Chapter 17 - Back to old life

21 3 0
                                    


Author's Note

GUYS!! Sorry at kailan ba yung last update ko? Haha. Sobrang tagal na pala. I suggest basahin niyo na lang to kapag completed na. I'll try my best para matapos na to this year. Haha. Para masimulan ko na yung iba. Ang dami na nakalinya. Huhu.

---

Back to old life

PRESENT TIME

"How are you, Ava?" I froze for a moment. Hindi ko alam kung hihinga pa ba ako pagkatapos kong makita kung sino ang lalaking tumawag sa akin.

Sage..

Gusto ko magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Mukhang nagsi-atrasan ang mga salitang pilit kong tinatago sa sarili ko. Napalunok ako. Ayoko magsalita. Baka kung ano pa masabi ko sakanya. God knows how I missed him.  Pagkatapos ng mahabang panahon, ngayon ay nandito siya sa harapan ko, tinititigan ako. Mga titig ng nangulila sa mahabang panahon.

Ramdam kong nag iinit ang mga mata ko. Tumalikod agad ako at nagmadaling pumasok sa bahay. Sinara ko agad ang pinto at napa-sandal ako sa likod nito. Narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon. Ayoko. Ayokong makita niya ang pagtulo ng mga luha ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ang sakit? Bakit ako nasasaktan? Ano na naman ba tong nararamdaman ko? Matagal ko na ito kinalimutan. Bakit nandito na naman?

Pinunasan ko ang mga luha ko. Napalingon ako sa wall namin, nakasabit doon ang picture naming dalawa ni Kael.

I'm sorry Kael. .No matter what happen, I will always choose you.

"Ava? Please open the door.." Katok niya mula sa labas. Urgh! Bakit di pa siya umaalis? Nakita niyang ganoon ang reaksyon ko. Dapat lubayan niya na ko. Wag niya ako lituhin. Ayoko malito!

"Ava?? Are you okay?" At talagang ganyan ang tanong mo, Sage? Nang-aasar pa yata eh.

"Look.. I'm here para kamustahin ka. Yun lang.."

Bubuksan ko ba ang pinto? Yes or No? Hays!! Self ano ba? Compose yourself. Wag ka naman magpahalata na namimiss mo siya. Kalmahan mo lang. Do it like casual lang kayo.

Inayos ko muna yung sarili ko. Oo. Tama. Baka mangangamusta lang. Wag masyado mag overthink, self. Baka naka-move on na siya kaya parang okay lang sakanya na mag usap kayo. Nag mature? So dapat umakto din ako na parang nag mature na din.

Pinihit ko ang door knob at nasa likod ng pinto ang lalaking... ayoko ituloy.

"Doc. Sage.. Im okay. Pasok po kayo." Hala bakit ko pa pinapasok? Pumasok naman ang gago at naupo sa sofa. Teka, hindi naman siya ang gago dito..

Lumapit ako sakanya at tinanong kung gusto niya ba ng maiinom like juice or coffee.

Wala ka paring kupas, Sage. Lalo ka gumuwapo..

"Coffee na lang. Namiss ko timpla mo ng kape." Napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Mukhang naaliw siya sa reaksyon ko kaya sandali siyang tumawa at tumikhim.

"Biro lang. Coffee." Sabi niya at ngumiti sa akin. Bumalik sa pagiging seryoso yung awra niya. Narinig ko pang nagring yung cellphone niya pero di niya inabala sarili niya para icheck kung sino tumatawag o nagtext.

Pinagtimpla pa ko ng kape ni doc.

---

Kung meron man akong kaibigan na nakaka-alam ng sitwasyon ko, iyon ay si Ivy at Maggie. Si Marune, wala ngayon. Inassign yata siya sa ibang lugar. Wala din si Gy.

"Beh, seryoso? Pinuntahan ka nung doktor sa apartment mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ivy sa akin.

Narito kaming tatlo sa office shop na pinagtatrabahuhan ni Maggie. Itong si Maggie eh medyo busy sa laptop niya kaya itong si Ivy muna ang panay interview sa akin.

Matagal ko na naikwento sa kanila yung experience ko sa Isla Pasa. Kasama doon yung nagka-gusto ako dun sa doktor. Not until naka-alala na ako.

"Oo eh. Ewan ko kung paano niya nalaman yung place ko. Lipat na ba ako ng apartment?" Tanong ko sakanila. Hindi ko kasi alam gagawin ko. What if magpunta siya doon tapos maabutan siya ni Kael?

Speaking of Kael.. May lakad daw kami next week, sa day off niya. Which is Saturday. May aattendan daw siyang binyag at isasama niya ako. Umo-o naman ako dahil Wala naman ako pasok kapag sabado.

"Bakit ka lilipat?" Tanong ni Maggie habang seryoso ito sa laptop niya. Yung akala mo di nakikinig, nakikinig pala. Multitasking talaga itong kaibigan namin. Lagi nga lang antok. Umiling na lang ako ng humikab ito at uminom ng kape.

"Because..di ko komportable na nandyan lang siya sa malapit?" Yes, it's true. Kahit sabihin nating miss ko siya ng sobra, hindi yun pwede. Actually, feeling ko nagchicheat na ko emotionally dahil may namimiss akong iba. Yung past lang naman. Wala ako balak na balikan ang nakaraan.

"Hindi ka komportable dahil?" Tanong ni Ivy.

"Dahil hanggang ngayon may gusto parin siya kay Doc." Sabat naman ni Maggie na parang sigurado siya sa sinabi niya.

No!

"Hindi yun ganoon. Of course, ayoko madisappoint sa akin si Kael. What if bisitahin ulit ako nun tapos naabutan siya ni Kael?"

"Kael.." Sambit ni Ivy na parang dismayado ng marinig pangalan ng bf ko. Umiling iling pa siya na parang di siya makapaniwala. Ganoon din si Maggie.

"Bakit ganyan reaction niya pagdating kay Kael? Tapos kapag kay Doc, kinikilig kayo kapag nagkukwento ako?"

"Beh, iba kutob ko sa bf mo. Matagal na. Matagal ko na din sinabi sayo yan." Ivy.

Naikwento sa akin ni Ivy na noon daw habang nawawala ako, may kinikita daw itong ibang babae. Lagi niya nakikita na nagdi-date somewhere. Actually, I confronted Kael about that. Sabi niya, partner niya lang daw iyon sa work. Malamang daw ay lagi sila magkasama. Engineer din. Ngayon, hindi naman na sila magkasama dahil na-assign na daw iyon sa ibang project.

"Beh, matagal na yun. Tsaka na-explain niya na yun.."

"Okay okay sige. Grabe ang sweet naman nilang magpartner that time. Nagha---" Naputol yung sasabihin ni Ivy ng tumunog cp niya. Sinagot niya muna yung tumawag sakanya. Lumayo muna siya sa amin at ako heto naiwan kaharap si Maggie. Mukhang tapos na siya sa ginagawa niya kaya sinara niya na yung laptop at sumandal sa swivel chair niya.

"I think it's not yet the right time." Sambit nito.

"Not right time?"

"Wala. I mean, itong sa work ko. Anyways, pagpunta ni Doc sainyo? Nagkape? Tapos?" usisa niya. Bumalik naman na sa tabi ko si Ivy at uminom ng kape.

"Wala. Kamustahan lang." Which is true. Very casual lang. Tinanong niya ko kung okay na ba yung pakiramdam ko. Eh alam niyo naman yung nangyari sa akin. I'm perfectly fine pa nga Sabi ko.

"Weh? Walang hug or kiss?" Ivy. Ito talaga kahit kailan.

"Siyempre wala. Hindi naman mala-KDrama ang kwento namin no. Yung after ilang years di nagkita tapos nung nagkrus ang landas, magyayakapan. Hahaha."

"So may kwento pala kayong dalawa? Aabangan na ba namin ang sequel ng Sage and Ava? Season 2? Ano kaya title? Chasing memories?" Pang aasar ni Ivy at si Maggie naman kung tumawa wagas. Bentang benta kaya sakanya yung banat ni Ivy. Pati ako natawa sa pang aasar ng dalawang to.

No need to chase those memories. What happened from yesterday should stay there. It's not a good idea to remember though.

----

Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)Where stories live. Discover now