GLOWING GEMS 1: DIYOS NA SI VERANDA

Start from the beginning
                                    

Hinubog ako ng pagmamahal at pag asa na ibinibigay sa akin ng aking pamilya kaya't nasanay na ako sa ganitong mga gawain.

Ginusot naman ni lola ang aking buhok na lagi nitong ginagawa noong ako ay bata pa. "Napakabuti mong bata apo. Ganito na lang, habang ginagawa mo iyang pagsisibak hayaan mong kwentuhan kita ng isang kwento." Alok ni lola dahilan upang ako ay mapangiti.

"E lola. Baka tungkol na naman iyan sa mga zombies na mabibilis humabol sa mga tao upang ipanglaman sa kanilang mga tiyan? O 'di kaya, tungkol sa dalawang diwata na isinumpa ng tagapaglikha. Ahm...alam ko na!! Tungkol ito sa isang taong naghahangad na makalipad dahilan upang gawaran ito ng kapangyarihang iligtas ang sangkatauhan? Tama ba ako lola?" Makulit kong saad dahilan upang mapahagikhik ito ng tawa.

"Hindi iyan apo. Kakaiba ang isang ito. Ito ay tungkol sa mga sagradong bato animo mga dyamante sa pagkinang. Nilikha ito ng kataas taasang diyos sa malayong kalawakan upang maprotektahan at matugunan ang bawat pangangailangan ng kanyang mga nilikha." Ani ni lola dahilan upang ako ay mapabusangot.

"Lola naman hindi na ako bata para riyan. Baka antukin lamang ako sa pakikinig." Pagtutol ko kay lola dahilan upang kutusan ako sa ulo. "Arekuppp. Ang sakit naman nun lola." Saad ko.

"Makinig ka nga muna Gilom. Nais ko lamang ikwento ito sa iyo, hindi naman kita pinipilit na paniwalaan ang bawat kataga na aking sasambitin..." natatawang wika ni lola sabay baling ng tingin sa harapan habang ako ay napatango na lamang at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

Bumuntong hininga na muna ito bago magsalita. "Sa napakalayong kalawakan, may isang napakagandang dilag na hinahangaan ng lahat dahil sa kanyang yumi at ganda at lahat ng kalalakihan ay nahalina dahil sa kanyang taglay na wangis. Mahaba at medyo kulot ang buhok, bilugan at singkit nitong mga mata, makinis at maputi nitong balat na nakakasilaw sa tuwing matatamaan ng araw, ang mala makupa sa pula nitong mga labi ay sadyang napakasarap pagmasdan. Ang pangalan ng dilag na iyon ay si Veranda, si Veranda ay anak ng mga makapangyarihang mag asawang diyos na namumuno sa mundo nito, ang sagradong kaharian ng Arthata. Ngunit sa kabila ng napakaamo nitong mukha ay may taglay itong kapangyarihan na kayang lumikha at gunawin ang isang lupain at maging ang daigdig na maihahanay sa lakas ng kanyang mga magulang at higit pa, kaya't walang may naglakas loob na magtapat ng kanilang pag ibig sa dilag dahilan upang ito ay mag isa. Bagama't halos lahat ng mga kalalakihan sa lugar ay lubos itong iniibig.

Dahil sa pagiisa at kalungkutan nito ay napagpasyahan niyang gumawa ng kanyang sariling pahingahan na sing tulad ng paraiso kung ito ay iyong masisilayan. Doon ito ay namamahinga at nageensayo upang mapalakas ang kapangyarihan nito. Wala itong masamang intensyon sa kanyang nasasakupan dahil ang hangarin lamang nito ay maprotektahan ang sangkatauhan.

Taon ang lumipas noong humalili ito bilang reyna sa kanyang kaharian. Dito ay unti unti niyang naisasakatuparan ang kanyang mithiing protektahan at ilagay sa ayos ang lupain. Nilinis nito ang lupain, lahat ng may masasamang hangarin at gawain ay ipinatapon ito sa malayong lupain. Noong mailagay sa tahimik ang kaharian nito, dito ay nakaramdam na naman ito ng pag iisa kaya't nagisip ito ng paraan kung paano niya lilibangin ang kanyang sarili.

Nais nitong gumawa ng bagong mundo kung saan gusto niyang bigyang laya ang kanyang sarili na lumikha ng kung ano ano sa kadahilanang gusto niyang ibahagi ang kanyang kapangyarihan sa kanayng malilikha. Dito ay gumawa ito ng isang mundo o lupain na magtataglay ng kanyang lakas at kapangyarihan. Ang mundong ito ay tinawag niyang Verathra, naiiba ang mundong ito at punong puno ng hiwaga. Hindi man lang naisip ni Veranda na maaari itong pagmulan ng gusot dahil sa katimawaan at kasakiman sa kapangyarihan ang ilan sa mga nakatira rito.

Kaya't gumawa si Veranda ng isang sugo sa ngalan ni Zephyr na gawa sa putik, dahon ng sagradong puno sa paraiso ni Veranda. Binigyan buhay niya ito at ipinadala sa lupain ng Verathra upang hukuman ang sangkatauhan. Kaya't simula noon ay nagsilbing tagabantay na si Zephyr sa lupain ng Verathra. Sa paglipas ng mga panahon ay umusbong na ang iba't ibang kaharian sa Verathra upang pangalagaan ang bawat sulok nito. Ngunit sa pangamba ni Veranda na muling sakupin ng katimawaan sa kapangyarihan ang sanlibutan ay nagpasya itong gumawa ng bagay na mapapakinabangan ng sanlibutan at ibinigay niya ito sa mga namumuno sa lupain ng Verathra.

Ang mga kapangyarihang ito ay may kaugnayan sa mga elemento ng buhay ang; lupa, apoy, hangin, at tubig. Ipinamahagi niya ito sa bawat sulok ng lupain upang mapangalagaan ang bawat nasasakupan ng mga kaharian. Kaya simula noon ay nagkaroon na ng mabuting ugnayan sa pagitan nila." Kwento ni lola dahilan upang ako ay humanga.

Simula noong bata pa ako ay madalas na nagk'kwento si lola ukol sa mga bagay na mahirap paniwalaan habang ako na isang paslit at walang kamuwang muwang sa mundo ay mabilis na nagpapaniwala sa mga kwento. Naalala ko pa noon noong ako ay labing anim na taong gulang pa lamang ay ikinwento sa akin ni lola na noong nasa pitong taong gulang daw ako ay madalas daw akong may kausap sa aming bakuran, at minsan daw ay may hawak akong kahoy at iwinawasiwas ko daw ito sa ere, minsan daw ay nagk'kwento ako kay lola na isinasama daw ako ng aking kaibigan sa kanilang mundo. Ngunit ang lahat ng iyon ay hirap kong paniwalaan ngayon.

Nasa ganoong pagiisip ako nang marinig ko si lola na tumatawa dahilan upang mangunot ang aking noo. "Bakit po kayo lola tumatawa?" Takang tanong ko kay lola.

"Wala naman apo. Naalala ko lamang ang mga bagay na ikinwento mo sa akin noong ikaw ay bata pa." Natatawa pa ring saad ni lola dahilan upang manlaki ang aking mga mata.

"Lola naman. Hindi ko na po iyon maalala tsaka, posible po bang totoo ang lahat ng iyon lola?" Tanong ko kay lola.

"Hindi ko alam apo. Ngunit wala tayong ideya kung ano pa ang nakahimlay sa dako pa roon. Maaaring may katuturan at katotohanan ang mga bagay na iyon, maaari namang wala. Nakadepende iyon sa tao kung yayakapin at tatanggapin natin ang ganoong kaisipan ng iba. Hindi masama kung hahayaan natin ang ating kaisipan at pagiisip na matuklasan ang hiwaga at kulay ng mundo, hindi ito imposible dahil sa panahon ngayon ay may mga teknolohiya na tayong may kakayahang tuklasin ang mga bagay bagay na nakatago sa nakaraan. Walang masama kung iyong susubukan." Tugon ni lola sabay tayo at iniwan akong mag isa rito.

Naiwan akong malalim ang iniisip sa mga tinuran ni lola. Wala namang masama kung tatanggapin ko ang ganoong kaisipan. Kahanga hanga ang kwentong iyon na para bang dinala ako nito sa ibang mundo.

Ipinagpatuloy ko ang pagsisibak ng kahoy hanggang sa matapos akong gawin ito. Labis na pagod ang aking naramdaman kasabay nito ang biglaang pag init ng aking pakiramdam.

"Anak! Halina't tayo ay pumasok sa loob ng sa gayon ay makapagpahinga na tayong lahat." Wika ni itay sa di kalayuan sabay na iniligpit ang mga kagamitang ginamit nito sa paghahasa.

"Opo itay. Susunod na po ako." Tugon ko.

Agad ko ding iniligpit ang mga gamit na naririto at agad na akong pumasok sa loob ng bahay upang ako ay makapagpahinga dahil sa biglaang pagsama ng aking pakiramdam. Mainit na para ba akong sinisilaban na hindi ko mawari, kani kanina lamang ay maayos ang aking pakiramdam ngunit ngayon ay bigla naman itong nag iba.

Agad kong ibinagsak ang aking katawan sa aking higaan noong ako ay makapasok dito sa aking munting silid na parang lantang gulay. Tila may kung anong bagay ang umuubos sa aking lakas na hindi ko mawari. Nasa ganoong posisyon ako noong biglang maglabasan ang mga butil ng pawis sa aking balat kasabay nito ang pag usok ng aking katawan dahilan upang ako ay mabahala at mangamba.

"Ano ang nangyayari?" Bulong kong tanong habang lumulukob sa akin ang labis na takot sabay na pinagmasdan ko ang aking kamay habang patuloy pa rin ito sa pag usok.

Dito ay bigla na lamang nag ibayo ang init sa aking pakiramdam dahilan upang mas masilayan ko pa ang usok na lumulukob sa aking sarili tila isang makapal na hamog sa kapal nito na bumabalot sa aking silid. Wari sinakop ako ng apoy at biglang binuhusan ng malamig na tubig dahilan upang umusok ang aking sarili.

Dito ay bigla na lamang nanghina ang aking katawan at wala ng lakas pang kumilos kasabay nito ang pamimigat ng aking mata hudyat na ako ay napapagod na't dinadalaw ng panghihina. Nanlalabo ang aking paningin habang nanghihina ang aking katawan, naibukas ko pa ng bahagya ang aking mata at dito ay nasilayan ko ang paghupa ng usok sa aking katawan kasabay nito ang pagkawala ng aking ulirat. Wala na akong naalala pa.

To be Continued...

Glowing Gems Where stories live. Discover now