Chapter 12

10 1 0
                                    

Happy reading, babies.

------------------------

"Baby...." para akong lumutang ng marinig iyon mula sa kanya. Boses pa lang, alam na alam kong si Maxir Villarde.

"I want to see you, Katana" he said in a lower tone full of pag-alala.

"Ako din" pabulong kong sabi. Narinig ko ang buntong hiniga niya mula sa kabilang linya.

May biglang nag doorbell sa labas kaya mabilis akong bumangon. "Teka lang" I said at binaba ang phone.

Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang pinto.

"Sesermonan mo na naman ako, Kuya?" bungad ko pagkabukas ng pinto.

Akala ko si Kuya pero hindi pala. Si Max.

"Max?"

"Expecting someone?" he ask. I smile and he hug me tight.

"I miss you" he whisper. I hug him back. Ang pangungulila ko sa yakap niya ay napalitan na.

I miss him, badly.

Magkatabi kaming nakaupo ngayon sa sofa. He hold my left hand at hinalikan ito. "I'm sorry for everything" he said.

Hindi ako makapaniwala na ang taong akala ko na matagal ng patay ay nandito ngayon sa harap ko naghihingi ng tawad. Nakatitig lamang ako sa kanya habang patuloy siya humihingi ng tawad at halik sa aking kamay.

Wala ng luha ang lumabas sa aking mga mata. Naubos na siguro kakaiyak ko.

"Akala ko patay ka na" sa wakas na sabi ko na rin.

"Akala ko din" wika niya at umaayos ng upo habang hawak parin ang kamay ko.

"What do you mean?" I ask. "I thought it was my last breath pero hindi. Nung araw na dinala ako sa hospital yun ang huli kong natatandaan bago ako nawalan ng malay. Nagising na lamang ako ng nasa madilim akong kwarto, nag iisa. Habang nakatali ang aking isang kamay sa kama......." tumigil siya at tumingin sa akin.

"...... pilit akong bumangon pero hindi pa kaya ng katawan ko. Ilang buwan ang lumipas hindi ko alam kung na saan ako at sino ang naglagay sa akin sa lugar na iyon. Mabuti nalang pinapakain ako ng tatlong beses sa isang araw at may gamot din na binibigay kaya mabilis nag hilom ang aking sugat" he stop and close his eyes. Habang tahimik akong nakikinig sa sinasabi niya.

"Lumipas ang taon ng malaman ko kung sino ang bumuhay sakin. Isang mayamang matandang lalaki na walang anak. Ilang taon niya din ako sinanay makipaglaban at makipagbakbakan sa buhay."

"Mr. E?" I ask. Sino naman iting si Mr. E?

"Oo, si Mr. E ang kumupkop sa akin. Do you know him?"

Mr. E? familiar ang pangalan niya. Nakalimutan ko kung saan ko yun narinig.

"Please, forgive me. I waited you for damn years" he face me.

"Sinabi mo ba kay Kuya ang mga sinabi mo sa akin ngayon?" tanong ko.

"Yeah"

Kung ganon, bakit ayaw ni Kuya Kristof na makipagkita ako sa kanya? Malakas ang kutob ko dahil yun kay Mr. E pero hindi ko siya maalala.

"Bakit hindi ka nagpakita sa akin. I wasted my damn years sa loob ng rehas dahil sa kasalanan na hindi ko naman ginawa" matapos ko yun sabihin hindi ko napigilan ang aking luha na bigla nalang tumulo sa aking mata. Naalala ko mga dinanas ko sa loob ng rehas.

Mahirap man ang buhay ko doon pero kinaya ko dahil sa pag asa na may tutulong sa akin.

"I'm sorry, baby. Nung pagkagising ko wala akong naalala. Nagtanong ako kay Mr. E kung sino ako at ano ang pagkatao ko pero hindi niya daw ako kilala at napulot niya lang ako.." maluhang luhang sabi ni Max saka ako niyakap ng mahigpit.

Bumitaw si Max ng pagkayakap sa akin. "Nagtataka nga ako bakit nasa loob ako ng isang silid na puro bakal at nakatali. Gusto ko umalis sa poder ni Mr. E noon pero maraming nakabantay sa akin. Hindi ako makagalaw dahil sa mga mata at tenga nila" pagpatuloy niya sa kanyang paliwanag.

Hindi ko alam kong maaawa ako kay Max. Pareho lang kaming nagdusa ng ilang taon.

Pagkatapos ng paguusap namin ni Max napagpasyahan namin na umuwi na muna siya dahil gabi narin.

Nakahiga na ako ngayon sa aking malambot na kama. Hindi parin nawawala sa aking isipan ang nangyari kay Max.

Kanina nung pauwi na sana si Max. Inihatid ko siya sa labas ng condo ko. Nang magpaalam na siya sa akin bago paman ito tumalikod I see him smirking. Iba ang dating nito sa akin. Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa pagod o ano.

Tama kaya si Kuya Kristof na hindi na siya ang kilala namin na Max noon? Naguguluhan na ako sa nangyayari.

Kinaumagahan nagising ako dahil ingay na nangagaling sa kusina. Agad akong nakaramdam ng takot baka may nanloob dito. Maliit lang naman itong condo na kinuha ko kasya para sa akin.

Bumangon ako at kinuha ang baril na nakatago sa ilalim ng aking unan. Lumabas ako sa aking kwarto at diretsong pumunta sa kusina.

Ang kalat ng kusina nakita ko Max na nagluluto. Tsk! Kala ko kung sino.

Pinagmasdan ko siya habang hindi gumagawa ng ingay. Patuloy lang na nagluluto si Max na kala mo walang tao na nakatingin.

Parang may kung ano akong naramdaman sa kanya. Tinitigan ko ng mabuti ang kanyang batok. Parang talaga may iba! Pinilig ko ang aking ulo habang patuloy na nakatingin parin kay Max.

Biglang nag vibrate ng malakas ang aking cellphone dahilan para lumingon si Max sa akin. Agad kong tinago ang baril na hawak ko sa aking likod para hindi niya ito makita.

"Good morning, my kitkat" masiglang bati ni Max sa akin. Lumapit siya akin para halikan ang aking noo pero agad akong umatras baka makita niya ang baril sa likod ko.

"Good morning too" bati ko din pabalik sa kanya. Ngumiti siya sa akin at bumalik sa kusina. Nilagay ko muna ang baril sa likod ng flower vase sa gilid.

"Pano ka nakapasok sa condo ko?" tanong ko sa kanya saka kumuha ng tubig fridge.

"Bakit ayaw mo ba akong makita pagkagising mo?" sagot niyang tanong din sa 'kin. Kumunot ang kanyang noo at tumingin ng diretso sa aking mata.

Tumingin din ako sa kanyang mata bago nagsalita. "Hindi naman sa ganoon" I pout. Fake pout! I don't do pout chuhu.

Nakakataka isa lang ang susi dito sa condo ko. Kahit si Aero na palagi kong kasama ay hindi basta bastang nakakapasok dito even my kuya.

"Aalis nalang ako kung ayaw mo akong nandito" mahinang sabi niya at hinubad ang suot na apron.

"Wag kana umalis ang dami ng niluto mo, hindi ko yan makakain lahat" I smile at him. Ngumiti din siya at yumakap sa akin galing sa likod ko.

"Hindi mo ba naalala kagabi? Binigyan mo ako ng duplicate key sa condo mo" ani niya. Hinalikan niya ang aking leeg bago huniwalay ng yakap sa 'kin.

Okay. Baka nakalimutan ko lang. Isinawalang kibo ko na lang ito at kumain na dahil gutom na rin naman ako.

"Max, thanks for the food" pasasalamat ko kay Max. Hindi maipagkakaila na masarap siya magluto.

"Anything for you. I just want to do what I miss for years" sabi niya. Niligpit na ni Max ang pinagkainan namin.

Bago ako pumasok sa aking kwarto kinuha ko muna ang baril na nilagay ko kanina sa likod ng flower vase. Nag madali akong maligo ng makarinig ako ng katok mula sa labas ng pinto sa kwarto.

"Wear a dress may pupuntahan tayo ngayon" sigaw ni Max galing sa labas ng kwarto ko.

Saan naman kaya kami pupunta. Wala naman siyang sinasabi kanina na nay lakad kami ngayon.

I wear a blue dress gaya ng sabi ni Max. Hindi ako nag heels kaya flat sandal lang ang suot ko ngayon. Kinuha ko na rin ang gagamitin kong bag. I put a attack small dagger na may nakaukit na "Silent".

Kahit si Max ang kasama ko sa lakad ngayon hindi ibig sabihin na hindi ako magiging alerto sa lahat. I need to protect my self after all.

Lumabas na ako at sinalubong ang bughaw na mga mata ni Max. Ngayon ko palang napagmasdan ang kanyang suot. Long sleeve na kulay puti saka pants na itim. Nakasapatos rin ito.

Silent (On-going)Where stories live. Discover now