Chapter 7.1

1.6K 40 33
                                    

Nagising ako sa alarm at babangon na sana pero naalala ko na hindi nga pala ako papasok ngayon. Nilingon ko si Magnus sa gilid ko at nakitang mahimbing parin ang tulog niya, nakayakap parin siya sa'kin

Tumagilid ako ng higa paharap sa kanya at tinitigan ang maamong mukha niya kapag tulog. Sinabi niyang pag-aari ko na sya pero hindi parin ako kampante, hindi pa niya sinasabi ang matagal ko ng gustong marinig mula sa kanya, ang sabihing mahal din niya ako.

"It's so early Hon" nagising na pala siya

"Ahh nagising lang ako sa alarm"

"Ahmmm" antok pa ang boses niya, bakit ang gwapo kahit bagong gising

"Let's sleep again" sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko at hindi nagtagal ay nakatulog na siya ulit, antok na antok pa siguro. Yumakap na lang ako sa kanya at natulog ulit.

Naalimpungatan ako at naramdaman na may naka titig saakin, nang iminulat ko ang mga mata ko, sumalubong saakin ang mukha ni Magnus

"Good morning" nakangiti pa siya habang sinasabi iyon

"Good morning" mabilis niya akong hinalikan bago ako bumangon

"Gising na ba si Dale?" tanong ko

"Still sleeping, lets go" kumapit siya sa braso ko at hindi ko maiwasang mapa igik sa sakit

"What's wrong?" kunot ang noo niyang tinignan ang braso ko at ng tignan ko ito ay may malaking pasa doon

"F*ck, is this my fault?" mabilis siyang lumapit at magaan na hinawakan ang balikat ko

"Ahh siguro dahil sa kagabi--"naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya

"I'm sorry" tinignan pa niya ang ibang parte ng katawan ko at nakita ko ang pag dilim ng mukha niya

"Bakit?" Kinakabahan kong tanong pero hindi siya sumagot at sa halip ay dahan dahan niyang hinaplos ang leeg ko

"Does it hurt?" Kita ang pag-aalala sakanya sa kabila ng madilim niyang mukha.

"Ahh oo" humapdi nga ito ng dumampi ang balat niya sa leeg ko

"I'm a jerk, I shouldn't done that to you" maingat niya akong niyakap

"Hey It's okay" mahinang sabi ko habang hinihimas ang ulo niya. Okay lang ako, mas malala naman ang nakukuha ko dati kesa ngayon

"No it's not" umiiling na sabi niya, kinalas ko na ang yakap at bumaba ng kama

"Maghihilamos lang ako" lalakad na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko

"Sama ako" wala na akong nagawa kundi payagan siya. May pag ka makulit din pala to

Habang nag totoothbrush ako nasa likod ko lang siya at nakayakap sakin, pinapanood lang niya ako habang ginagawa ang morning routine ko. Alam ko naman na nakapaghilamos na siya bago pa ako nagising eh

"Hon, come here" pinaupo niya ako sa couch dito sa kwarto at naglabas siya ng first aid kit

Pinanood ko lang siyang lagyan ng ointment ang mga pasa ko sa magkabilang braso at leeg, meron din pala akong maliit na sugat sa gilid ng labi dahil sa marahas na paghalik niya saakin kagabi

"Can you slap or punch me if ever I hurt you again?" Ha?

"Bakit, may balak ka bang saktan ako ulit?" tanong ko

"What if Mika? Just hurt me back if I hurt you again"

"You promise not to hurt me again Magnus" may hinanakit na sabi ko

"It's not like that. What if I lost control and hurt you again because of my jealousy?"

"Hindi mo kailangang mag selos Magnus. Wala kang dapat ika-selos. Sayo ako, ikaw ang nag mamay ari sa'kin. Mahal kita" hinintay ko na sabihin din niyang mahal din niya ako pero wala akong narinig mula sakanya, niyakap lang niya ako at hinalikan sa ulo

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now