Chapter 7 - Pair off

51 1 0
                                    


Pair off

Pagkatapos ng araw na iyon ay tinupad naman ng doctor ang kanyang pinangako na tutulungan niya akong maka-alala. Sa isang linggo ay dalawa o tatlong beses niya ako kung i-theraphy. Hindi ko nga minsan maintindihan kung bakit may mga bagay siyang pinapakita sa akin. Minsan ay mga drawings, kung ano daw ba ang nakikita ko.

Nagising naman ang diwa ko sa isang tili ng babae mula sa may sala. Tinignan ko kung anong oras na. Nadismaya ako ng makita ang oras. Masyado naman yata maaga para may tumili ng ganoon kalakas. Parang nabulabog niya yata ang buong bahay dahil sa echo. Iba kasi yung tili ng babae. Parang sa tinagal-tagal ng panahon eh ngayon niya lang nakita ang magulang or kaibigan niya.

Lumabas ako ng kwarto at tinignan kung sino ang nasa sala.

May isang babae na kausap si Manang Lea. Sa tingin ko ay nasa 16 ang edad nito. Katabi nito ang tatlong maleta sa likod niya.

"I really hate my dad! Mas gusto ko sa Batanes eh." Maarteng sabi ng babae.

"Haha. Ganoon ba? Parang sinabi mo na rin na ayaw mo makasama ang kuya mo dito." Sabi naman ni Manang Lea. Pinaupo muna ni Manang Lea ang babae sa sofa at umalis ito. Mukhang kukunan ng juice ang dalaga. Napatingala naman ito sa may hagdan at nakita niya ako, na siya namang ikinatalon ko sa bigla. Kita kong tinaasan niya ako ng kilay, nakikipagsukatan ng tingin sa akin.

"Manang Leaaaaaaa, di mo sinasabing may baguhan kayong katulong dito." Sabi ng babae. Doon ay tinaasan ko rin siya ng kilay.

Ako? Mukhang katulong?!

Lumabas kung saan si Manang Lea dala ang isang tray na may nakalagay na isang baso ng juice at pagkain. Narinig yata iyon ni Manang kaya tumingala rin ito sa taas at nakita ako. Tumawa ang Manang at umiling-iling. Bumaba ako ng hagdan patungo sa may sala upang lapitan sila.

"In fairness, ang ganda mo naman yata ate para maging katulong namin." Sabi ng dalaga pagkatapos akong tignan mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo.

Aba't!

Tumawa ang Manang. Anong nakakatawa??

"Hindi siya katulong iha. Kaibigan siya ng kuya mo." Paliwanag ni manang. Pakiramdam ko ay hindi ko nakakasundo ang babaeng to. Masyadong judgemental!

"Ganun ba?" Sabi ng dalaga habang tinatantya ang pagkatao ko. Seriously? Ang bata-bata pa, ganyan na makapang-mata!

"Ava, si Ma'am Saria nga pala, kapatid ni Sir Sage." Pakilala ni Manang sa amin. Kahit labag sa kalooban ko ay nagpakilala ako sa kanya.

"Hello, ako si Ava." Walang emosyon na pakilala ko naman sa kanya. Pilit akong ngumiti upang iparating na kahit papano ay nagagalak akong makilala siya.

"You know what ate, you don't need to smile like that. Mana ako sa kuya ko." Sabi niya sa akin. Buti naman at naramdaman mo ang kaplastikan sa mga ngiti ko.

"Okay. Akyat na ko. Enjoy your stay here." Sabi ko sa kanya at tuluyang bumalik sa kwarto. I heard what she said before I turned my back.

"Mukhang palaban. I think I like her Manang for my Kuya. "

You like me for your Kuya? Hm..

**

Tanghali na ng tawagin ako ng Manang Lea upang kumain. At dahil ilang araw na din ako nagsi-stay dito ay nalaman ko na rin ang pangalan ni Manang. Siya lang palagi madalas ang kasama ko dito dahil palagi naman nasa ospital si Sage. Noong una ay hindi ako kumportable na tinatawag siya sa pangalan niya ngunit ngayon ay nasasanay na ako pakonti-konti. Ayaw niya raw tawagin ko siyang Doc Sage.

Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)Where stories live. Discover now