Chapter 10

133 3 0
                                    


"KUYA PABLO!!"

"I can hear you child. No need to shout." Sabi nito sa kabilang linya.

"Why are you calling me? Nasa honeymoon ka 'diba?"

Honeymoon my foot!

"You know why." Determinado niyang sabi dito.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "All right."

"So, now what?"

Bago pa siya ikasal ay nalaman na niya mula sa kuya Pablo niya na makukuha niya ang trust fund na iniwan sa kaniya ng namayapang ina, oras na maikasal siya kay Tristan. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit siya pumayag na magpakasal sa huli.

Ayon dito ay nagkakahalaga ng mahigit isang daang milyong piso ang makukuha niyang pera sa trust fund, kasama na ang pamana sa kaniya ng kanilang ina.

"When can I get my money?" Desidido niyang tanong dito.

"Bunso, kaka-kasal niyo pa lang dalawa. Ni hindi pa nga nagagawa ang marriage certificate ninyo. And it takes time to be registered."

"Ganoon ba 'yon? Okay. So ibig sabihin ay matagal pa?"

"Yes, bunso. Six months to be exact. And one more thing."

"What?"

"Mag-pabuntis kana kay Tristan." Baliwalang sabi nito.

"Wait, what?!!" Parang tumalsik pa ata ang laway niya sa pagsigaw.

"Sabi ko, magpabuntis ka na kay Tristan."

Nagsalubong ang mga kilay niya na akala mo ay nasa harapan niya lang ang kausap. "Goal ko sadya iyan. But why are you asking me na magpabuntis kay Tristan?"

"It's because, you two are already married."

"Kuya." Malakas ang kutob niya na may kinalaman ang sinabi nito sa kukuhanin niyang trust fund.

"Yeah, it's in the last will. Kailangan mo muna mabuntis or magkaanak bago mo makuha ang trust fund ni mama."

She heaves a sigh. Kailangan niya pa palang umiri bago makuha ang trust fund niya?

"Okay. Madali lang 'yan." Determinadong sabi niya dito.

"Good luck, bunso."

"Was that a threat?"

He chuckled on the other line. "Nope. Love you. Bye."

"Ok. Bye."

Kanina pa niyang naibaba ang telepono, ngunit tulala parin siya sa kawalan.

Kung ganoong matatagalan pa bago niya makuha ang kaniyang trust fund, ay magkakaroon siya ng malaking problema dahil kailangan na niya ngayon ng pera. She made a promise, and she can't break it.

Isa lang ang solusyon sa problema niya ngayon. Iyon ay ang pilitin ang asawa niya na umpisahan na ang pakikipagpulot-gata sa kaniya para mabuntis na siya nito.

But damn.. how??

--------------------------------------

Lumabas siya noon sa okupadong silid para sana humanap ng makakain sa kusina ng makita niya na nagbabasa si Tristan ng libro sa bay window ng malamansiyon na bahay nito. Lumapit siya dito.

"Tristan."

"Hmmm?"  nag-angat ito ng mukha at sinulyapan siya.

Ayan na, nasa kaniya na ngayon ang atensiyon nito. Ngumiti siya dito. "Tara."

Kiss of a Stranger (Stranger Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon