Napataas ng kilay doon si Caitlyn habang si Lance ay nag-iwas ng tingin.

“Who?” tanong ni Caitlyn.

“Hmm. I forgot her name basta she’s training to get into Aspire. Mataas ang standards nila ngayon. I don’t think papasa siya.”

I gripped my drink, trying not to react with what she just said. I know Ziana can get in. Magaling siya at makikita nila iyon but then to hear something like that from a person who went through the same parang nabahala ako.

Her porcelain skin flushes a pink color and her eyes sparkle with tears. Gusto kong punasan ang mga luha niya. Looking at her like this feels like a torture.

A slap brought me back to my senses. I breathe deep and push my feelings back down.

“I hate you, Fire Arthur Salvador.” she said clearly with so much hate on her face.

I watch her leave. Kinabahan ako dahil sumakay siya jeep! Hindi yata niya kabisado ang mga lugar dito. She rarely commutes!

“Wag,” pigil ni Paolo sa akin. “Hayaan mo na ang mga kaibigan niya.”

He gestured to Ziana’s friends who are panicking and texting someone. Ang isa ay nilingon kami at tinignan ng masama.

“Pagkatapos mong gaguhin, susundan mo ngayon na parang aso.” sabi ni Mikoy na halos idabog ang inorder kong inumin sa harap ko.

“Pupunta lang ako doon kasi may reunion kami,” depensa ko.

“Sus!! Sa Aria talaga? Hindi ba pwedeng sa ibang lugar magkita-kita. Ikaw nagsuggest na doon meet up niyo no!” mapang-akusa niya akong tinuro mula sa counter.

Hindi ko na lang pinansin ang sermon niya at iba pa. He’s fond of Ziana and when he learned what I did to her, he banned me from his shop. Tawang-tawa sina Lance don.

“Ma, wag na!”

“Why?” nanlaki ang mga mata niya sa lakas ng boses ko. “Did something happened?”

“Wala!”

“Then why the violent reaction?”

When no reason escaped my lips, napakamot na lang ako sa batok. She’s trying to ask Ziana and Zian to sing for our graduation. Bakit sila pa? Pwede namang wala nang ganon. Mabuti na lang at abala ang kambal. Sabi ni Tita Charlotte ay busy raw sila sa pag-aaral. Nakahinga ako ng maluwag. Good. She’s focusing on her studies.

“Ganito po yan Sir Fire,” turo ng isang trabahante namin sa rancho. “Tuwing Biyernes naman po pumupunta ang truck dito para kunin ang mga kargamentong iyon. Bilin po ni Sir Nicholas na ikaw na raw po ang mamahala. Si Ma’am Fiona po sa opisina. Hindi gaanong nalalagi dito sa labas.”

Months after graduating, I focused on our ranch in Santa Ana. Some of my teammates and even my coach got disappointed that I won’t pursue professional basketball lalo na’t may mga team na gustong kumuha sa akin.

Someone made me realize that this is the life I want for myself. Gusto kong matuto pa at lumawak pa ang alam ko. I thought that handling the ranch can give me that.

My grandparents are delighted to see me working especially that Lolo is quite old now. Hindi na niya kaya ang physical na trabaho but I think he can still lead. Ginagabayan pa rin niya ako sa tuwing wala si Papa.

“Sinamahan na naman si Jaine?”

“Opo, Lo.” sagot ni Fiona.

“If Fire will have an actress girlfriend, baka maging katulad din yan ni Nicholas..” asar naman ni Lola.

Napatingin silang lahat sa akin at naghihintay na may sabihin ako but I kept my mouth shut.

Akala ko ay walang ibang nakakaalam sa ginawa ko noon kay Ziana except for my friends that’s why I am surprised to hear Harley’s subtle comments while we’re watching Aspire's survival show for their new girl group.

“Ano ba yan! Si Ziana na lang sana ang ginawa nilang center! Her voice is the most stable di ba Fire?” tanong niya at hinarap pa ako. Tumango lang ako, my eyes are focused on the television.

“Oh my gosh! Magbobotohan na! Thelma may load ka ba? Vote tayo! Ikaw din Fire! Let’s vote… Karrene!”

Nabitin sa ere ang pagkuha ko sa phone ko. Hindi si Ziana ang iboboto niya?
I slumped back on the couch and dialed Ziana’s voting number.

“Bakit siya? Akala ko ba panget performance niya?” tanong ko, making it sound like I don't really care.

Harley raised her brow and pursed her lips. “I just want to. Tsaka marami namang boboto kay Ziana.”

“Ate, mas maganda if we keep on voting Ziana,” apila ni Thelma.

Tama siya. I sent Mikoy and Lance a message to vote for Ziana.

“Fire will vote for her. Sapat na yon.” makahulugan niyang sinabi.

Mikoy:
Siya naman talaga iboboto ko. May promo na nga ako dito sa shop kapag binoto nila si Ziana!

Lance:
Oo na. Dalawang number na nga gamit ko.

Dalawa lang? Sa akin apat! Paano kung dito siya malaglag sa round na to? Umakyat ako sa taas para kunin ang spare kong mga phone and dialed her number.


“Arthur bakit sa MOA pa? You can just meet Mr. Macaraeg sa restaurant nina Tito Thomas.”

“Mas malapit kasi siya sa MOA and it will be hassle for him to travel further. Tayo ang may kailangan sa kanya,” I countered my sister’s argument.

“Enough,” saway ni Papa sa amin. Hinilot niya ang kanyang sentido. “Fiona hayaan mo na si Fire na dumiskarte. It’s a deal between him and Mr. Macaraeg.”

“Papa, I’m just giving him a better option. Tsaka why MOA? I bet maraming tao doon ngayon.”

I stiffened. Both my father and sister looked at each other like they realized something. Umawang ang labi ng kapatid ko at unti-unti akong tinuro. Before she can say something, I stormed out of my father’s office.

“Arthur! You!!”

I set the meeting in a restaurant at MOA instead of going to my uncle’s restaurant. Totoo namang mas malapit ang MOA sa location ng kliyente kumpara sa restaurant ni Tito but I have other reason.

“It’s a pleasure doing business with you Mr. Salvador,” tumayo si Mr. Macaraeg at nakipagkamayan sa akin pagkatapos ng dalawang oras naming pag-uusap. “Manang-mana ka kay Nicholas. You’re good!”

“Thank you, Mr. Macaraeg.”

After that, I immediately went to the nearest restroom to change into more comfortable clothing. Sinalubong ako ni Mikoy sa labas ng arena. Muntik ko na siyang hindi makilala sa suot niya.

“What the hell are you wearing?”

“Headband. Glow in the dark to,” turo niya sa ulo niya. “May lighstick din ako. Dala mo ba yung iyo? Limited edition yung inorder mo di ba? Patingin nga.”
I fixed the black cap I am wearing at nagsimulang pumila. “Hindi ko dinala.”

“Ha?! Bakit?! Tignan mo halos lahat sila mayroon! Ano ka ba naman Fire! First concert nila to kaya dapat full support tayo!” halos umiyak siya.

Sa lakas ng boses niya ay may mga babaeng napatingin sa amin.
Napailing na lang ako sa pagda-drama niya. What a die hard fan.

Sa pila pa lang ay maingay na ang mga tao. There’s a screen which plays Diamond’s music videos and a montage of their achievements. Tutok na tutok ang mga mata ko roon lalo na sa tuwing pinapakita si Ziana.

“Oh, laway mo baka tumulo.” asar ni Mikoy sa akin. I frowned at him and focused on the line ahead of me instead.

Now, I’m having second thoughts of tagging along him at the concert.
Nang makapasok kami sa loob ay may musika nang pinapatugtog. Almost everyone are singing along pati si Mikoy.

I also know the song. I know every song they have. Tahimik lang ako habang pinapanood ang concert kahit ang iingay ng nakapaligid sa akin.

My eyes are just focused on Ziana. Ngiting-ngiti siya habang sinusuyod ng mga mata niya ang buong paligid. My heart stepped up a few beats. Hindi ko alam kung gusto ko bang makita niya ako o hindi. In the end, I crouched a little.

She gave the crowd a big smile after hitting a high note. Napaka dali lang para sa kanya na gawin iyon. She’s improved over the years. Naging matunog ang pangalan niya sa industriya at maraming produkto ang gusto siyang kunin bilang modelo. Parang ang layo-layo na niya ngayon.

I feel a stab of regret but seeing her happy and successful made that feeling vanish in an instant.

But during those nights when I miss her and helplessly look at her photos, I selfishly wish for us to meet again.



Pink SkiesWhere stories live. Discover now