Chapter 7

144 7 4
                                    


"OHHH."

"Wow! Look at that!"

"You're so pretty, bunso."

Salitan na sabi ng dalawa niyang hipag na sina Eden at Ryza. Habang hindi inaalis ang mga mata sa kaniya. Kitang-kita sa mata ng mga ito ang labis na paghanga sa kaniya.

"See? Tamang-tama lamang ang hapit sa katawan mo. You look so beautiful!" Ang hipag na si Eden iyon.

"And sexy too!" Segunda naman ng isa pa niyang hipag na si Ryza.

"Really?" Walang gana niyang sagot sa dalawa. Pinagmasdan niya ang sariling repleksiyon sa salamin. "Ang pangit ng gown. Kasing pangit ninyong dalawa."

Hinampas siya ng isa sa kaniyang braso. "Huwag mo kaming pagdiskitahan."

She rolled her eyes. Nakakainis naman kasi!

Paanoy ang piniling design ng mga ito para sa wedding gown niya ay strapless!

Yes, strapless!!!!

Maganda naman ang gown. Maganda ang pagkakatahi, ang tela, at ang hapit sa katawan niya. Tamang-tama lang na para bang ginawa talaga iyon para sa kaniya.

Ang hindi lamang niya nagustuhan ay ang pagka-sexy sa yari ng kaniyang wedding gown!

Bukod sa strapless na iyon, ay mababa pa ng husto ang neckline ng gown kaya naman nakalabas ng husto ang cleavage niya!! Kulang na lang ay malaglag iyon!

Ahhggg!!! Damn this gown!

This gown is too girly!! And too sexy!! Just like her two hipag here!

Not really her style!!

At ang pinaka nakakainis pa sa lahat ay pinalabas ng soot niyang gown ang pinakatatago niyang tattoo sa dibdib at likuran!!

"Bakit kasi ito ang pinili ninyong style ng gown?" Magkasalubong parin ang mga kilay na tanong niya sa dalawa.

Sabay umiling ang dalawa. "Hindi kami ang pumili niyan."

"Then sinong sira ulo ang pumili nito?" Inis niyang tanong sa dalawa.

"Yung future husband mo." Si Eden iyon.

"Tristan?!" Literal na nagulat siya sa sagot nito.

"Yes. This gown was delivered to us yesterday."

Tristan? Talagang nananadya ang unggoy na iyon!

She didn't see this coming.

"Whatever! Dapat sinabi ninyo sa akin."

"Well, wala ng time kahapon. Rush kasi itong wedding ninyo kasi nagmamadali kang 'maisakal' kay Tristan."

"Bakit ka nga ba kasi nagmamadali bunso?" Si Eden iyon.

Nang hindi siya sumagot ay nagkatinginan ang mga ito at sabay na lumingon sa kaniya saka makahulugan na ngumiti.

"So, tatlo lang naman tayo dito bunso. Umamin ka nga sa amin." Si Ryza iyon.

"What?" Maang na tanong niya sa dalawa.

"May nangyari na ba sa inyo ni Tristan?"

"Buntis ka na ba ha?"

"Masarap bunso?"

Oh God gracious!!

"Shut up you two! I'm not pregnant. Walang sex na nangyari at hindi ko rin alam kung masarap." Inis na sagot niya sa mga ito.

Kiss of a Stranger (Stranger Series 4)Where stories live. Discover now