Chapter 4

193 8 24
                                    


PINATAY niya ang makina ng dala niyang sasakyan na Honda CB one thousand, model. Saka niya hinubad  ang soot na mamahalin ring helmet at ipinuwesto iyon sa ibabaw ng motor niya.

Kinuha niya ang nakasabit na itim na cap sa side mirror at isinuot iyon. Nang masiguro na maayos na ang kalagayan ng motor niya, ay saka siya dumiretso sa elevator na nandoon rin sa parking area.

Nandoon siya ngayon sa building kung saan naroon ang pakay niya. Ang kanyang fiancee na hilaw na si Tristan Felix Madrigal.

Ayon sa kuya Pablo niya ay nandoon ang lalaki sa Maynila at doon ito pupunta sa pag-aari nitong building ngayong araw. Kaya naman sinigurado niya na maaga siyang makakapunta dito at maabutan niya ito.

Doon siya dumiretso sa elevator na may nakalagay na 'VIP' sa pintuan. Siyempre mga importanteng tao lang ang pu-pwedeng gumamit ng naturang elevator, at isa na siya doon.

Napakunot ang noo niya ng makita na mayroon lamang dalawang pindutan na pagpipilian doon sa loob ng naturang elevator.

Hindi ba dapat ay may mga floor numbers? Ano 'to? Ang isa ay sa langit, at ang isa ay sa lupa?Napatawa siya sa sariling naisip.

Dahil hindi niya alam kung para saan ang mga iyon, pinili na lamang niyang pindutin ang unang bilog.

Sa langit tayo dapat.

Napapitlag siya ng biglang umilaw at magsalita ang hugis parihaba na screen na nasa itaas ng dalawang buton. Humihingi ito sa kanya ng access card.

"Please scan your access card." Paulit-ulit nitong sabi.

"Wow. So, this is a matrix elevator-based access control." Humahanga niyang sabi. Sa totoo lang ay sa movie pa lamang siya nakakakita ng ganito.

Akalain mong mayroon na pala dito sa Pinas? Billionaire's building indeed.

With his money, she can buy anything she wants! Business, a lot of money, and freedom, at last! Yes! Napangiti siya sa sariling naisip.

Nagulat siya ng bigla ulit magsalita ang kaharap na screen.

"Access Override."

Pagkatapos ay kusa nang gumalaw ang elevator pataas. Kung saan ang punta nito, ay hindi niya alam. Wala rin namang nakalagay sa screen kung saan siya patungo.

Who the heck invented this elevator? Ma-sampal nga ng isa.

Ganoon pa man at hindi niya maiwasan na hindi mamangha sa tanawin na nakikita niya ngayong umangat na ang elevator mula sa parking area.

Noon lamang niya napansin na gawa pala sa stainless steel ang elevator. At ang isang pader nito na nakaharap sa magandang tanawin ay gawa sa makapal na salamin. Kaya naman mula sa kanyang kinatatayuan ay natatanaw niya doon ang magandang sikat ng araw at ang asul na tubig dagat ng Manila Bay.

The elevator was like a small cabin. Bagay na sa mga movies at bilang na high class lang na hotel niya nakikita. This Tristan boy must be a crazy billionare, dahil hindi biro ang halaga ng ganito kaganda at ka eleganteng elevator.

Sa wakas ay tumigil na ang elevator at kusang bumukas ang pintuan nito.

Tumambad sa kanya sa labas ang isang nakangiting babae na sa tantya niya ay halos kaedaran lamang niya.

"Hi." Nakangiti nitong bati sa kanya.

Ngumiti rin siya dito. "Hello." Napatingin siya sa may umbok nitong tiyan. Napawi ang ngiti niya sa mga labi. "You're pregnant." Which means, hindi niya ito pu-pwedeng landiin. Sayang, maganda pa man din ito.

Kiss of a Stranger (Stranger Series 4)Место, где живут истории. Откройте их для себя