"Aba di pa naniwalang marunong ako magdrive ng sasakyan. Eh sa korea nga, halos habulin nako ng mga police dahil sa over-speeding eh" ako.

Totoo naman kasi. Syempre sayang yung gasolina pag di ko binilisan. Pft

"If you guys are scared, then don't come with us. You're just wasting our time." pagsu-suplado ni bunso. Pft suplado yan minsan pero sobrang bait nyan.

Dali-dali namang sumakay sina Javein at Rafreal. Takot atang maiwan.

Kasya naman kami sa sasakyan ko, kaya pinaharurot ko na ito. Baka maabutan pa kami ng gabi mamaya pag di kami nagmadali.

"Wooh! Dahan dahan lang Kriesthal. Baka madaming magluluksa pag namatay ako." si Rafreal. Ayt! Mahangin rin pala siya. Pano nalang kaya magiging anak namin? Pangalanan ko kayang bagyo yung anak namin? Yolanda? Ganorn.

"Tsk. That's her average speed in driving you know. Kaya normal na yan para sa kanya" sagot ni Bella.

If you're wondering kung bat andami niyang alam tungkol samin. Well secret, next time nako magk-kwento.

"Sabihin niyo nga. Magkaibigan ba kayong dalawa? Bella at Kriesthal?" Tanong ni Javein. Curious na ata lol.

"Isn't it obvious? Alangan namang mag-ina sila? Tsk" pamimilosopo ni Bunso.

"Nakakatakot naman yang kapatid mo Kriesthal" si Javein. Di ata nagsasalita si Rafreal ah. Baka napipi dahil sa ganda ko.

"Can you guys just shut up? Kanina pa kayo maraming satsat" sabi ni Rafreal. Aba gaga siya ah. Ihulog ko kaya siya sa sasakyan ko? Chour.

Natahimik naman kami.

So ikukwento ko nalang yung pangalan ng mga kapatid ko. Since amboring na dahil kay Rafreal.

So si Kuya, ang pangalan niya ay Khaizuo Zhefro Monteremo.

Ang pangalan naman ni bunso ay Khylan Zailen Monteremo.

Paborito kasi ng parents ko yung K at Z, chos.

Pangalan kasi ni daddy is Karthier. At kay Mommy naman ay Zienaya.

Unique kaya ng names namin. Kay hirap ng spellings lol

Dumating na kami sa mansion namin. Buti nalang at malawak yung garage kaya kasya lahat ng mga sasakyan namin. Siguro mga nasa anim na sasakyan lang yung nandoon.

"Wow! Anlaki naman ng mansion niyo Kriesthal!"

"May mansion bang maliit? Sampalin kaya kita?"

"Baka kulang pa yung maids niyo Kriesthal. Pede ba mag-apply?"

"Oo nga, kahit talaga laba lang sa brief ng kapatid mo"

Kanya kanyang reaksyon nila.

"Akala ko ba mababait yung mga tao sa pilipinas? Bat niyo dinadamay mga brief ko? Does that fucking mean hindi kayo tao? Tsk. 17 na nga, bobo naman." Sabi ni Khylan. Jusme napikon na si Bunso.

"That's why mas bet ko sa korea. I don't even know what happened sa mindset ng mga tao now a days." Pagsang-ayon ni Bella.

"Sorry po." Sabi ng lahat, as in LAHAT ng mga kaklase ko.

"A-ahm. Punta muna tayo dun sa living room. Khylan, sasama kaba samen?" ako.

"Tsk. I'ma go with you guys. Tutulong na rin ako sa pagtuturo sainyo about sa periodic table. Para mapa-aga ang pag alis niyo dito." Khylan said

"Wow alam mo yung tungkol sa periodic table? Eh diba 14 ka lang?" Sabi ni Javein.

Isa pang ganyan na mga tanong niya. Aakalain ko nang ang ibig niya samin ay mga bobo.

"Of course lol. Nung mga elementary pa nga namin yan memorized lahat eh." Ako. Syempre, pakitang gilas kay crush. Pero potcha, kanina pa siya nakatingin sa libro niya ah. Sunugin ko kaya libro niya?

Wow (・o・;) ganyan lang naman reaksyon nila.

"Kriesthal! Khylan! Where are you guys!" Sigaw ni---

What the hen? Andito si kuya? Chungina! Suplado rin naman yon! Baka mamatay sa katakutan mga kaklase ko.

"Ow shit! Guys, paki-usap. Wag kayo mag-react about sa kanya. Or else you'd be doomed." pananakot ko sa kanila. At nakita ko naman ang takot sa.mukha nila.

Lol. Worldwide Heart-throb kaya si kuya.
Mabait, masipag, mayaman, friendly, matulungin, magalang, maka-diyos, maka-tao, maka-kalikasan, at maka-bansa.

Nasa kanya na ang lahat ng gusto mo sa isang lalake. Nakakapagtaka nga lang, kung bat siya magawang iwan ni Ate Sofeia.

Mahal naman nila ang isa't-isa kaso di ko alam.

Tinakot ko yung mga kaklase ko dahil baka magkagusto rin sila sa kuya ko. Yoko nga, boto ako kay Ate Sofeia kahit baliktarin man ang mundo.

Pero joke lang HAHAHHAHA. Alam ko ang rason kung bat siya iniwan ni Ate Sofeia. Ayaw lang ipaalam ni Ate at nagco-
communicate parin kami. Para narin yun sa kaligtasan ni Kuya. Ang selfless kaya ni Ate Sofeia.

+++++++++++++++++++++++++++++++++

Sorry guys if wala pang Kriesthal and Rafreal moments for the past chapters. Kasi dito sa group study magsisimula moments nila.

Love you. Stay safe readers. Nagu-update ako araw-araw. Kaya abangers lang kayo.

The Heart's Reason to Love (Monteremo Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon