Chapter 10: Mall trip

548 14 1
                                    

Pagpasok nila sa loob ng mall, manghang-mangha naman si Iris sa nakikita niya sa paligid.

"Grabe kuya... Ang ganda-ganda dito! Picture tayo! hahaha!" parang batang tuwang-tuwa si Iris. Nung kukunin ni Iris ang celfon niya para makapag-selfie silang dalawa, lumayo agad si Noah.

"Ui bakit?" tanong ni Iris.

"Hindi ako sanay sa camera, hindi ako mahilig magpakuha ng pic." sagot ni Noah.

"Kuya naman ang KJ! Sige na pic tayo!" pangungulit ni Iris.

"Ayoko nga! Ang kulit nito. Ikaw nalang! Gusto mo ako nalang mag-pic sayo." sabi ni Noah.

"Daya nito." sagot ni Iris. Nag-selfie nalang mag-isa si Iris habang todo ilag naman si Noah na mahagip ng camera. Pero may ilang pagkakataon na patagong nagse-selfie si Iris na hindi napapansin ni Noah sa kanilang paglalakad dahil panay ang tingin sa paligid ng mall.

May mga tao namang minsan napapatingin sa kanila. Dahil sa pagiging cute ni Iris, hindi maiwasan na minsan may mga taong gusto magpa-picture kay Iris dahil parang celebrity ang dating ng dalaga.

Pina-unlakan naman ni Iris yung ibang taong gustong magpa-pic sa kanya, si Noah pa mismo kumukuha ng pic. Lumipas ang isang oras sa pag-iikot nila.

"Kuya, sorry kung ikaw na nagiging cameraman ko ha." sabi ni Iris.

"Wala yun, mukhang enjoy ka naman eh." sagot ni Noah.

"Nakakahiya na kasi eh. Babawi ako sayo ngayon." sabi ni Iris.

"Weh! Kahit wag na." sagot ni Noah.

"Ay kuya ano yun?!" sabay turo sa bandang taas ni Iris.

"Saan?" lingon ni Noah sa taas.

"Ayun oh!" turo ulit ni Iris.

"Alin doon?" lingon parin ni Noah sa tinuro ni Iris. Pagkatapos ng ilang seconds sa pagtingin ni Noah, bumaling siya kay Iris.

"Ano ba yun?" tanong ni Noah. Napansin niya na magkalapit sila ng mukha ni Iris at nagkatitigan sila ngunit pagkatapos ng isang segundo, narinig nalang ni Noah ang shutter sound ng camera ng isang celfon. Na-realized nalang niya na kinunan ni Iris ng stolen selfie habang magkaharap ang kanilang face.

"Ayan bawi na ko sayo!" sabi ni Iris pagkatapos niyang tignan yung selfie shot nilang dalawa.

"Ang daya! Delete mo yan! Ang panget ko sa mga stolen!" gulat ni Noah habang pilit niyang kinukuha yung celfon ni Iris.

"Hahaha! Kaw kasi ayaw mong magpa-pic saken eh." tawa ni Iris habang iniiwas naman niya kay Noah yung celfon niya.

"Ayoko! Delete mo yan! Pag nakuha ko cel mo, idi-delete ko talaga yan. Nakakahiya!" sabi ni Noah.

"Hahaha! Locked ko na cel ko. Hindi mo madi-delete toh." naka-ngising pang-aasar ni Iris.

"Ampf! Wag mo nalang upload. Please..." pagmamakaawa ni Noah.

"Well hindi po ako makaka-promis dyan. hahaha!" patuloy na pang-aasar ni Iris.

"Napaka-mean mo..." inis ni Noah.

"Ah sige hindi ko na upload pero sa isang condition." sabi ni Iris.

"Ano naman yun?" tanong ni Noah.

"Pasyal pa tayo sa isang mall katabi nito." sagot ni Iris.

"Robinsons? SM Fairview?" tanong ni Noah.

"Yung malaking mall sa tapat nito?" tanong ni Iris.

"Ah SM Fairview. Hindi ka pa ba pagod? Mahigit isang oras na tayong namamasyal ah, baka gabihin na tayo." sagot ni Noah.

INLOVE SA ISANG MANHIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon