Chapter 6: A kiss or a miss

739 17 4
                                    

Habang papalapit ang kanilang mga labi, dahan-dahan namang pumikit si Pauline na parang nina-nais niyang damahin ang pagkakataon.

NOAH'S POV

"Pauline, ano ba 'tong ginagawa mo? Hindi ka ba nahihiya? Pwede ba itigil mo na yan!

Kaibigan lang ang turing ko sayo, kailan lang naman tayo magkakilala ah. Wala akong gusto sa kahit kaninong babae lalo na sa isang klasmeyt!

Pero meron akong nararamdaman, nakakalito pa sa ngayon pero... Siya ang unang crush ko! Hindi ikaw Pauline.

Sana siya nalang, ang babaeng kasama ko ngayon. Ang babaeng makakakuha ng unang halik ng aking mga labi.

Love team daw tayo sa section natin, hindi naman ako makatanggi. Kasi alam ko hanggang biruan lang naman yun. Pero hindi ibig sabihin na tayo na nga.

Pero bakit ganun? Sa isang bagay na hindi ko maipaliwanag, hindi ko magawang manlaban o makatanggi rin sa nangyayari ngayon.

Pwede naman kita pigilan ah. Pero bakit hindi ako makagalaw? Hindi kaya naiisip ko lang siya ngayon? Hindi kaya siya ang hinihiling kong kasama ngayon?"

PAULINE'S POV

"Noah, hindi ko alam kung bakit nagagawa ko ngayon 'to. May kahihiyan naman ako pero bakit hindi ko mapigilan sarili ko.

Kailan lang tayo nagkakilala, pero hindi ko sinasadyang maramdaman ko na nahuhulog na pala ako sayo...

Dati natanong ko sa sarili ko, kailan kaya darating ang prince charming ng buhay ko? Nung nakilala kita, alam ko IKAW na yun Noah...

Nung ginawa tayong Love Team sa room, hindi mo ba alam na napakasaya ko kahit kinukubli ko lang?

Wala man akong ipagmamalaki sa sarili ko dahil hindi ako maganda, maputi o kasing talino ng tulad ng mga top notcher sa room natin.

Pero totoo ang feelings ko sayo Noah, yun ang tanging maipagmamalaki ko kahit kanino. Alam mo yun dahil alam kong hindi ka manhid.

Kahit ano man sabihin ng iba, hindi na ako matatakot o mahihiya. Gagawin ko ang lahat para maipagmalaki mo rin ako balang araw.

Pangako hinding-hindi ka magsisisi sa akin, tanggapin mo lang ako. Noah... Tanggapin mo feelings ko sayo... Tanggapin mo mga labi ko..."

Less than a centimeter nalang ang lapit ng kanilang mga labi nang may narinig silang...

"Kuya Noah! Nakita mo ba yung cel---" hindi natapos ni Christian ang pagsasalita niya nang makita niya si Pauline na nakayakap kay Noah at halos magkadikit ang kanilang mukha.

Napadilat si Pauline at bigla niyang tinanggal ang kanyang mga braso na nakayakap kay Noah at napatingin sila kay Christian.

"Ay sorry kuya balik nalang ako mamaya." sambit ni Christian habang papaalis. Napansin ni Noah na may celfon pala sa tapat nila.

"Christian! Teka sandali!" hirit agad ni Noah. Hinabol niya si Christian dala ang celfon habang iniwan nalang niya si Pauline.

"Naiwan mo pala celfon mo, ngayon ko lang napansin." sabay abot ni Noah ang celfon kay Christian.

"(Salamat niligtas mo ko! Ganda ng timing mo! Mamaya lilibre kita, wag kalang maingay sa nakita mo ha)" mahinang boses na pagkakasabi ni Noah kay Christian.

"(Nagulat nga ako nung makita ko kayo eh, anu ba nangyari? Hindi ko maintindihan. Saan kita niligtas kuya?)" sagot ni Christian.

"(Basta wag ka nalang maingay sa nakita mo ok? Libre kita mamaya sa laro!)" sabi ni Noah.

INLOVE SA ISANG MANHIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon