Chapter 2

28 5 1
                                    

Chapter 2.

"Ma, pwede naman akong umuwi lang dito. Ayos lang naman medyo malapit lang din naman ang school 'e tsaka noon nga umuuwi ako rito." Saad ko. Gusto ni mama na mag dorm lang ako 'dun. Ang sabi ni mama ginawa raw na boarding school ang paaralan namin. Marami raw kasing magulang ang nag request na gawing boarding school na lang dahil may mga studyanteng umuwi pa sa probinsya nila.
Kagaya ko taga probinsya rin naman ako pero mas malayo pa rin ang paaralang nilipatan ko.

"Oo, mas maganda 'yon anak. Iwas gastos din." Aniya. Siguro nga, iwas gastos na rin. Hindi naman kasi kami mayaman kaya nagtitipid din. "Ihahatid na kita, na-enrol na rin naman kita 'dun wala ng problema."
Kahapon lang kami nakarating - naka-uwi. Bukas na raw ang simula ng klase kaya kailangan ko ng pumunta sa Candalla Academy. It's a private school, kaya rin daw naman nila mama ang gastos kaya sa private school nila ako pina-aral.

Hindi ko inakalang maraming nagbago sa paaralan. Marami ng bagong tayong building. Kita rin dito ang mga matatayog na dorm sa likod ng paaralan.

"Chaira? Omg! Ikaw nga!" Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko na siya matandaan.

"Kilala mo ako?" Tanong ko dito. Halata naman kilala niya ako- kilala ako ng lahat dahil sa eskandalong ginawa ko rito dati.

"Of course! Hindi mo na ako natatandaan?" She asked, i just nod. She shrugged at lumapit sa akin.

"Akira?" Sambit nito. Akira? Natatandaan ko na siya, kagrupo ko dati sa isang project. The project that we made here and that night was a nightmare.

"Uh... I remember." I smiled, thrifty.

"Pero dapat hindi ka na bumalik dito..." Saad niya na ikinakunot ng noo ko. What does she mean? "Hindi ko alam kung maniniwala ka ba pero everything has change Chaira." Malungkot niyang sabi. "Marami ng nawalang studyante at kahit anong pilit naming balewalain iyon ay hindi namin kaya. Hindi pa man naitatayo ang mga dorm sa loob ng school ay marami ng nawawala. At gusto ko man maniwala sa sinabi mo noon pero may bumabagabag sa akin. It's not like, i don't trust you but what you said before was really impossible."

Ngumiti lang ako sa kaniya ng pilit. Hindi ko na pinipilit sila na paniwalaan iyon at wala rin akong balak na banggitin pa ang pangyayaring iyon.

"Lahat ng mga ka-dormate ng nawawalang studyante ay may napansin. Huwebes, iyan ang kadalasang araw na may nawawala. They're trying to call those students pero nagriring lang ito at wala man lang sumasagot. Not until 12 midnight and 3 am , hindi na ito nagriring ngunit sa mga oras lang na iyan. pagkatapos ng mga oras na iyan ay muli na naman itong nagriring pero wala pa ring sumasagot. And that was the weirdest thing we knew." Kinilabutan ako nang sabihin niya iyon. Does that mean na may kakaibang nangyayari rito?

"Sige na, malalaman mo rin ang lahat pero dapat hindi ka na talaga bumalik... Baka... Baka pagsisihan mo lang." Tinapik lang niya ang balikat ko tsaka ako nilagpasan. Maraming tanong ang nasa utak ko ngayon, napakadami. Isang studyante pa lang ang nakaka-usap ko. Paano pa kaya kung marami na?

The dorm isn't that big. Sakto lang. Dalawang kama, may mesa, at cr. Parang boarding house ko lang dati pero iba ngayon dahil may kasama ako.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan habang nilalagay ko ang gamit ko sa aparador.

Ngunit nang makapasok ito ay para bang wala man lang siyang nakitang tao. Deri-deritso lang siya sa kama niya. Hindi man lang ba niya ako napansin?

"Chaira... Chaira Fontanilla." Nilahad ko ang kamay ko sa kaniya pero tiningnan niya lang ito. Tiningnan niya rin ang mukha ko ngunit iba ang tingin niya, para bang binabasa at inaalam bawat parte ng mukha ko.

Hindi siya nagsalita, hindi man lang nagpakilala. Sa halip ay nagtungo ito sa banyo. Kung weird ako, mas weird siya.

Natapos ko nang ipasok lahat ng gamit ko sa aparador kaya naman sunod kong inayos ang kama ko. Ramdam kong may nakatingin sa akin. Binalewala ko lang dahil baka iyong babaeng kasama ko lang dito sa kwarto.

Lumipas ang mga minuto at ramdam ko pa rin na may nakatingin sa akin. Nilingon ko ang kama niya ngunit wala naman siya roon. Weird.

Natapos ko na lahat ng pag-aayos ngunit hindi ko pa namamalayang lumabas na ang babaeng iyon sa banyo. Ilang minuto na ba siyang nasa loob?

Narinig ko na naman ang pagbukas ng pintuan agad kong nilingon ang pintuan ng banyo ngunit hindi ang pintuan ng banyo ang bumukas kundi ang pintuan ng dorm. Nangunot ang noo ko iniluwa nito ang babaeng pumasok sa banyo. Hindi kaya't kanina lang siya nakalabas sa banyo at hindi ko lang napansin?

"You're Chaira?" Mas lalong nangunot ang noo ko sa tanong niya. Walang ka-emosyon-emosyon ang kaniyang boses pero hindi iyon ang ikananuot ng noo ko. Ang ikinalilito ko ay ang tanong niya. Nagpakilala na ako sa kaniya kanina.

"Oo, kanina ka pa ba lumabas ng banyo?" Nakita ko kung paano unti-unting nangunot ang noo niya ngunit kaagad din naman itong nawala.

"Galing... Galing akong library, ngayon lang ako." Anong ibig niyang sabihin? Nakita ko lang siya kanina. Pumasok pa nga siya sa cr, e. Don't tell me na totoo ang mga nababasa ko sa mga kwento. Doppelgangers? It's an apparition. But no! It's impossible!

Hindi ko na lang siya tinatanong dahil natatakot ako sa maaring lumabas sa bibig niya. Hindi ko na rin siya natanong sa pangalan niya dahil naguguluhan pa rin ako. She's really weird. Ngunit mas weird nga lang ang babaeng nakita ko kanina.

Pupunta sana ako sa C.R nang marinig ko ang ibinulong niya.

"Chaira, ang pangalawang babaeng tumuklas sa lihim niya."

Ano ang ibig niyang sabihin?

Pangalawang babaeng tumuklas sa lihim niya?

Sinong niya? Sino ang ibig niyang sabihin?



Escuela De Cementerio [On-Going]Där berättelser lever. Upptäck nu