Chapter 7

11 1 0
                                    

Ang isang babaeng nakatayo rito! Shit!


Napaatras na lang ako at kinakapa ang cellphone ko na nasa aking side table. Where is my phone?


Atras lang ako nang atras pero hindi man lang gumagalaw ang babaeng ito. Itim lamang ang nakikita ko ngunit sigurado pa rin akong babae ito dahil sa haba ng buhok.



"Wag kang lumapit." Sambit ko. Nakapa ko na ang phone ngunit bago ko pa man ma-on ang flashlight ay nakita ko itong lumayo sa akin.



Bigla na lang lumiwanag. Nang tingnan ko kung sino ang nag-on sa ilaw ay laking gulat ko nang si Kriana pala. I thought she went home?


Kinabahan ako 'dun ah.




But what if, hindi ito si Kriana. What if, it's just a doppelganger? No way!



Sisigaw na sana ako nang senyasan niya ako na manahimik. Lumapit siya sa akin at umupo sa kama ko pero dahil hindi ako sigurado kung siya ba ito ay kusa akong lumayo.




"Dumaan ako sa new building. They're someone digging there." Wika nito na siyang mas kinakaba ko. Paano kung doon niya ililibing si Lilou?




Agad akong tumayo sa pag-kaka-upo at tumayo, hinila ko si Kri pero hindi ito nagpahila.



"You want justice for you twin sister, right? Tara, alamin natin." Sambit ko, mukhang napapayag ko naman siya. Nagsuot muna kami ng jacket at lumabas sa dorm ng mga babae ng walang ingay na ginagawa.






"Are you sure of what you saw?" Mahinang tanong ko. May curfew dito sa school kaya siguradong kapag nahuli kami ay ipapatawag kami.



"Of course!"




"Sinilip mo?" Umiling siya, sinenyasan niya lang ako na tumahimik at hinila sa may gilid.



"Look." Turo niya sa taong may dalang....... kabaong? Shomai! What the hell!





Hindi ko maaninag kung babae ba ito o lalaki pero sa tindig at porma nito ay masisigurado kong isa itong lalaki.





"Si Lilou! Baka ililibing nila si Lilou!" Bulong ko sa kanya pero muli na naman siyang umiling.



"No, sigurado akong hindi ito ang kaklase mo. Hindi pinag-usapan ang mga nangyayaring pagkawala ng mga studyante rito. Kagaya lamang sa nangyari sa sinasabi mong Lilou. May nawala kagabi, isang lalaki..." May nawala na naman? "And I think, ito ang ililibing nila." Patuloy niyang sabi. Ano bang ginagawa ng mag hayop na 'to? Ginagawa ba nilang sementeryo ang paaralang ito?!



Sementeryo! Yeah. There's something. Paano kung...



Paano kung unti-unti niya-nila itong ginagawang sementeryo ang paaralan namin?




Sinundan lang namin ng tingin ang lalaking iyon. Patungo siya sa likod ng new building. Napapansin kong sa bagong tayo na building ang kadalasang may kabablaghan. Ano bang meron sa mga bagong tayo na building!? May kakaiba talaga, e. Sigurado ako 'dun.




Ano ang nasa likod ng mga bagong tayo na mga gusali dito sa paaralan? Konektado ba ito?




"Tara, sundan natin." Sabi ko. Tumango naman siya kaya hinawakan ko ang kamay niya na sobra na sa lamig.




Maingat naming sinundan ang lalaking ito, and i was right! At the back of the new building.



Sinilip namin ang ginawa ng lalaki. Ganun na lamang ang gulat namin nang... nang tadtadin nito ang isang katawan. What the fuck! Nakikita pa namin ang kahayupang ginawa niya sa isang bangkay dahil sa liwanag ng buwan pero ang mukha nito ay hindi ko maaninag.


Chinopchop niya ito! Isa siyang demonyo!


Matapos niya itong tadtadin ay inilagay niya ito sa isang plastic bag at inilagay sa kabaong. Baliw siya. Bigla itong tumayo at may kinuha sa bandang gilid.


Isa pang....










Isa pang tao na mukhang wala ng buhay.





Inilagay niya ito sa lugar kung saan niya tinadtad ang isang bangkay kanina. Mukhang chopchopin niya rin ito.


Wala man lang kaming magawa!



Tumayo ako at hinila si Kriana dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko at isa pa pinapanuod lang namin ito at wala man lang magawa.



"Ano ba Chai! We should know who he is." Galit niyang sabi nang makalayo kami roon.





"Are you crazy? Paano kung mahuli niya tayo?" My heart was still pounding and I'm still sweating in fear.




"Then mahuli. Para mapatay ko ang hayop na iyon." Nanggigil na sabi nito.


"Let's go! Bumalik na tayo." Hinila ko siya pero huli na nang tumakbo ito pabalik sa kung saan ang lalaking may ginagawang kahayupan.



"Kria-!" Sisigaw sana ako ngunit naputol ito nang may sumakal sa akin.



What the hell!



Patay!




"Pake-alamera talaga kayo, noh?" Nakakatakot ang boses niya. Para talaga itong demonyo. No way!


"Hmm-uhmm..." Pilit akong nagsasalita pero mas lalo lang nitong hinihigpitan ang pagkakasakal sa akin.

"Mamatay ka na!"


Ito na nga yata ang katapusan ko.



Pero isa lang ang sigurado ako, pamilyar ang amoy niya kahit medyo malansa siya.


Bago pa man ako mawalan ng malay ay sigurado akong nakita ko si Kriana.


Nakangising nakatingin sa akin.

Escuela De Cementerio [On-Going]Where stories live. Discover now