[ 8 ] Inscrutable Letter

Começar do início
                                    

Hindi ko sadyang mapatingin sa isang babae na may kasamang tatlong lalaki. Nakatalikod sila kaya hindi ko makita ang mukha nila. Masaya silang nagkekwentuhan habang papalabas ng gate. Biglang sumampa ang babae sa nasa katabing lalaki niya na nasa kanan. Kahit nagulat ito ay nabalanse niya naman ng tama ang katawan niya at ang bigat ng babae.

Pinutol ng isang kaluskos ang tingin ko sa tatlo. May pagtataka kong tinignan ang paligid. Sa'n ba nanggagaling ang tunog na 'yun? Nang marinig ko ulit ito ay tumingin ako sa ilalim ng lamesa. Parang do'n kasi nanggagaling. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ito.

Isang pamilyar na kahon. Paanong— bakit— anong ginagawa niya dito? Paano siya nakapasok?

Tahimik kong iniusog ang upuan sa likod ko saka lumuhod sa harap niya. Kaya pala naririnig ko akong pagkuskos kasi kinakamot niya ang kanyang katawan gamit ang maliit na paa niya. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya alam na nandito ako.

Kunwari akong naubo, kinukuha ang atensyon niya at hindi naman ako nabigo. Agad itong tumahol at pinipilit na lumabas ulit sa box nang makita ako nito. I put my index finger to my lips, pinapatahimik siya pero walang tigil pa rin siya sa pagtahol.

How come he's here? How did he got here?

I pat his head at dinilaan niya ito. Ngumiti ako, this puppy is sweet. Hindi niya dapat nararanasan ang ganitong sitwasyon. Bakit kaya kahit anong buti ang ginawa at pinapakita mo sa tao ay masama pa rin ang tingin nila sayo? Insecurity and envy is not the best reason to put it on.

Oo nga pala, wala pa akong may naisip na ipangalan sa kanya. Habang nilalaro siya ay may nakita akong papel sa loob ng box nito. Hindi ako nag-atubiling kinuha ito at binuklat.

You should give him a name :)

Paano niya nalaman? Hindi ko alam kung babae o lalaki ang sumulat nito but I know one thing for sure— they knew. It knew na minsan ko nang pinupuntahan ang tutang ito. They also knew na pumupunta ako sa isang eskinita na tambakan ng mga basura.

A stalker?

Wala na akong ibang naisip pa. May sumusunod sakin? Ngayon lang ito nangyari sakin. I have a bad feeling about this.

Kinuha ko ang takip ng lunchbox ko at naglagay ng kaunting pagkain. Sa susunod ko nalang bigyang pansin ang taong sinusundan ako, aalahanin ko muna ang tutang ito.

Nilagay ko ito sa loob ng box niyang nagsisilbing tirahan niya. Inamoy-amoy niya ito ng ilang segundo at hindi niya kinain. Weird. Kadalasan, kapag binibigyan ko siya ng pagkain ay agad niya itong kainin.

Oo nga, mukhang malaki ang tyan niya. Siguro, ang naglagay sa kanya dito at ng note ay pinakain siya. Ano kaya ang ipapangalan ko sa kanya? Wala pa rin akong maisip na ipapangalan sa kanya.

Lumingon ako sa nang marinig ang pagbukas ng pinto sa library, maririnig mo talaga dahil sobrang tahimik dito. Buti at hindi na tumatahol ang tuta. Tinignan ko kung sino. Tatlong babae, may hinahanap sila sa isang bookshelf.

Kailangan ko nang umalis dito. Pero paano na siya? Iiwan ko nalang ba siya dito? Hindi pwede.

Niligpit ko na ang pinagkainan ko saka sinukbit ang bag sa balikat.

"Be quiet a little, okay?" sabi ko sa kanya pero nakatingin lang siya sakin habang nakalabas ang dila. Heh, as if naman na maiintidihan ako nito. Sinira ko na ang box saka binitbit. Hinintay ko muna na makalayo ang dalawang babae, malapit kasi sila sa pinto.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at umaksyon agad nung umalis na sila. Malalaking lakad ang mga inihakbang ko. Paglabas ko sa library ay agad kong tinungo ang daan papuntang garden.

Peculiarity In Her Eyes Onde as histórias ganham vida. Descobre agora