Chapter 2

37 12 5
                                    

Hindi ko namalayan na tumulo ang aking luha habang tumititig sa mga mata ng lalaking bagong pumasok.

"Good morning, miss" bati ng lalaki kay prof. Ngumiti ng malapad ang aming prof sa lalaki. Hindi naman kasi maitatangi na sobrang gwapo niya.

"Good morning. You may sit down there at the back of Ms. Cuevas" sabi ni prof. Bigla akong kinabahan patang gusto ko ng umuwi. Hindi ko alam kung tadhana ba ito o nababaliw lang talaga ako.

Lumakad siya papunta sa likod ko pero parang iba ang aura at dating nito sa akin. Titig na titig siya sa akin na parang may mali o dumi sa mukha ko.

Hindi ko maikukubli na kamukha niya talaga si Max pero matagal ng wala si Max. It's been 2 years since nangyari yung trahedya na sumira sa imahe ko.

Nagsimula ng mag discuss yung prof pero kahit isa wala akong maintindihan. Hindi parin kasi nawala sa isip ko ang lalaking nasa likod ko. Ramdam na ramdam ko ng titig ng kmukha ni Max sa likod ko.

"Class Dismissed" huling sabi ni prof bago lumabas sa room.

Nagsitayuan agad ang mga estudyante. Naunang lumabas ang kamukha ni Max kesa sakin.

Pagkalabas ko nakita ko yung babae na kasama ni Tanya kanina. May kasamang lalaki na parang nag aaway. Tumalikod lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko sila kaibigan kaya wala akong paki sa kanila.

May dalawang oras akong vaccant ngayon bago ang last class ko. Wala naman akong gagawin kaya tumambay nalang ako sa rooftop.

I don't know kung bakit hindi mawala sa isip ko ang lalaki kanina. Hindi naman siya si Max. Magkaiba sila, magkaibang magkaiba. Ngunit meron silang pagkapareho at yun ang kanilang mga mata. 

Yung lalaki kanina kung titignan ang kanyang porma parang badboy. Si Max naman simple lang pero hot.

Anyways, naka move on na ako kay Max pero hindi sa tragedya na sumira samin, sa 'kin. Moving on was so hard lalo ng hindi ko alam kung magkikita pa kayo ulit. Mas mabuti pa nga yung maghiwalay kesa sa mamatay.

Inangat ko ang aking tingin sa langit. Ang sarap ng hangin lalo na kapag dumadampi ito sa mukha ko. Ang sarap matulog dito.

Umupo ako sa bench at sinandal ang ulo sa head rest. Pumikit ako at dinamdam ang hangin. Sana ganito ka payapa ang buhay ko walang bakbakan, barilan, away o kung ano ano pa.

Ilang minuto akong nakapikit ng maramdaman ang yapak ng isang tao. Matalas ang aking tenga na nakamasid sa padating ng kung sino man habang nakapikit parin.

Nang hindi ko na narinig ang yapak alam ko huminto ito. I feel his presence sa gilid ko, nakatayo. I open my eyes and see a man. He's a bit familiar.

"Silent" I knew it! I just close my eyes again. Habang nakikinig sa sasabihin niya.

"Tama nga ang sinasabi nila" sabi niya.

"Tsk" habang nakapikit parin ako. He's disturbing the silence.

He's disturbing the silence.

"Captain sent me here," he said. I knew it that Cap sent him to spy me because they think I might collapsed from crowd's judgemental eyes.

Captain Kristofferson is our leader and he's my brother.

"I don't need you here. You can go now and hang out with girls" malamig kong sabi habang nakapikit parin.

Narinig ko ang mga yapak niya papalayo sa akin hanggang mawala ito. Mabuti nalang mabilis siya makaintindi.

Isang oras akong natulog sa rooftop pag gising ko ay nakaramdam agad ako ng gutom kaya napag desisyunan kong kumain muna sa canteen.

Pababa ako sa hagdan ng may makitang akong dalawang babae nakatayo lang at nakatingin sakin.

"Omg! siya yun diba?" bulong nung isa. Girl, yung bulong mo rinig ko. Hypocrite.

"Sabi ko naman sayo na dito siya nag aaral" sabi nung isa. Sinadya ko talaga na dumaan sa harap nila five inches lang ang lapit ko sa dalawa at saka bumulong tulad nila.

"Ang lakas niyo bumulong rinig ko" bulong ko na kinagulat nila.

Wag ako!

Nagpatuloy ako ng lakad narinig ko pa na tumakbo sila. Takot naman pala. Weaklings.

Dumiretso lang ako sa cafeteria nang pumasok ako may iilang students na tumingin sakin.

Ngayon lang kayo nakakita ng maganda? Tsk. Sanay na nman ako tititgan. Simula nung nakalaya ako puro mata na nakatitig sa akin ang nakikita ko.

Lumapit ako sa nagtitinda ng foods. Mabuti nalang kilala niya ako kaya hindi siya nakisali sa mga hypocrite at judgemental na mga nilalang.

I buy mineral water and fried rice. Nakita kong may bakanteng table sa bandang likod kaya naglakad ako papalapit dun.

Habang papalapit ako sa table nakita ko yung bruha sa restroom na nambully kay Tanya.

Nakita kong hinarang niya ang kanyang paa sa dinadaanan ko para sana matumba ako. Akala siguro niya madali akong saktan o pag tripan pwes! nagkakamali siya. Lumiko at yung nasa sunod ko ang natumba dahil sa kanyang paa.

Nagulat siya sa nangyari at tumingin ng masama sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at binuksan ang bottle ng mineral water. Tumayo siya at tinulungan ang kanyang kaibigan na puno ng spaghetti ang uniform.

Ano ka ngayon? Alam ko nasa likod ko yung kaibigan niya at may dalang spaghetti. Kung ako yung natumba ibubuhos ng kaibigan o siya ang spaghetti sakin.

Over thinking? No, it's not. It's thinking outside the box.

Nang makatayo na yung kaibigan niya she glared at me again. Do you think matatakot ako diyan sa tingin mong ganyan?

Wala akong emosyon na tumingin din sa kanya at sinubo ang kutsara na may fried rice.

Gusto nila gumanti sakin dahil sa nangyari sa restroom kanina o di kaya'y gusto nila akong magalit para makita ng lahat bakit ako nakulong noon. Well, I'm not affected o ano.

Dumaan ako sa gilid nila at bumulong sa kanilang harap.

"Wag ako" narinig naman siguro nila at nang ibang students. Hindi yun sigaw kundi bulong na, malakas?

Umaayos ako ng upo at kumain ng matiwasay. Pagkatapos ko kumain ay pumasok na ako sa last class ko.

I'm a law student and nasa 3rd year college na. Late na ako nakapag enroll kaya may mga classmates ako sa ibang subject from other course. Kahit ayaw ko mag aral ginagawa ko padin para patunayan sa lahat na wala akong kasalanan.

Pero parang hindi ko na yun mababago sa paningin ng iba dahil nakatatak na yun sa mga mata at makikitid na utak nila.

Nang matapos ang last class ko dumiretso ako sa hideout.

Nakasalubong ko pa yung pinadala ni Cap sakin. I don't know his name just his codename.

"Codename" sabi nung nagbabantay sa gate.

"Orion" sabi nung lalaki.

"Silent" sabi ko din at agad binuksan nung taga bantay ang gate.

Bawal pumasok dito ang hindi kabilang o membro namin. Kaya bago ka makapasok sa gate sasabihin mo muna ang codename mo.

Each member ay mag unique codename kaya walang nagkakaparehas.

Pagpasok ko sa loob dumiretso ako sa cubicle ko para maka bihis.

Each of the members has their own cubicles. Sa loob nito ay may monitoring screen, one-sized bed, radio, alarm, table and cabinet.

I'm wearing black pants with black sleeveless and black boots.

Paglabas ko sa cubicle pumunta ako sa training section. I pick my gloves, each gloves ay may codename namin. I position myself sa boxing ring.

--------------------------------
Don't forget to vote and follow me.

Hope you guys like it!

Silent (On-going)Where stories live. Discover now