Chapter 1

404 9 5
                                    


"H-Hi." Kinakabahan nyang bati dito.

Lumapad ang ngiti ng kaharap. "Hi, Pierre." Lumapit ito sa kanya at kinintalan siya ng mabilis na halik sa kanyang pisngi.

Napapiksi siya. Kay bango ng amoy nito. Nakakaakit naman...

Calm yourself, Pierre. Paalala niya sa sarili.

"You look beautiful." Nakangiti nyang puri dito.

Muli itong ngumiti. "Thank you," bumaba ang tingin nito sa hawak nyang mga bulaklak. "Is that mine?"

"Oh, yes." Iniabot nya dito ang hawak na pumpon ng mga bulaklak. "Here."

"Thanks." Nagbigay ito ng daan para sa kanya, "come inside." Nakangiti parin nitong sabi.

Nauna na itong naglakad papasok sa loob ng bahay nito kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na mapagmasdan ang magandang hubog ng katawan nito mula sa likuran.

Wow... What a nice booty...

"Please have a seat." iminustra nito ang upuan.

Sinunod niya ito at naupo siya sa kaharap na upuan. Sa totoo lang ay kinakabahan siya ngayon na hindi niya maintindihan. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na pumunta siya sa bahay nito upang umakyat ng ligaw. Sana lang ay maging maganda ang kahinatnan ng gabing ito...

Lumipat ito ng upuan, sa tabihan niya. "So, why are you here?" Nang-aakit ang mga ngiti nito.

Is she flirting with him? Already? 

"Didn't I tell you, I'm going to court you?" Nakangiti niya ring sabi dito.

Bahagya itong nagulat. "Oh, I thought that was just a joke."

"I'm deadly serious about it." Tiningnan niya ito sa mga mata. Pakiramdam niya ay may kung anong naglalaro sa isip nito.

Umisod ito palapit sa kanya at walang sabi-sabi na kinintalan siya nito ng mabilis na halik sa kanyang mga labi.

Wow! Kay tamis ng mga labi nito. Or, was it just the lipstick? Ano kayang brand ang gamit nito?

"You're spacing out, Pierre. Are you thinking about another woman?" Naghihinanakit na sabi nito.

"No, of course not." Siyempre, hindi naman niya pedeng sabihin dito na ang brand ng lipstick nito ang iniisp niya. "I'm just... surprised." Tukoy niya sa ginawa nitong paghalik sa kanya.

"Don't be surprised. If you're going to court me, then..." pinadaan nito ang isang daliri sa pisngi niya, pababa sa kanyang leeg. "You better prepare yourself to do something wild... to me." 

Parang nanunukso na kinagat pa nito ang ibabang labi... Lumapit pa ito sa kanya at ngayon ay halos gasinulid na lamang ang pagitan ng mukha nilang dalawa.

Woah! Hindi nya alam na ganito pala ito ka-wild katulad ng nababalitaan niya. But this is interesting though...

"I get it, Eliese. But I want to take it slow as much as possible." Sabi niya ng nakatingin dito.

Naningkit ang mga mata nito, at gumuhit ang kakaibang ngiti sa mga labi. "I want it fast, Pierre. I told you, I want you to do something wild to me."

Hinawakan nito ang kwelyo ng soot niyang polo saka siya nito siniil ng halik sa kanyang mga labi!

Kay lambot ng mga labi nito at kay bango rin ng hininga nito... but this is not something they can do on their first night together...

He is also enjoying this kiss, as much as Eliese. But something is bothering him. Hindi naman ito ang ipinunta niya dito, kaya naman hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at marahan na itinulak palayo sa kanya. Maybe, this is just a test?

Kiss of a Stranger (Stranger Series 4)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin