, o saan mang hindi ko alam.

Gabi na, at gumanda nanaman ang vibe sa labas. Andaming mga tao ang naglalakad sa road sides, mga kulay orange na kotse, traffic, TV advertisements, casinos, bars, halos nandiyan na lahat. Pero para sa akin, nakikita ko ang ganda ng Paris, ang ngiti ng mga tao lalo na ang mga bata, ang mga kumikinang na ilaw ng mga buildings, at lahat lahat na.

Nakakatanggal ng pagod, parang lahat ng bigat na nararamdaman ko nawala, kaya lang. Mas lalo kong namiss si AK, ang anal ko, sana nandito siya kasama ko. Siguradong matutuwa siya masiyado. Sana balang araw makapunta rin siya rito.

Napapatanaw na lang ako sa labas ng sasakiyan at napapangiti dahil sa pagkamangha. 'Paris, isang napakagandang lugar, at masuwerte ako, dahil nakarating ako rito kahit isang beses lang.'

Sandali kaming na-traffic sa gitna, pero naka-alis din kami dahil may guide 'yong sasakyan kung saang route na dapat ang daana para makarating sa pupuntahan. Pero mas lalong nanlaki amg mga mata ko, nang makita konv palapit kami sa Eiffel tower. 'Oh my God,' sabi ko sa isip ko at napatakip na lang sa bunganga ko.

Kahapon kita ko 'to sa malayuan, ngayon malapitan na. Ang ganda, sobrang ganda, kumikinang ang mga ilaw sa bawat poste, at sa baba, ang daming mga taong kumukuha ng picture. Halos lahat magjowa, at magkakaibigan.

The BachelorOù les histoires vivent. Découvrez maintenant