"Si Rain, anak ko," pakilala niya na ikinalaki ng mga mata ni Zabrielle. Napatingin sa kanya si Franco maging ang mga kawaksi na nagsilabasan para asikasuhin ang mga gamit na dala nila. Nginitian niya ang pinsan na mukhang hindi makapaniwala. Nangingiti lang sina Primo na aware naman na hindi alam ng mga taga Sagada na may anak na siya maliban sa kanilang abuela.

"Seryoso? Wala kang ikinukuwento sa'kin. Ang daya mo!"

Dumako ang tingin ni Zafrina sa entrada ng mansiyon nang makitang lumabas doon si Donya Leore. Nakagat niya ang ibabang-labi nang makita ang priceless na saya na lumarawan sa mukha ng matanda nang makita silang lahat. Si Tita Lily niya ang unang lumapit sa abuela niya.

"Mama," ani Tita Lily na mahigpit ding niyakap ang ina nito. Masayang nagkumustahan ang mga ito.

"Tara kay, Mamita," aniya kay Rain nang sila na lang ang hindi pa nakakalapit kay Donya Leore. "Lola," aniya na hindi mapigilan ang pag-uulap ng mga mata. Masaya siyang makita ito. Nagmano siya rito. Ganoon din ang ginawa ni Rain.

"Hi, Mamita," magiliw na bati rito ni Rain na lalong nagpalawak sa ngiti ng matanda. Kilala nito ang abuela dahil na rin sa picture nito na nasa silid nila.

Hinayaan niyang yumakap ito sa lola nito na kinarga pa nga ng matanda. Kaya pa naman itong buhatin ni Donya Leore pero nakaalalay pa rin si Zafrina.

"Ang laki mo na apo ko," magiliw pang pinupog ng halik ng matanda sa pisngi ang bata na ikinahagikhik ni Rain.

"'La, bakit wala ka pong nababanggit na may anak na si Ate Zaf?" reklamo pa ni Zabrielle nang lapitan sila. "Ikaw rin, Ate Zaf, wala kang nababanggit."

"Zabrielle, ngayong alam mo na ay maging masaya ka na lang," imbes ay wika ni Donya Leore na naglakad na pabalik sa loob ng mansiyon habang buhat pa rin si Rain.

"Naku, hindi na bibitiwan ni Lola Leore si Rain," palatak ni Luki na sinang-ayunan ni Primo.

"May bago ng paborito ang lola," naiiling na wika ni Zabrielle na ikinawit ang kamay sa braso ni Zafrina. "Ang guwapong bata. Bakit hindi ninyo kasama ang tatay niya?" Hindi siya sumagot kaya binalingan nito sina Jhoren at Tere. "Sino'ng tatay ni Rain?"

"Nasa Italy," ani Tere na kinindatan siya bago sila nilampasan.

"Busy sa business," sabi naman ni Jhoren na sumunod na kay Tere.

Nginitian lang niya si Zabrielle nang balingan siya. "Tara na sa loob," ani Zafrina na hinila na ang pinsang si Zabrielle.

Okay na rin na iyon ang malaman ng marami.

BAKAS na bakas sa mukha ni Donya Leore ang saya sa kaarawan nito na dinaluhan ng malalapit na kaibigan ng pamilya nila. Kung naroon lamang ang ama't ina ni Zafrina ay kumpletong-kumpleto sana sila sa araw na iyon dahil ang mga ito na lang ang kulang.

Dahil maagang nakatulog si Rain kaya iniwan na muna ito ni Zafrina sa kanyang silid habang binabantayan ng kawaksi nila na si Casmel. Ang magiging tagapag-alaga ni Rain habang nasa hacienda sila.

Nagsisimula na ang party nang magawang bumaba ni Zafrina. Halos naagaw pa niya ang atensiyon ng marami na nasa loob ng mansiyon nang bumaba siya sa grand staircase. Nakasuot siya ng white sexy gown na hakab na hakab ang kurbada sa kanyang katawan. It was a slightly revealing dress. Dahil na rin sa animo tube dress iyon na may V-line sa harapan kung saan kita ang cleavage niya. Bahagya rin niyang kinulot ang mahaba niyang buhok na hinayaan niyang nakalugay lang.

Naglagay rin siya ng makeup na lalong nagbigay ng stunning looks sa kanya. Kaya hindi kataka-taka kung animo nakakita ng pababang Diyosa ang mga taong naroon.

"Nakauwi na pala si Zafrina," naulanigan pa niyang bulungan ng ilan.

Bahagya siyang natuwa sa atensiyong natatanggap. Na-miss niya iyon. Ngunit nang makababa siya sa hagdan ay unti-unting nabura ang ngiti niya nang makita sa hindi kalayuan si Gino Ferrer na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Nagbawi siya ng tingin, bigla ay nasira ang magandang mood niya pagkakita sa mukhang iyon.

Minabuti na lang muna niyang hanapin ang kanyang abuela para muli itong batiin. Muli siyang napangiti nang makita ang abuela na masayang nakikipagkuwentuhan sa bisita nito habang katabi ang Tita Lily niya.

"Hi, Zafrina," bati pa sa kanya ni Jade Singh na hinarangan siya sa dinaraanan niya, kaklase niya ito noong college siya. "Totoo ba na nag-asawa ka na?" bakas ang kuryusidad sa mukha nito.

Nginitian niya ito. Halos hindi inaalis ni Gino ang tingin sa kanya na malapit lang din sa kanila ni Jade. Mukhang naghihintay sa kunpirmasyon niya.

"Yes. May anak na rin ako. Kaso, tulog sa itaas."

"Oh, coming from you, confirm na nga talaga. Akala ko noon ay tsismis lang. By the way, you look more gorgeous, Zafrina. Walang halong biro. Mukhang hiyang na hiyang ka sa buhay may asawa," dagdag pa nito na ikinangiti lalo ni Zafrina.

Kung alam mo lang, aniya sa isip-isip. Mas hiyang na hiyang siya sa pagiging nanay. "Thank you, Jade. Enjoy," sabi pa niya bago ito nilampasan.

"Awww. See? You're waiting for nothing, Gino," ani Steve sa kaibigang si Gino Ferrer.

"The fuck?"

"Eyes on Candy na kasi. Mukha namang in love sa iyo si Candy. Men, you're not getting any younger. See? May asawa't anak na si Zafrina. Let her go."

Imbes na sumagot ay inisang lagok ni Gino ang laman ng hawak na wine glass. Bahagyang sumilay ang munting ngiti sa sulok ng labi ni Zafrina habang naglalakad palayo. Nagulat man sa kaalamang hinihintay pa rin ni Gino ang pagbabalik niya ay hindi rin naman siya interesado. At higit sa lahat ay hindi niya kayang makipag-plastic-an dito.



__________________________

Author Notes:

Please leave a comment regarding on this Chapter to inspired me more. I'll read it all.

Thank you so much. And don't forget to VOTE.

J O N Q U I L

The Billionaire's Secret | Book 2Where stories live. Discover now