"Psh. Bakla talaga." Tumalikod nalang siya at siya namang nakita niya ang dalawang kaibigang si Red at Nicole. Nauuna na ang mga ito at mukhang nakalimutan pa siyang hintayin kaya tumatakbong sumunod nalang siya sa mga ito.

"Oy! Girl? Mag-isa ka yata?" Agad naman napalingon sa parehong gilid si Cassiopeia ng may sumabay na ngayon sa kanya sa paglalakad. It was William and Kyle.

Napangiti naman siya sa dalawa. Alas dos na nang hapon at papunta siya ngayon sa library para puntahan si Red na naroon. Wala ito sa hangout kaya malamang nasa Library ito at doon nakatulog. May klase pa naman sila ngayon sa isang minor subject at baka ma-late pa kaya gigisingin niya ito roon. Weird din talaga kasi ang kaibigan niyang iyon.

"Nauna na kasi si Nicole kanina. Nakatulog ako eh, pupunta pa akong library ngayon para gisingin si Red. Mukhang doon nakatulog eh."

Napatango-tango naman ang dalawang bakla bago muling magsalita. "May tanong lang ako, girl." Pagkatapos ay tumigil si Kyle sa paglalakad kasunod si William.

Napatigil rin tuloy sa paglalakad si Cassiopeia sabay parehong muling lingon sa dalawa. Pareho itong may ngiti sa labi at talagang hindi maipagkakaila. Kahit anong bakla rin ng dalawang kaharap niya ay hindi parin maitatago ang angking kagwapuhan ng mga ito. Talagang mga gwapo ito.

"Ano naman 'yon?" Balik tanong niya sa mga ito.

Nanatili ang ngiti sa labi ng dalawang bakla.




"Kamusta kayo ni Oliver? Friends lang ba talaga kayo?"




--------


-CASSIOPEIA-

'Kung ang singkit na maputi, tawag ay CHINITO, ano naman kung singkit na maitim?'

'Ano?' I typed my reply.



'Edi, PRINITO! HAHAHAHAHA.'


Pft. Corny naman neto.

"You keep on smiling. Who are you texting to?"

Agad ko namang naibaba ang cellphone ko at napalingon kay Red. Nakakagulat naman 'to.

"Ah, wala. Yung scammer lang. Akala niya siguro mabubudol-budol niya ako."

I can read how Red didn't buy my words. She even just smirked and shook her head before she sat down beside me in the couch. Hindi ko na tuloy matignan ang phone ko. When it comes to Red, ang hirap talagang makalusot sa kanya.

"Scammer huh." Hindi nalang ako sumagot at umusog nalang ng konti.

"Akala ko pa naman si Oliver yang ka-text mo." Natigilan naman ako saglit sa sinabi niyang iyon. 

When I looked at Red, nakatitig lang ito sa akin. As if she could really read what's on my mind. But she's Red.

"So aside from Oliver, there is someone as well who could put a smile on you." She said.

"Not really." I suddenly heaves out a sigh. It's true that it's not Oliver I am texting to, it's that Mr. Unknown guy. Hindi ko na nagawa pang tignan sandali ang cellphone ko kahit nagvibrate ulit ito.

"Cass, you're smiling like how Oliver can make you smile too. So, who's that  'SCAMMER' you say?" That...

"Yun din ang hindi ko alam, Red." I suddenly raised my phone towards her, to let her see the name I saved. She frowned at that. I smiled.

"I don't know why I'm still entertaining him. Or is he even really he. Basta, at first hindi ko naman talaga binalak magreply sa mga messages niya. I didn't tell you about this before since...hindi ko naman alam kung dapat ko bang ikwento sa inyo ni Nicole. But this...this Mr. Unknown guy, I suddenly got entertained with his messages hanggang sa basta nalang akong nagrereply sa mga text niya. He's funny, Red. We're like textmate for a year now."

My Gay Boyfriend (Series 2)Место, где живут истории. Откройте их для себя