"I would never hurt her, you know that." Wika niya ng may kumpyansa.



Hindi siya pinansin ni Klaus at tumingin sa akin ng nangungusap ang mga mata.



"De Leon, I will never hurt my sister." Ani kuya Rem.



Naguguluhang tumingin sa akin si Klaus, ang kanyang mata ay punong-puno ng pagmamakaawa na lumapit ako sa kanya.



"K-Klaus..." Wika ko.



"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Klaus sa kanya.



Bago pa sumagot si kuya Rem ay inunahan ko na siya, "Hindi ako yung Amber na kilala mo." Mabilis na tugon ko.



Saglit siyang natahimik bago mapaklang natawa, "Amber, stop joking around. You're not fully recovered." Aniya.



"Why don't you accept it? The Amber you married before was dead, she killed herself because she can't take the feeling of being guilty. She's the reason why Christine suffered before, kung noon pa lang ay tinulungan na niya si Christine at kinumbinsi niya ang pamilya niya na bumalik sa lumang building noon, sana kahit paano ay hindi sobra yung hirap na pinagdaanan ni Christine." Paliwanag ni kuya Rem.



Nakita ko kung paano humigpit ang hawak ni Klaus sa baril na nasa kanyang kamay.



"Amber killed herself because she felt guilty, and her family made everyone believed that she was the one who suffered and got raped before. My sister, she was the one who experienced that hell!" Hinawakan ni kuya Rem ang aking kamay.



"Do you know how I felt before? I saw it in my own eyes! Wala silang pakialam sa kapatid ko, ni-hindi nila inisip kung gaanong impyerno ang dinanas ni Christine noon!" Hinawakan ko si kuya Rem upang pakalmahin siya.



Nakita ko kung paano magbago ang ekspresyon ni Klaus pagkatapos marinig ang sinabi ni kuya Rem.



"Kapatid ko na lang ang mayroon ako, pero trinato siyang parang basura noon ng pamilya ng asawa mo! Alam mo ba kung gaano 'ko kagustong patayin sila isa-isa? Alam mo ba kung gaano ko kagustong pahirapan lahat ng nagpahirap sa kanya noon? Ginusto kong isumbong, pero walang nakinig! Dahil ano? Dahil maimpluwensya ang mga Valerico at malalaman ng lahat ang impyernong buhay na binigay nila kay Christine?" Umakmang hahakbang si kuya Rem palapit kay Klaus ngunit pinigilan ko siya.



"K-Kuya, please... T-Tama na." Pakiusap ko.



Mabibigat ang paghinga niya nang lumingon sa akin, sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri at lumingon muli kay Klaus.



"Tandaan mo 'to, para sa kapatid ko. Gagawin ko ang lahat para mabigyan ng hustisya ang buhay na dinanas niya noon. Wala akong pakialam sa matatapakan ko, hangga't hindi nakukulong ang mga nagpahirap sa kanya noon, hindi ako titigil." Hinawakan ni kuya Rem ang pulsuhan ko at hinaltak ako.



Lumingon pa ako kay Klaus ngunit ang kanyang mata ay punong-puno ng lungkot habang nakatingin sa papalayong bulto namin.



Gustong-gusto kong tumigil at salubungin siya ng mahigpit na yakap ngunit alam kong mas kailangan ko ng hustisya.



Mas kailangan ko ng bagay na nakakapagpagaan ng loob ko. Yung bagay na makakapagbigay sa akin ng peace of mind at magpapabalik ng sarili ko.



Sinakay ako ni kuya Rem sa kanyang sasakyan, may driver na pagkasakay pa lang namin ay agad nang pinatakbo ang sasakyan paalis.



Hanggang sa makalabas kami ng parking lot ay nanatili ang tingin ko sa nakatayong bulto ni Klaus na nanatili ako tingin sa sasakyan na sinasakyan namin.




PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now