Chapter 8

1.7K 35 16
                                    

"Liam?" Gulat na sambit ko ng makita ko siya sa labas ng school

"Why are you here?" Maaga kami ngayong pinalabas dahil may meeting ang mga teachers at balak ko sanang dumaan muna sa company ni Magnus bago umuwi

" I just what to see you, bakit bawal ba?"

" Ahhh kase.." nako baka magalit si Magnus

"Please, date tayo"

"Ha?"

"Date tayo, just a friendly date"

"Pero kase si Magnus.."

"Don't mind him, please pumayag ka na" nag pa cute pa nga huhuhu marupok ako

"Please! please! please! mabilis lang naman eh"

"Sige na nga" hayyss, minsan lang naman to eh, tsaka kakameet lang naman ulit namin kaya pag bibigyan ko na

"Yes! Let's go" hinila na niya ako papalapit sa kotse niya at pinagbukas

"Saan ba?" Tanong ko habang bumabyahe

"Park" sagot nya. Habang nag mamaneho ay hindi maalis ang ngiti nya

"Ngiting ngiti ah" natatawa kong sabi

"Of course, kasama kita eh" namula ang pisnge ko sa sinabi niya, hindi na lang ako nag salita at nanahimik na

"Were here" pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang bumaba

"I know you want a date like this kaya dito na lang kita dinala" well tama sya mas gusto ko to na sa park lang, maraming food stool lalo na ang street foods. Si Magnus kasi laging naka restaurant or mall, ayaw nya sa ganitong lugar, lalo nang ayaw nya sa street foods, masyadong maarte ang lalakeng yon

" Here, what do you want?" hinila niya ako sa isang food stool

" Kikiam gusto ko tsaka kwek-kwek tapos fishball, damihan mo kikiam ah" hehehehe tagal ko na rin kasing di nakakakain ng ganito eh, thanks to Liam

"Sure, it's my treat naman eh" omorder na din siya ng kanya habang ako ay inilibot ang tingin sa paligid para maghanap ng available na bench na uupuan namin

"Babe" hindi ko na pinansin ang tawag niya saakin at kinuha nalang ang inabot niya saakin

"Doon tayo liam oh" turo sa nakita kong bench sa ilalim ng puno at sumunod naman siya saakin

"Babe penge kwek-kwek" ngekk bat di sya bumili ng kanya, fishball at kikiam lang kase meron sya. Kahiya naman sya na nang libre kaya inabot ko sa lanya ang plastic cup na nilalagyan ng pagkain para sya na ang kumuha pero umiling lang siya

"Subuan mo ko" ngumanga pa siya, bakit ba to nag papacute sakin

"Okay" tinusok ko na ang isang kwek kwek at sinubo sa kanya, nalagyan pa ng sauce ang gilid ng labi niya habang ngumunguya

"Psst Liam" nginuso ko ang gilid ng labi niya para sabihing may sauce doon

" You want kisses? Hahahaha joke lang" sinamaan ko siya ng tingin kaya tumawa nalang siya

"Punasan mo nalang, dali oh"inabot niya sakin ang panyo niya at ngumuso hahahaha ang lakas ng trip nito ngayon

Pinunasan ko nalang ang kalat na sauce sa bibig niya at nabigla ako ng halikan niya ako sa pisnge ng matapos ko siyang punasan

"Liam, ano ba?" Naitulak ko siya palayo sakin at napatayo, baka malaman to ni Magnus at magalit nanaman sakin

"Mika, you don't know that I love you, do you?" Nabigla ako

"Liam.." ano.. paano..

"Now you know" imposible, kaibigan sya ng asawa ko at lalo na kaibigan ko siya, hindi ko alam kung anong irereact ko, si Liam mahal ako?

The Unwanted Wife (On-Hold)Место, где живут истории. Откройте их для себя