Chapter 13

9 1 0
                                    

Nakasakay na kami ngayon ni Max sa kanyang sasakyan. Pupunta daw kami kay Mr. E ipapakilala niya ako. Naging ama na rin ang turing niya kay Mr. E kaysa sa kanyang tunay na ama na meron ng ibang pamilya.

Excited akong malaman at makita kung sino si Mr. E. Iba ang pakiramdam ko sa lakad na ito mabuti na lang may dala ako sa aking bag.

"Are you okay?" nag alalang tanong ni Max sa akin. Kanina pa ako tahimik simula ng umalis kami sa condo ko.

"Yes, don't worry" I assure him. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at tinignan kung may nagtext sa akin.

Nakita ko ang unread message ni Aero. I open it. Tama nga ang kutob ko tungkol kay Mr. E.

From: Aero
Your guts are right. Be careful with Mr. E. Call me if something happens.

To: Aero
Okay

Pinasok ko na ulit sa bag abg aking cellphone. Tumingin ako kay Max na masayang nag dadrive. He looks excited.

Napansin niya siguro ang titig ko sa kanya kaya napatigin siya sakin.

"Am I too handsome?" he said then chuckle. Yeah, you are. Alam kaya niya kung sino talaga si Mr. E.

Ngumiti ako pabalik at hinawakan ang kanyang kamay. Humawak naman siya pabalik sa akin.

Sana ikaw parin ang Max na kilala ko.
Sana ikaw parin ang Max na minahal ko.
Sana ako parin ang pipiliin mo hanggang huli, Max.

Sana...

Pagkababa namin sa kotse niya sumalubong sa amin ang isang napakalaking mansyon. Makikita mo talaga dito sa labas kung gano kayaman ang may ari nito.

"Nandito na po pala kayo sir Max" salubong ng isa sa mga maid dito. Sinenyasan ng maid ang isa pang katulong na naglilinis sa may pinto. Tumango ang kanyang sinenyasan at pumasok ito sa loob ng mansyon.

"Where is Mr. E? Max asked the maid.

"Nasa loob po sir kanina pa kayo hinihintay dumating" sagot nito. Tumingin ang maid kay Max bago sa akin.

I stared at her blankly. I smell something venomous here. Hinawakan ni Max ang aking palapulsuhan ska tumingin sa akin.

"Let's go. Can't wait to introduce you to him" he said with a smile on his face.

Ngumiti lang din ako pabalik sa kanya. Unang tapak ko pa lang sa loob ng mansyon bumaliktad na ang aking sikmura ng may naamoy akong parang patay na daga.

Di ko namalayan na nakatakip na pala ako s aking ilong habang si Max at ang isang matandang lalaki ang diretso ng nakatingin sa akin.

"Oh! I'm sorry. It's just that I feel like I'm about to sneeze" pagsisinungaling ko.

"It's okay, Katana," Max said. He looked at the old man. I think he is Mr. E.

"By the way, Katana, he is Mr. E and Mr. E, she's Katana. The one and only, Katana" pagpapakilala ni Max sa 'min ni Mr. E.

'The one and only' hmm… Malakas ang kutob ko may ibang sabihin ito dahil pinagdiinan niya ang pagkasabi dito.

Overthinking is power too not only a fucking weakness.

"Hi, Katana. Finally, we see each other…….again" Mr. E said with a serious face then looked away.

Napasinghap ako para pakalmahin ang aking sarili. I don't remember that we met him before.

"Nice to meet, Mr. E" I casually said while looking at Max who's looking straight to Mr. E with a serious face.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa buong mansyon. Nagkatinginan lang Max at Mr. E na parang nag uusap gamit ang mga mata nila. Habang ako naman nakatingin lang ng diretso at nagmamasid sa paligid.

Mabuti nalang dumating ng ang isang maid at tumabi ito kay Mr. E. bago nagsalita.

"Sir, foods are ready" ani ng maid habang nakayuko.

"Dining is ready. Let's eat first before talking random things" sabi ni Mr. E at na unang pumunta sa dining area.

Lumingon sa akin si Max at hinawakan ang aking palapulsuhan saka hinila ako papunta sa hapag kainan.

Habang kumakain kami panay ang sulyap sa akin ni Mr. E na sa tingin ko ay napansin din ito ni Max.

"Don't stare at her, Mr. E" Max said with a serious tone while slicing his food.

"Oh! Sorry, iha. Your eyes are so beautiful I can't keep looking at them" Mr. E said. A creepy smile formed on his face.

I just smile a little and continue eating my food. I think Mr. E knows who I really am.

Pagkatapos namin kumain nagpaalam muna ako kay Max na pupunta sa restroom.

"Max, where's the restroom?" I ask him.

"I will accompany you para sure ako na okay ka" he insisted and stood up but I stopped him. Na pasulyap ako kay Mr. E dahil sa pag tikhim nito.

"No, it's okay. Mabilis lang naman ako" I give him a assurance smile.

"Okay. Just follow that hallway then turn left" ani ni Max.

"Okay. Thanks"

Tinungo ko ang hallway na tinuro ni Max. It's a long quiet hallway. Ang daming mga kwarto na madadaanan. Sa dulo nito may painting na nakasabit. Painting ng isang babae na may bughaw na mga mata tulad kay Max.

Hindi na ako tumigil sa painting patuloy lang akong naglalakad patungo sa cr dito. Naiihi na rin kasi ako.

I turn left gaya ng sabi ni Max. There's two doors on the left and right side. Tumigil ako sandali bago pinihit ang left side na door.

Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang malaking banyo. I went straight to the bowl and did the thing.

Bago ako bumalik sa dining area binalikan ko muna ng painting na nakasabit. She's beautiful and kinda familiar to me.

Tumalikod ako sa painting at naglakad na sa mahabang hallway. Bago pa ako umabot sa dining area may biglang humatak sa akin papasok sa isa sa mga kwarto na madadaanan dito.

I can sense that she's a girl based on how smooth her hand is. Tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang kamay at ang isang kamay niya naman ay sumenyas na wag maingay.

Madilim ang kabuuan ng kwarto na ito. Tanging sinag ng araw galing sa labas ng bintana ang ilaw dito.

"Shh… umalis na po kayo. Masama kung magtatagal ka pa rito" sabi ng babae. Hindi ako kumibo o nag imik. I'm not scared. Unang tapak ko palang kanina sa mansyon na ito alam ko na may mangyayari na masama.

Dahan dahan inalis ng babae ang kanyang kamay sa aking bibig. Lumabas siya sa kwarto na tahimik at nakayuko. Habang ako naman ay naiwan sa loob ng kwarto.

Inikot ko ng aking paningin sa kabuuan ng silid. Naamoy ko na naman ang parang patay na daga. Galing ang amoy na ito sa labas ng bintana kaya lumabas na ako sa silid at tumungo na sa dining kung nasaan sila Max at Mr. E.

Silent (On-going)Where stories live. Discover now