Chapter 3

14 3 3
                                    

Chapter 3.

Hanggang ngayon marami pa ring tanong sa isip ko. Nakatingin lang ako sa kisame ng dorm. Does she know something? Sa tingin ko may alam talaga siya.







"Hindi mo pa ako nakikilala. Kriana... Kriana Eltagonde." Pagpapakilala niya tsaka nilahad ang kamay niya, tinanggap ko naman ito at nakipagkamay sa kaniya.




"Chaira Fontanilla." Wika ko at ngumiti ng matamis sa kaniya ngunit hindi man lang niya ito sinuklian. Ngayon lang kami nagkausap dahil kahapon wala ako sa huwisyo para makipag-usap. Gusto ko man siyang tanungin sa sinabi niya kahapon pero walang lumalabas na tanong sa bibig ko. Para bang natutop ang bibig ko dahil hindi man lang maitanong sa kaniya ang gusto ko.




Hindi siya nagsasalita, napakatahimik niya. Para bang mahihiya ka na lang mag-ingay kapag siya ang kasama mo. Hindi naman ako maingay na tao kaya ayos lang sa akin. Nagluto na ako ng agahan dahil maaga pa ang pasok, marunong naman akong magluto dahil nakasanayan ko na ito. Butane lang gamit namin kaya hindi na ako mahihirapan pa.



"Manatili kang kalmado kapag may nakita kang kakaiba. Huwag kang mag-panic o kalabanin ito. Nakadepende pa rin naman sa iyo ang mga bagay-bagay." Wika nito sa likod ko. Hindi ko man naintindihan ang sinabi niya ay tumango lang ako kahit hindi ako nakatingin sa kaniya. Hindi ko maiwasang hindi mag-isip sa sinabi niya. Kakaiba? Ano ba ang ibig sabihin niya sa mga salitang lumalabas sa bibig niya? Para bang lahat ng salitang lumalabas sa bibig niya ay may kahulugan.




"Huwag kang magtiwala sa kung sino man, pati sa akin. Mismo ako ay hindi nagtitiwala sa iyo." Sa pagkakataong ito ay hinarap ko na siya. May trust issue ba siya?

"Ano ang ibig mong sabihin?" Hindi niya ako tiningnan, hinigop niya na lang ang kapeng iniinom niya.




"Matutuklasan mo rin ang lahat. Pero sa ngayon ayoko munang magsalita ng kung ano-ano." Hindi niya sinagot ang tanong ko, lumihis lang siya sa pinang-usapan namin. Napaka-werdo niya. Hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy lang ang pagluluto.



Bawat oras ramdam ko na may nakamasid talaga sa akin. Kahit sa mga oras na wala dito si Kriana at may pinuntahan, palagi ko iyon nararamdaman. Pero binalewala ko lang dahil wala naman akong pake kung ano iyon. Kung multo edi multo.


Sabay kaming kumain ni Kriana peri ni-isa sa amin ay hindi nagsalita at naka-focus lang sa pagkain.



"Mauna na ako Chaira." Paalam ni Kriana tsaka tinungo ang pintuan.



"Siguraduhin mong ilock ang pinto bago ka umalis." Wika niya at tuluyan na ngang umalis. Naka-uniporme na ako, kailangan ko na lang na magtooth-brush para makapasok na.



Pagkatapos kong magtooth-brush ay agad kong ipinasok lahat ng gamit ko sa bag para umalis na. Sinigurado ko muna na nailock ko ang pinto bago ako umalis, may spare key naman kaming dalawa.



Ganun pa rin, kagaya ng dati. Naglalakad sa pathway habang may mga studyanteng nakatingin at sinusuri ang mukha mo. Sanay na ako sa ganiyan kaya hindi na ako nahihiya. Hindi ako kagandahan pero alam ko sa sarili kong wala silang masasabi tungkol sa pagkatao o sa mukha ko maliban na lang sa iskandalong ginawa ko noon.


"Chaira!" Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin, si Avis dating kaklase ko.


"Avis?" Sambit ko nang makalapit siya.


"Sabay na tayo, magkaklase pa rin naman tayo, e." Wika niya at ipilulupot ang kaniyang kamay sa braso ko. Hilig niya talaga 'yan noon pa man.

"Kumusta ka na?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Ayos lang." Malumanay kong tugon. Gaya ng sabi ko hindi ako maingay na tao at hindi rin ako makulit. Kahit kailan hindi ako naging makulit kahit sa pamilya ko.



"Ang tagal mo ring nawala, ah." Hindi ko siya sinagot kaya naman tumahimik na lang siya.



Malapit na magkaibigan kami ni Avis pero ngayon mukhang hindi na. Kagaya ng sinabi niya ang tagal ko ring nawala. Maraming nagbago at maraming nangyari.



"Alam mo, kung ang nangyari dati ang dahilan kung bakit halos hindi ka na nagsasalita, kalimutan mo na iyon. Wala namang naniwala tsaka mabuting wag mo nang isipin dahil hindi na rin naman iniisip 'yon ng mga studyante dito. Just gorget it, Chaira. Tsaka mukhang wala namang koneksyon iyon sa nangyayari dito sa paaralan" Ngumiti pa ito sa akin kaya naman sinuklian ko rin ang ngiti niya.



"Thank you, but it's hard to forget Avis." Sambit ko. Hinagod niya lang ang likod ko at hanggang sa nakarating kami sa room namin.




Magkahiwalay kami ng upuan kaya naman hindi na kami nagkausap.


Nandito na rin si Sir kaya naman nagsitayuan kami at bumati, tumango lang sa amin ang guro kaya umupo na kami.

Discuss lang siya ng topic pero lutang ako. Marami akong iniisip, isa na 'dun ang pagkatao ni Kriana at ang mga sinasabi niya. Alam kong may kakaiba sa kaniya at hindi iyon maipagkakaila. Yung mga salitang lumalabas sa bibig niya ay parang napakalalim at kailangan ko pang maghukay para lamang malaman kung ano ang nilalaman ng mga salitang iyon. Pero isa lang ang naintindihan ko sa sinabi niya. Ang huwag magtiwala sa kahit sino.

Nagsitayuan na ang mga kaklase ko nang matapos at
lumabas na ang si sir.


"Buti naman at hindi siya lumagpas sa oras niya. Haha!" Narinig kong sabi ng katabi ko, nagtawanan lang ang mga kaklase kong nakarinig sa sinabi niya.

Lumingon-lingon ako sa bawat sulok ng silid nang may naramdaman ako kakaiba.

Bigla na lang akong nanlamig at nabitawan ang mga librong hawak ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Isa sa mga kaklase ko ang walang ulo. Literal na wala talagang ulo. Hindi ko alam ang gagawin ko, matataranta ba ako, sasabihin sa mga kaklase ko o pabayaan na lamang. Nang lingonin ko ulit ito ay meron... meron na ulit siyang ulo. Hindi kaya namalikmata lang ako?

"Chai, libro mo." Narinig kong sabi ni Avis at ibinigay sa akin ang librong nabitawan ko. "Ayos ka lang? Namumutla ka ah?" Umiling lang ako at muling tiningnan ang kaklase kong nakita na walang ulo.


"Kilala mo siya?" Tanong ko kay Avis at tinuro ang babaeng ngayon ay sinusuklayan ang buhok niya.

"Si Lilou." Sagot niya, tumango lang ako at isiniwalang bahala ang nakita ko. Namamalikmata lang siguro ako. Tama iyon 'yon.

Marami na akong nabasa ganiyan sa mga librong binabasa ko. Pero sa tingin ko guni-guni ko lamang iyon dahil sa dinami-dami ng iniisip ko.

Pero paano kung totoo ang nakita ko at hindi iyon guni-guni lamang?


Paano kung hindi ako namamalikmata?

Ano ang mangyayari sa kaniya? Kay Lilou?

Paano kung mangyari sa kaniya ang mga nababasa ko sa mga kwento?

Escuela De Cementerio [On-Going]Where stories live. Discover now