Nilagpasan ko na siya, narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko ngunit hindi ko na siya nilingon.

Huminga ako ng malalim nang pumasok sa kwarto ni Daryl, hinanda ko ulit ang ngiti para sa kaniya. Naabutan ko siyang kausap si Sascha at si Sir Travis.

Sabay-sabay silang napalingon sa akin, itinaas ko ang dala kong folder. "Tapos na, pwede ka ng ma-discharge," imporma ko sa kanila.

Iniwas ko ang aking tingin kay Daryl dahil alam ko ang lalim ng pagtingin niya sa akin. Pakiramdam ko ba'y kapag tumingin ako'y malalaman niya ang sagutan namin ni Eugene sa labas.

Deretsyo ang tingin ko sa mag-asawa, pumalakpak si Sascha. "Finally! Namiss ka ng mga bata, inayos ko na ang apartment ni ate Angel," aniya.

Dahil sira ang bahay ni Daryl ay pansamantalang doon muna kami tutuloy sa dating apartment ni ate Angel, okay lang naman sa dating bahay ko rito sa Pampanga pero masiyadong malayo iyon sa school ng mga bata.

Inilapag ko ang folder sa lamesa, ramdam ko pa rin ang pagsunod ng kaniyang tingin. Bakit ba nakatitig siya?

Tumayo na sila Sascha, kaagad naman nilang kinuha ang ilang gamit doon, kahapon ay naiuwi na ang iba kaya kaunti na lang ang natira. "Tara na?" yaya niya, nauna silang lumabas kaya naiwan kami ni Daryl

Doon nagtama ang aming mata, lumapit ako sa kaniya at ini-ayos ang suot niyang sombrero, naka-upo siya sa gilid ng kaniyang kama.

Hinuli niya ang aking mga mata.

"May problema ka ba?" malambing na tanong niya sabay hawak sa baba ko upang deretsyong makatingin sa kaniya.

Sa huli'y napatingin na lang din ako sa kaniya, pakiramdam ko ay napapaso ako sa kaniyang mga haplos. "Nasa labas kanina si Eugene."

Tumalim ang mata niya. "Ano na naman ba gusto niya?" inis na wika niya.

Hinawakan ko ang kaniyang braso. "Calm down, nag-usap lang kami. Ayos na."

Inismidan niya ako. "Susuntukin ko 'yon kapag nakita ko pang lumapit siya sa'yo," banta niya pero natawa na lang ako, mas lalong nalungkot ang mukha niya. "Seryoso 'yon ah," pahabol niya.

"Oo na, tara na baka naiinip na 'yong mag-asawa, baka magalit si Sir Travis," wika ko habang naglalakad na kami palabas, dala-dala ang bag at folder niya.

"Tsk, edi magalit siya pasalamat siya sila nag-alaga sa mga anak ko habang nandito ako e. Inaasar pa ako no'n kanina lalo raw akong pumangit," parang batang wika niya.

Kinagat ko ang aking itataas na labi, hindi ako sumagot dahil natatawa ako sa pagsasalita niya, parang batang nagsusumbong pa.

Pagsakay namin sa elevator ay binunggo niya ang braso ko kaya nilingon ko siya.

"Crush mo pa rin naman ako 'di ba? I mean, you love me yeah?" medyo nag-aalangan tanong niya.

Sumandal ako sa kaniyang braso habang pinapanuod ang mga numero na umiilaw. "Kahit ano pang itsura mo, sa'yo pa rin ako uuwi. As long as I see ocean in your eyes while looking at me, I'll be your waves." Makahulugan wika ko.

He grunted. "What does it mean, baby?"

Tumunog ang elevator at bumukas iyon, nakasalubong namin ang nurse niyang lalaki na kaagad ngumiti nang makita kami kaya ngumiti rin ako.

"Ingat po, huwag na po kayong babalik ah?" aniya saka gumilid kaagad akong inakbayan ni Daryl dahil kulang na lang ay sugurin niya ang nurse na lalaki.

Hinila ko na siya bago pa siya makapagsalita sa nurse. "Thanks," sabi ko sa lalaki.

Nakalabas na kami sa ospital at papunta sa parking lot nang magsalita siya. "Did you hear what he said? Reklamo ko siya sa department nila, hindi na tayo pinapabalik," aniya sa matalim na tono kaya halos pagtinginan kami ng tao.

Natawa ako sinapak ko siya sa braso. "Where's my genuis Daryl huh? Ang ibig sabihin niya ay huwag ka ng babalik, kasi kapag bumalik ka ibig sabihin nagkasakit ka na naman kaya huwag ka na babalik. Engot." Natatawang asar ko sa kaniya.

"Woy! Bawiin mo 'yan. Bad word 'yan hindi ako engot mainit lang dugo ko sa kaniya," mahinang singhal niya.

Napangiti ako ng halikan niya ang noo ko parang nanggigil pa dahil may tunog ang paghalik niya doon.

Bahagya akong nahiya nang may mga taong nakatingin sa amin sa parking lot kaya bahagya akong lumayo.

Kumalas ang pagkaka-akbay niya sa akin.

Nang lingunin ko siya ay nag-iwas na lang siya ng tingin. Nang makarating kami sa kotse ni Sir Travis ay naka-ayos na ang lahat, kami na lang ang kulang para maka-alis na. Tahimik kaming sumakay, si Sascha naman ay may kinukwento sa asawa niya.

Nang linungin ko si Daryl ay naka-tingin niya sa mga kamay niya, mabigat ang buntong hininga.

Siniko ko siya, nilingon niya ako. "Ayos ka lang ba? May masakit ba?" nag-aalalang tanong ko.

Ngumuso siya saka tumango. Kinabahan ako doon, anong masakit? Sumasakit ba ang balat niya? Ang ulo?

Hinawakan ko ang braso niya.

"Anong masakit?"

"Dito." Turo niya sa dibdib niya.

"Daryl!" mahinang wika ko, akala ko naman kung ano. Muntik ko ng ipabalik ang sasakyan sa ospital.

"It's true, masakit. Kinahiya mo ako kanina kaya ka lumayo hindi ba? Kasi mala-halimaw na ako," mahinang aniya para hindi marinig ng mag-asawa ang usapan namin.

Napapantastikuhan ko siyang tinitigan. Iyon ba ang iniisip niya kung bakit ako lumayo kanina?

Pinagsaklob ko ang kamay namin.

"Hindi kita kinakahiya dahil sa itsura mo, ilang beses ko bang sasabihin iyan sayo. Nahiya ako kasi nakatingin sila habang hinahalikan mo ang ulo ko, nailang lang ako sa tingin nila, I'm not into PDA. Sa kanila ako nailang hindi sa'yo," malumanay na paliwanag ko.

Narinig kong buntong-hininga niya. Hinalikan niya ang kamay kong naka-saklob sa malaki niyang kamay.

"Grenade Lionel Yoshida, hmm bagay..." bulong niya sa kamay namin habang nakalapit pa rin sa labi niya.

Kinalibutan ako doon sa sinabi niya, humataw ang kaba sa dibdib ko.

"Hindi ko alam kung anong ginawa ko noon para biyayaan ako ng katulad mo, maybe I was a good boy e?" Nangingiti bulong niya.

Kinagat ko ang aking ibabang labi, ganon pa lang ang sinasabi niya pero 'yong puso ko nagwawala na sa loob ng aking dibdib na para bang nakikipag-away ito sa mga ugat at laman loob ko sa katawan.

"Dadalhin kita kay Daddy next week, let's fly to Davao, I want him to meet you." Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kaniya, noon ipinakilala niya ako sa mommy niya ay halos atakihin ako, alam ko kung gaano niya kamahal ang Daddy niya kaya ang ipakilala ako sa isang taong mahal niya ay nakakataba ng puso kahit pa nga alam kong wala na ang Daddy niya.

"D-Daryl..."

"I want to change your surname, gusto ko rin sana pati si Isaiah pero nirerespeto ko ang ama niya at desisyon mo doon, but if... if lang baby kung gusto mo handa ako," aniya.

Nangilid ang aking luha doon, pinigilan ko lang umiyak dahil nandoon sila Sascha at may sariling usapan ng asawa niya.

Pinunasan niya ang aking pisngi. "Mahal na mahal talaga kita, Nade. Habang tumatagal lalo kong napapatunayan, ikaw lang pala simula noong sa barko, hanggang ngayon."

Nasinghap ako sa sinabi niya, hindi makapaniwalang tinitigan siya. Naaalala niya iyon?

"A-Alam mo? Naaalala mo?" gulat na tanong ko.

Tumaas ang sulok ng labi niya.

"You're my tattoo, my turquoise, my favorite. You're the color of my life."

***

Teach Me Again (Teach Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon