Chapter 20 - Wedding Day

40 4 0
                                    


Wedding day


Time flies so fast. Parang kailan lang napapraktis lang kami tapos ngayon, heto na yung big day ng kaibigan namin.

Alas dos na ng hapon ng matapos ang preparations. I am wearing a color gray  halter top long gown with touch of silver tiny belt on it. Sa ibang friends namin, ganoon din ang kulay. Magkaiba nga lang ang mga cut design ng mga gowns namin. Naka bunny style naman yung buhok ko na nilagyan nila ng mini white flowers with pearls on it para hindi magmukhang plain yung pagkakabunny ng buhok ko. Pakiramdam ko ay ang tangkad kong tignan sa pagkakaayos nila sa akin. Haha.

Wait, where's Kael na ba? Sabi niya susunod siya. Magsisimula na yung ceremony ah.

Pinauna na nila kami sa simbahan upang maicheck daw kung nasa simbahan na din ang ibang bisita at para makapag-handa na rin.

"Ang init naman dito. Doon tayo sa lilim." Pag-aaya ko sa mga kasama ko. Sumama naman sila dahil ang init nga naman. Baka matunaw yung make up namin. Mabuti na lang at may puno na malapit lang sa may entrance. If ever na hanapin kami ay makikita agad nila kami.

Hindi namin alam na sumunod pala sina Ivy at Marune. Naiinitan din siguro. Bakit kasi sarado pa ang simbahan, gayong dumadami na ang dumarating na bisita.

Maya-maya ay bumukas na ang simbahan. Nagsipasukan din yung ibang imbitado. Pero kami, kailangan pa namin mag hintay ng signal kung kailan kami rarampa sa aisle ng  simbahan.

Kael nasaan ka na ba..

Habang nagkukwentuhan kaming apat ay siya namang pagdating ng puting van. Nagsibabaan ang mga sakay nito. Kahit malayo ay kitang-kita at kilalang-kilala ko ang isa sa mga lalaki doon.

"The Abuevos.." mahinang sambit ko. Ngunit parang nadisappoint ako dahil may hindi ako nakita na kasama nila. Napansin ko din si Magie na parang may hinahanap din mula sa magpipinsan.

"Uyyy, may hinahanap.." mahina at pabirong sabi sa akin ni Magie. Kunot-noo akong tumingin sa kanya at tinaasan pa siya ng kilay.

"Wala akong hinahanap." Malamig na sagot ko at muling natahimik. Bakit ko naman siya hahanapin?

"Yan ba yung walang hinahanap? Yung humahaba ang leeg?" Pang aasar pa nito. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsalita naman itong si Ivy na kanina pa nagrereklamo dahil sa init pero nung nakakita ng gwapo, aba parang di na siya naiinitan. Prumesko na yata ang hangin sakanya. Sabagay, sinong di kikiligin kung ganyan ba naman kagwapo ang mga abuevos?

"Ang gugwapo naman nila! Kaso nasaan yung doctor?" Pag uusisa ni Ivy na kanina pa humahaba ang leeg sa kakahanap sa lalaking tinutukoy niya.

"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Magie. Nahalata niya siguro na panay tingin ako sa cellphone ko. Bakit kasi wala pa boyfriend ko? Naku Kael!

"O-oo naman. Grabe ang init. Wala pa ba yung sasakyan nina Gy?" Pag iiba ko ng topic. Pinaypay ko ang sarili gamit ang aking kamay.

"Finally the bride is here!" Sabay sabay kaming lumingon sa direksyon kung nasaan nakatingin si Marune.

"This is it!" Excited na tili ni Ivy.

"Okay guys! Please settle on your lines po. We'll start in few minutes." Sabi nung organizer ng kasal. Kami naman ay pumila. Nagpahuli ako sa mga abay dahil umaasa parin ako na darating ang boyfriend ko.

Kaso hindi eh. Ako na yung maglalakad sa Aisle. Nagbuntong hininga na lamang ako at sabi ko sa sarili ko ay okay lang maglakad kahit walang partner.

Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)Where stories live. Discover now