52

32 12 0
                                    

-Narration-

Mahigpit ang pagkakahawak ni Nicole ang pulsuhan ni Samanta na tila ba gusto nya itong putulin.

"Unnie saan ba tayo pupunta?"Tanong ni Samanta.

Huminto naman si Nicole sa pag kakahila kay Samanta at binigyan nya ng matalim na tingin ang dalaga.

"Sumunod ka na lang."Mariing tugon ni Nicole saka nagpatuloy sa pag lalakad.

"Sandali lang unnie. Wag mo na akong hilahin,"pag susumamo ni Samanta. Pero hindi sya pinakinggan ni Nicole.

Ng makarating sila sa locker area ay binitawan ni Nicole ang kamay ni Samanta. Sumilip muna sya sa kaliwa at kanan. Napangiti sya ng makitang walang ibang estudyante ang nasa locker area. Dali-dali nyang binuksan ang locker nya at may kinuha mula roon. Ng mailabas nya ang maliit na kahon ay agad nya itong inabot kay Samanta. Nag tataka pang tinignan ng dalaga ang hawak ng kanyang unnie.

"Kukunin mo ba o ano?"Nakataas kilay na tanong ni Nicole.

Biglang bumalik sa wisyo si Samanta at kinuha ang maliit na kahon mula sa kamay ni Nicole.

"Ano 'to?"Nag tatakang tanong ni Samanta.

"Paano mo malalaman kung hindi mo bubuksan?"Balik na tanong ni Nicole.

Nagpout na lang si Samanta saka dahan-dahang binuksan ang maliit na kahon at umaasang walang mga maliit na nilalang ang nasa loob ng kahon na kawak nya. Nakapikit nya itong binuksan. Ng Maidilat nya ang kanyang mga mata ay isang maliit na cupcake ang bumungad sa kanya. Napangiti sya ng makita ang cupcake na yun. Kulay violet ang frosting at may makukulay pang toppings.

"Bati na ba tayo?"Nakangiting tanong ni Samanta.

Ngumisi naman si Nicole sa sinabi ni Samanta saka lumapit ng bahagya at bumulong.


"Gusto kong layuan mo na si Felix...Kapag hindi mo ginawa yun baka mapatay pa kita."Bulong ni Nicole habang may ngisi sa kanyang mukha.

Napaatras naman si Samanta sa sinabi ng kanyang unnie. Natawa naman si Nicole sa reaction ni Samanta.

"H-hindi naman ako ang lumal–"Hindi na naituloy ni Samanta ang sasabihin nya kasi biglang sumigaw si Nicole.

"Shut up!"Naiinis na sigaw ni Nicole. "Kung sya ang nalapit dapat ikaw na lang ang lumayo!"

Napahilamos na lang si Nicole gamit ang kanyang kamay. Saka pilit na pinapakalma ang sarili. Sandali silang natahimik na dalawa hanggang sa magtanong muli si Samanta.

"B-bakit mo ba ako binigyan nito?"Tanong ni Samanta na nakatingin sa maliit na kahon ng cupcake.


"Wala lang trip ko lang,"nakangiting sambit ni Nicole saka may kinuha muli sa kanyang locker.

Kinuha nya mula sa locker ang isang paper plate at whipped Cream. Mabilis nyang nilagyan  ng whipped cream ang paperplate na hawak nya at lumapit kay Samanta. Tila ba Nakadikit ang mga paa ni Samanta sa sahig at hindi na nakagalaw.

Napapikit na lang si Samanta ng isampal ni Nicole ang hawak na paperplate na may whipped cream. Tuwang-tuwa pang ikinalat ni Nicole ang cream sa mukha ni Samanta.

"Sa pag kakaalam ko next month na birthday mo. So Advance Happy Birthday!"nakangiting wika ni Nicole at binudburan pa ng sprinkles at chocolate chips ang ulo ni Samanta saka itinulak sa sahig. Napangiwi na lang si Samanta dahil sa ginawa ng kanyang unnie.

Nag lakad na palayo si Nicole habang may ngiti sa kanyang labi. Labis ang nararamdaman nyang kasiyahan dahil sa ginawa kay Samanta.

Ang hindi alam ni Nicole ay may nakakita sa ginawa nya at na videohan pa ito.



Birthday  [SKZ Fanfic]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin