Chapter 14: New Teacher

553 14 4
                                    

Kinabukasan ng umaga, maagang bumaba si Noah upang mag-rent sa pisonet. Pagbaba niya ay naabutan niya si Iris na nagwawalis.

"Good morning kuya!" nakangiti na bumati si Iris.

"Gandang umaga din!" nakangiting tugon ni Noah. Ngunit napatulala ng ilang sandali dahil naalala niya yung nangyari kagabi.

"Huy kuya! Mukhang naalimpungatan ka pa yata. hahaha!" sabi ni Iris.

"Ah uu. hehehe!" sagot ni Noah.

"Mag-coffee ka muna kaya? Open naman coffee vending machine." natatawang alok ni Iris.

"Sige, parang masarap pa naman mag-kape ngayon." tugon ni Noah. Habang nagka-kape ay tumuloy na siya sa shop at dun nakita niya sina Evelyn, Stephanie at Pauline.

"Ui ang aga niyo naman nagising! Naunahan niyo pa ako." sambit ni Noah.

"Siyempre upload kami ng mga selfies namin kagabi!" sagot ni Evelyn.

"Naku Noah si Pauline nasa mood kagabi mag-selfies! Gusto mo makita?" hirit ni Stephanie.

"Ate Steph, wag niyo upload yung mga selfies ko. Nakakahiya! Trip lang naman natin yun." patuloy ni Pauline. Ngunit tinawanan lang siya ni Evelyn at Stephanie.

"Kainis naman!" sabi ni Pauline.

"Oo nga pala, may work na si Girlie ngayon noh." nabanggit ni Evelyn.

"Saan daw?" tanong ni Stephanie.

"Ayaw sabihin eh, surprise daw." sagot ni Evelyn.

"May nalalaman pa siyang ganun. hahaha!" banat ni Stephanie.

"Kayo ha wag niyo ibahin yung usapan! Wag niyo upload pics ko!" pahabol ni Pauline. Nagtawanan lang sina Evelyn at Stephanie.

"Ang kukulit niyo umagang-umaga, makapag-fb na nga lang." sabi ni Noah. Lumipas ang ilang oras, naghanda na sila papasok sa iskul.

"Bilisan mo naman Iris! Male-late na tayo." sabi ni Evelyn.

"Sandali lang ate, tinulungan ko lang si tita sa pagligpit ng mga bilihin." pagmamadali ni Iris.

"Sige na Iris, ako na bahala dito. Sumabay kana sa kanila pagpasok." sabi ni aling Eunisha.

"Pero tita, ang daming ligpitin..." sagot ni Iris.

"Hayaan mo na, tatapusin ko nalang mamaya. Oo nga pala, may kukunin akong isa pang makakatulong dito para maka-focus ka sa pag-aaral mo." sabi ni aling Eunisha.

"Ha? Naku nakakahiya po, kukuha ka pa ng makakatulong dito dahil sa akin." sagot ni Iris.

"Ay naku, mahiya ka kung hindi mo gagalingan pag-aaral mo." sabi ni aling Eunisha.

"Natatakot din po kasi ako tita baka hindi mapagka-katiwalaan yung makukuha mong magba-bantay at tutulong dito..." pag-aalala ni Iris.

"Pinsan mo sa La Union yung kukunin ko, ano ka ba mag-isip? hahaha!" natatawang sagot ni aling Eunisha.

"Kamag-anak pala natin kukunin mo tita! hahaha! Sino daw yun?" tanong ni Iris.

"Hindi mo pa nakikilala yun, pakilala ko nalang sayo pagdating niya dito." sagot ni aling Eunisha.

"Wow kelan daw siya dadating?" tanong ni Iris.

"Tinatawagan ko pa kapatid ko para mahiram siya. Tapos na siya ng college kaya dito muna siya sa atin para makatulong, suwelduhan ko nalang siya." sagot ni aling Eunisha.

"Ang dami na naming kamag-anak dito! Una si ate Girlie, ngayon may paparating pa." natutuwang banggit ni Iris.

"Iris! Late na tayo!" hirit ni Evelyn.

INLOVE SA ISANG MANHIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon