Nakakamanghang panoorin mula sa napakatayog na puno dito sa kabundukan ang nagkikislapang siyudad sa malayong bayan. Bata palang ako ay palagi kong pinanonood ang napakahiwagang lugar na iyon. Malayong-malayo sa kung saan ako nakatira.
"Balang araw mapupuntahan din kita.."
I know it's not all about the place I longed to wonder, but for a particular someone I know. My first and only mortal friend.
I know he's there somewhere in those sparkling lights of the city.
Mukhang lumalalim na ang gabi.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa isang sanga. Humaplos sa balat ko ang malamig na hangin. Pinkit ko ang mga mata, dinadama ang simoy ng hangin bago ko napagpasyahang umalis na nga.
Tumalon ako mula sa tuktok ng puno kasabay ang paglabas ng itim na itim kong mga pakpak.
Sana hindi ako mapagalitan ni Ama sa pagtakas ko para mas malapitang panoorin ang siyudad. Masyado pa namang delikado para sa amin na lumabas sa lungga.
Ilang kabukiran pa ang nalampasan ko bago ko tuluyang nasilayan ang matayog na bundok na nino man sa mga mortal ay hindi nangahas na akyatin sa paniniwalang maraming mapanganib na hayop ang naninirahan. Nasa pinakatuktok nayun ang maliit naming nayon.
Aguana. Iyon ang tawag sa aming mga nilalang na isang alamat para sa mga tao.
Pagkababa ko sa lupa ay agad ko ring kinubli ang mga pakpak ko. Mula rito sa gilid na bangin, kailangan ko pang tawirin ang gubat para makarating sa dulo niyon kung saan naroon ang mga tahanan namin.
Tahimik na ang mga kubo sa paligid. Nagsasaluhan sa hapunan at matutulog na pagkatapos, katulad ng kung paano mamuhay ang mga tao. The only difference is, we craved for meat when it's full moon. Kapag kabilugan ng buwan ay lahat ng katangian naming mga immortal ay kusang lumalabas para sa pangangaso ng mga hayop.
Bumukas ang kawayang pinto ng bahay namin at lumabas mula roon ang nakakatandang kapatid ko. Nakapameywang na agad.
"Hello, Ate Sena, hehe." I smiled cutely at her.
"Ang kulit mo talaga Annicia! Kung saan-saan ka na naman pumunta! Tara sa loob!" Hinila ako ni Ate papasok sa munti naming kubo. Naabutan namin si Inay na naghahanda na ng hapunan at si Ama na seryosong nakadungaw sa bintana. Tila malalim na naman ang iniisip.
"Ama! Nandito na po ako! Ina.. mmm ang bango ng hapunan natin a!" Lumapit ako kay Ama. Si Ate ay dumulog na sa hapag kainan para tulungang mag ayos si Inay.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ama. Malungkot ang kislap ng mata'ng nilingon nya ako. He held my hands and gently squeezed it.
"Hindi maganda ang balita ng hangin. Hindi ko mawari kung ano iyon ngunit nakatitiyak akong mapanganib." Bumuntong-hininga si Ama at ngumiti ng malumanay. "Sa ngayon ay kumain na muna tayo." hinalikan nya ako sa noo bago kami sabay na gumayak sa hapag kainan.
"Annicia, ikaw na bata ka maghugas ka ng kamay mo, naku ang dumi nyan kung saan kasi sumusuot." Ani Inay.
Nakangiti akong tumayo at naghugas ng kamay. Masaya naming natapos ang hapunan ngayon ay nakahiga kami kapwa ni Ate sa papag ng aming kwarto.
"You know Annicia, I flew yesterday with Dominante. We tried to reach the stars but we failed." Tumawa si Ate. Nilingon ko sya at nakatitig lamang sya sa bintanang nasa kwarto namin. Tanaw roon ang nagkikislapang bituin sa langit.
"Ang sweet nyo naman." Kinikilig na sabi ko. Dominante is Ate Sena's lover. May balak na nga silang magpakasal sa susunod na ikatlong kabilugan ng buwan.
YOU ARE READING
ANNICIA
General FictionAnnicia is a young and lost girl that happen to meet Dashmael. He saved her from dying but as she wakes up, her memories have vanished. What will happen if the memories comes back and she realize who she really is? Will love wins over or avenge will...
