Chapter 11 - Dance

45 4 0
                                    

Dance


"Ate Ava, pupunta ka ba ng sayawan?" Mahinang tanong sa akin ni Saria. Pinuntahan ko kasi siya sa kanyang kwarto upang kamustahin sa kanyang nararamdaman.

"Hindi ko alam eh.. At tsaka alas diyes na ng gabi. Baka hindi na siguro." Sagot ko naman sa dalaga. Hanggang dito sa bahay ay dinig na dinig ang masayang musika na nagbibigay buhay sa tahimik na isla. Marahil ay nagkakasiyahan na doon ang mga tao.

"Sayang naman Ate. Punta sana ako doon kaso wala ako kasama. Punta na tayo dun Ate, please?" Awtomatikong napataas ang isang kilay ko sa sinabi ng dalaga.

"Hindi pwede. Kung makapagyaya ka naman, akala mo parang walang sakit na dinaramdam jan."

"Ate magaling na ko kanina pa. I mean.." Napahinto ito sa pagsasalita at napayuko. Nilalaro niya ang kanyang hawak na suklay sa kanyang kamay. Ano kaya tumatakbo sa isipan ng dalagitang ito?

"You mean what?"

"Wala talaga akong sakit ate.. Hindi talaga sumakit ang puson ko..hehe." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ibig bang sabihin ay palabas lang lahat yung pag sasakit-sakitan ng puson niya?

"Hindi kita maintindihan Saria.. Ano ba ibig mong sabihin?"

"A-ate naman..di mo ko na-gets? Ayoko mag reyna elena kanina kaya kunwari na lang ay masakit ang puson ko."

"Bakit mo ginawa iyon?"

"Sorry Ate. Sorry ulit kasi sinuggest ko kay Manang Lea na ikaw na muna pumalit sa akin." Sabi nito. Ang kanyang mga mata ay katulad sa mga nangungusap na mata ng kanyang kuya. Ni hindi ko makuhang madisappoint sa ginawa ng dalaga. Lahat kami ay nag-alala kanina at ngayon ay sasabihin niyang hindi pala totoo iyon?

"Eh bakit ka nga magsinungaling samin Saria? Alam mo bang masama iyon? Nag alala kami sayo.."

"Sorry Ate... N-nakita ko kasi Ate kanina kung sino magiging partner ko.. tapos literal na sumakit ang tiyan ko." Muntikan pa akong tumawa dahil sa sinabi niya. Mukhang nakukuha ko na kung bakit niya nagawang magsinungaling sa amin.

"Bakit? Sino ba yun?"

"Yung pinsan ni Kapitan."

"Ano pangalan?"

"Si... Ah basta ate."

"Gusto mo pumunta sa sayawan? Paano kung nandun yung crush mo?" Pagkasabi ko nito ay nanlaki ang mga mata ni Saria na parang nakapagbitaw ako ng pinagbabawal na salita.

"Hindi ko yun crush ate ano ba!" Sa reaction niya ay natawa na lamang ako. Masyadong halata ang dalagitang ito.

"Ah sorry naman."

"Baka kasi ate nandun yung crush ko tsaka yung ibang naging friends ko din dito."

"Crush? Sino? Yung kapatid ng Kapitan?"

"Hindi yun no. May iba pa. Kaso baka hindi na tayo paalisin ni Kuya.." Maging ako ay gusto ko rin sana makita kung ano ang meron sa sayawan, hindi pa kasi ako nakaka-experience ng ganun. Or maybe na-experience ko na pero hindi ko maalala, dahil sa kalagayan ko. Kailan ko kaya maaalala ang mga bagay na magpapatunay ng aking tunay na pagkatao?

"Niyaya ako kanina ng Kapitan. Pati nga ang kuya mo ay inimbitahan. Gusto ko sana paanyayahan ang imbitasyon dahil nakakahiya kung hindi ko iyon mapaunlakan. Kaso anong oras na.." Baka hindi na kami palabasin pa rito ng bahay. Ang mga bisita ay magsiuwian na din. Tanging mga kasambahay na lamang ang naiwan sa bahay upang maglinis ng mga kalat at mag ayos sa kusina. Ang mga magulang naman nina Sage ay umuwi na rin ng Naga.

Chasing Memories (Abuevo Cousins Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum