[ 8 ] Inscrutable Letter

Magsimula sa umpisa
                                    

Saan ko kaya siyang pwedeng itago? Ahh, alam ko na, sa garden ko nalang muna siya ilalagay. Kaunte lang ang pumupunta doon dahil karamihan sa mga estudyante dito ay doon sa sikat na tambayan tumutungo.

Walang gulo kong narating ang garden. Binagalan ko na rin ang lakad ko. Nilagay ko siya sa likod ng isang malapad na plant box. Buti at matatangkad ang mga halaman at bulaklak ang nakatanim dito kaya hindi agad-agad siya makikita. Inilagay ko siya sa damuhan at saka ko binuksan ang kahon.

Nagpagulong-gulong siya at parang nahihilo. I smiled, marahil nahilo siya sa pagkakabitbit ko ng kahon. Idagdag mo pa na medyo mabilis ang lakad ko. Hinimas ko ang katawan niya.

Umikot-ikot siya katulad sa mga pangkaraniwang ginagawa ng ibang aso at dahan-dahang humiga. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagbuka ng bibig niya, sinyales na inaantok siya.

"Babalikan kita mamaya. Wag ka lang maingay."

Spot.

'Yan ang pumasok na ipapangalan ko sa kanya. At kapag Spot ang naiisip ko ay siya agad ang unang papasok sa utak ko dahil sa puting spot sa mata niya.

Sinara ko na ang kahon at saka umalis. Tumingin ako saking relos, meron pa 'kong limang minuto na natitira. Limang minuto para magmadali papunta sa building ko at sa 3rd floor. Umalis na ako sa garden.

"Rosella?" nilingon ko ang tumawag ng pangalan ko, isang babae. Teka, kilala niya 'ko? May kinakain siyang kendi. Lumapit siya sakin habang ngumunguya.

"Rosella Escobardo right?" kahit nagtataka ay hindi ko pinahalata sa kanya. I looked at her using my serious gaze. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.

Medyo umatras ako nung iniabot niya ang kamay niya sakin. Pagtingin ko ay may tatlong piraso ng Curly Tops na chocolate.

"Gusto mo?" lahad niya sakin pero bahagyan akong umiling. First of all, bakit niya 'ko kinakausap? Second, I'm just a nobody in the face of others so why bother talking and giving attention on me? She just shrugged at binulsa ito sa palda niya.

"Tara na, late na tayo sa klase. For sure magsusungit na naman si Ma'am Alba." Sabay lampas sakin.

Wait, kilala niya si Ma'am Alba? Ang English Subject teacher namin? Hindi kaya kaklase ko 'to?

Ganon na ba talaga ako kawalang pakialam at hindi pinagtutuonan ng pansin ang iba na pati mga kaklase ko ay hindi ko kilala? Una si Von tapos ngayon siya. Lumakad na 'ko, nakasunod lang ako sa likod niya.

Well, she's kinda familiar to me. Parang nakita ko na siya kung saan. Meron talaga, nakita ko na siya kama-kailan lang. Nilakad namin ang daan patungong classroom. Tahimik lang kaming naglalakad.

I wonder, what's her name? Sa ilang taon na ako dito sa school ay bago lang siya sa paningin ko. Alam kong isa sa mga dahilan do'n ang mailap ako sa iba, pero ngayon ko lang talaga siya nakita. Hindi ko siya nakita last year.

At doon ko naalala ang babaeng nakita ko kanina sa library. Tama, yung may kasamang tatlong lalaki na namataan kong palabas sa school. Akalain mo 'yon, classmate ko pala siya. Hindi ko ito inaasahan, hindi ko rin inaasahan na lalapitan niya 'ko.

Pagdating namin sa classroom ay lahat ng mata ay nasa amin. Naconscious naman itong katabi ko samantalang ako ay tamad na nakatayo. Great, late for the second time. Para yatang sinasanay ko ang sarili ko sa pagiging late.

"Pinapasagot ko sa mga kaklase niyo ang ginawa kong mga riddles pero kahit isa sa kanila ay walang tumayo at naglakas loob na sagutin ito. Even the top 1 of your class can't." sabay tingin niya sa direksyon ni Azra na ngayon ay nakayuko. Maybe she's not fond of this kind of thing.

Peculiarity In Her Eyes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon